00:00Nananatiling masigla ang ekonomiya ng Pilipinas ayon sa Malacanang.
00:04Katunayan, ibinida pa nito ang mga programang nagbigay ng trabaho
00:07at nagpaayos sa buhay ng maraming Pilipino sa bansa.
00:12Ang detalya sa report ni Clasel Pardilla.
00:18Nananatiling masigla ang ekonomiya ng bansa.
00:22Sa Economic and Development Council meeting ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:27Kasamang kanyang economic team, ibinida ang magandang takbo ng ekonomiya
00:33dahil sa mga programang ipinatutupad ng administrasyon.
00:38Ang resulta mula 10.3% na bilang ng mga Pilipinong walang trabaho noong 2020.
00:45Bumaba na ito sa 4.7% na karaang taon.
00:49Nabawasan din ang underemployment rate.
00:52Ibig sabihin nito ay dumarami na ang mga kababayan nating may disenting trabaho.
00:58Ayon din sa economic team, naitala ang underemployment rate na 16.2% noong 2020.
01:06Ibig sabihin, maraming mga manggagawa ang may trabaho
01:09ngunit hindi angkop sa kanilang galing o sapat sa kanilang pangangailangan.
01:15Nitong nakaraang taon, malaki ang ibinaba nito at umabot sa 13.6%.
01:20Sinyales na mas maraming tao ang nakahanap ng mas angkop at mas sapat na trabaho.
01:28Kabilang sa mga programang ipinatutupad ni Pangulong Marcos
01:32ay ang bagong Pilipinas Servicio Fair
01:35na nagbibigay ng oportunidad sa mga Pilipino
01:38na makakuha ng trabaho sa pamamagitan ng job fair.
01:42Gumugulong din ang skilling at upskilling program ng TESDA
01:46na humuhubog sa kasanayan ng mga Pinoy para magkaroon ng in-demand
01:51at napapanahong hanap buhay.
01:54Puspusan din ang pag-abot ng tulong sa ilalim ng walang gutom program.
02:00Ito ang pagbibigay ng food credit para sa pinakamahirap na Pilipino.
02:05Ayon sa Manakanyang, bumaba na ng higit 2 milyon
02:09ang bilang ng mga mahirap noong 2023 kumpara noong 2021.
02:15Pagtitiyak ng palasyo, determinado pa rin ang pamahalaan
02:19na lumikha ng mas maraming dekalidad na trabaho.
02:23Pababain ang antas ng kahirapan hanggang maging single digits sa taong 2028.
02:29Kasabay niyan ang pagsisiguro na nagagamit ang pondo ng bayan sa tama.
02:34Ipinag-utos naman ng Pangulo na bigyan tugon ang flood control issue,
02:39epekto ng climate change at ilang external forces na sumusubok sa ekonomiya ng bansa.
02:46Naniniwala ang Pangulo na kailangan magkaroon ng reforma sa paggamit ng pondo ng bayan
02:53upang hindi na maulit ang nangyari noong mga nakaraang mga maanumalyang flood control projects.
02:59Pinalalakas din ang Presidente ang pagtugon sa climate change
03:04sa pamagitan ng maayos na forecasting,
03:07modernang teknolohiya at mabilis na pagresponde sa mga epekto nito.
03:12Kasabay niyan ang pagpapatibay ng ugnayan sa Pilipinas at iba pang bansa.
03:17Binigyan din din ng Pangulo na dapat pang palakasin
03:20ang nampamahalaan ang pakikipag-ugnayan sa ibang bansa,
03:24lalo na sa ASEAN upang patatagin ang usaping pang-ekonomiya.
Comments