00:00Samantala, pinagre-resign ng isang senador ang ilang matataas na opisyal ng Food and Drug Administration,
00:06kaugnay sa talamak-umanong bentahan ng peke at hindi ligtas na gamot.
00:10Ayon kay Senador Rafi Tulfo, may mga nabiling pekeng gamot ang kanyang team sa ilang sari-sari store.
00:16Marami rin daw silang nabiling peke at hindi rehestradong gamot sa iba't-ibang online platforms.
00:23Sabi ni Tulfo, indikasyon yan, na posibleng hindi nagagawa ng mga opisyal ng FDA ang kanilang tungkulin.
00:29Sabi ni FDA Director General Paulo Teston, handa siyang magbitiw sa pwesto kung may mas mahusay na papalit.
00:38Ayon naman kay FDA Field Regulatory Operations Officer in Charge, Franklin Anthony Tabakin IV,
00:44may mga nauhuli naman na local manufacturer pero pinagbabayad lang daw ng multa ng korte at hindi pinakukulong.
00:51Kaugnay naman sa mga foreign manufacturer, wala raw kakayahan ng FDA na pumunta abroad para magsampah ng kaso.
Comments