- 3 hours ago
- #gmaintegratednews
- #kapusostream
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Hindi na muna pinapabiyahe ang lahat ng passenger ship ng kumpanyang may-ari ng lumubog na MV Trisha Kirsten 3.
00:07Sampu ang nawawala pa rin sa trahedya pero wala sa listahan ang ilang hinahanap na sakay rin daw ng lumubog na barko.
00:14At mula sa Zamboanga City, saksilay si Jonathan Andal.
00:19Jonathan?
00:22Pia, nakarating na dito sa Zamboanga City ngayong gabi yung remotely operated vehicle, ROV,
00:27pati po yung ilang technical divers na sisisid po bukas sa dagat ng Basilan kung saan po lumubog yung RORO.
00:34Sa ngayon, Pia, pareho pa rin ang numero. 316 ang narescue, 18 ang patay at 10 pa ang nawawala.
00:49Sinubukan pang sagipin pero hindi na nagawang masalba ng Philippine Coast Guard ang buhay ng batang ito
00:55na isa sa mga sakay nung lumubog na MV Trisha Kirsten 3.
00:59Ayon, may tatlo silang nahila o.
01:04Ilang saglit lang, dumating ang isa pang bangkang lulan ang mga nahanap na pasahero sa pag-asang masasagip pa ang ilan sa kanila.
01:11Ayon sa Philippine Coast Guard, labing walo ang nasawi sa trahedya.
01:15At may sampu pang hinahanap.
01:17Ang kaanak na ibang nawawala pa, umaasang makikita rin ang kanilang mahal sa buhay.
01:22Ang kadete na si Dave Kyle Ponsalang na naka-duty nung mangyari ang trahedya,
01:27nakapagpadala pa ng mensahe sa group chat ng kanilang pamilya bago lumubog ang barko.
01:31Fully booked daw ang barko.
01:33Bandang alas 12.56 ng ating gabi,
01:36nag-message na si Ponsalang na humihingi ng tulong dahil itong maggilid na raw ang barko.
01:40Ako po yung nanawagan sa lahat na nakikita doon.
01:45Sana ko si Dave Kyle Ponsalang, ipagliligyan niyo po ng informasyon dito sa account ko.
01:52O mismo sana po yung DGP Ponsalang, sana matulungan niyo ako.
01:57Parang awa niyo.
02:00Parang awa niyo.
02:01Anak ko yan.
02:02Buhay na kay anak ko na sa landa niyo.
02:05Si Hermeline, magdadalawang araw nang hinahanap ang anak niyang si Dina.
02:09Ito po siya, kung sino man po yung nakapulot sa kanya.
02:12Kasi hanggang ngayon, messing pa rin po siya.
02:14Pero alam namin na ano po siya, na buhay pa rin po hanggang ngayon.
02:20Kasamaan niya ni Dina ang kanyang kuya, asawa nito at anak nilang sanggol.
02:24Apat sila.
02:25So yung tatlo po, narescue na pero patay na yung anak ng, ay yung apo ko.
02:30Siya na lang po yung nawawala.
02:32Kung buhay man o patay, dapat talaga tanggapin natin kung ano man nakaano sa kanya.
02:39Pitong kaanak na sakay rin daw ng Roro ang hinahanap sa Coast Guard Station ni Mudar.
02:43Asawa ko po, si Aridia Girol.
02:46Pati auntie ko po, si Balma Girol.
02:49Pati asawa niya, si Girol Girol.
02:53Pati si Alma.
02:54Pati si Junhar.
02:57Pati si Rondon Girol.
02:59Pati ikapito po, yung batang na maliit, dalawang taon.
03:02Sa ibang barko daw, dapat sasakay ang mga kaanak kung di pinalipat sa MB Tricia Kirsten 3.
03:07Sabi ng bayo ko confirm, sumakay sila sa Tricia.
03:10Tinignan po namin sa les, nang missing, wala po sila doon.
03:14So ang tanong ko po kung nasa ng pamilya ko.
03:16Nandun naman po sa manifest po ang pangalan ng mga pamilya ko.
03:19Kinumpirma naman ang Philippine Army na nawawala rin ang pasaherong sundalong si Sergeant Wendell Sabuyas.
03:25Kwento ng kapwa nitong sundalong nakaligtas.
03:27Papunta sana sila kahapon sa hulo, kunsan sila na destino.
03:31Ginising siya ng kasama namin, sir.
03:33Tapos, hindi ko na, kwan kung nagising siya o hindi, sir.
03:37Hindi na namin mahanap si Sarin Sabuyas, sir.
03:41Pero ayon sa Philippine Coast Guard, batay sa kanilang official record,
03:45posibleng wala ng pasaherong nawawala.
03:48Ang sampung missing sa listahan nila ay ang walong tripulante ng barko,
03:52ang kanilang kapitan at ang tauha ng Philippine Coast Guard na naging sea marshal sa biyahe.
03:57We are basing doon sa aming manifest na binigay sa amin.
04:00Ngayon, if ever po na meron talagang ibang missing,
04:04that would be part ng magiging result ng investigation natin.
04:07Ibig sabihin, meron talagang hindi nakasulat sa manifesto.
04:09Sa ngayon po, ayaw po namin mag-speculate.
04:12Welcome any information from the public.
04:15Expectation din po ng lahat.
04:17Aming mga marino, yung kapitan ng barko dapat ang pinakahuling tatalon, pinakahuling alis.
04:26Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Lopez,
04:29hindi mo napapayagang bumiyahe ang lahat ng 24 passenger ships ng Allison Shipping Line,
04:35ang may-ari ng lumubog na roro hanggat hindi sila nakakapasa sa inspeksyon ng marina at PCG.
04:40Kung may makitang paglabag, sususpindihin o tatanggalan ang permitang kumpanya.
04:45They are now grounded.
04:47And marina and Philippine Coast Guard, they have 10 days to conduct a maritime safety audit and risk compliance and also inspection.
04:57Kung lalabas po sa investigasyon na meron pong pagkukulang ang gobyerno,
05:04makakaasa po kayo na yayarihin, sisibakin, we will file the appropriate cases against our fellow workers.
05:14Ganon din po sa panig ng ship owner.
05:20Dagdag ni Lopez, mayroong 32 maritime incidents na ang Allison Shipping mula 2019.
05:26Noong 2023, halos tatlong po ang nasawi nang masunog ang barko nitong MV Lady Mary Joy 3 sa bahagi ng Balok-Balok Island sa Basilan din.
05:36So I'm asking Marina, what did we do for the last how many years?
05:41Nasaan ang mga report? Ano ba yung pagkukulang natin?
05:45Ayon sa mayor ng Zamboanga City na isang dating kapitan ng barko at asawa ng isa sa mga may-ari ng Allison Shipping Lines,
05:52ang paglubog ng MV3 sa Kirsten 3 ay posibleng dahil sa napigtas na lashing o yung bakal na tali na kumukontrol sa galaw ng karga ng roro.
06:00Siguro yung lashing materials hindi kinayanan, baka mabigat yung truck, baka over capacity.
06:05So hindi nila namataan yun, pumotok yung rolling materials, nung gumano ng barko, nung nag-rolling siya, sumaba yung truck, tumagilit.
06:15Kaya nung tumagilit yung truck, nagkaroon siya ng angle of law and dere-derecho na lumubog yung barko.
06:22That will be part of the investigation.
06:24Nakikita niyo rin po yung gano'ng angle of law ngayon.
06:26We are not discounting any possibility.
06:29We focus on the search and rescue.
06:32Mas mahalaga sa ngayon ang buhay ng tao.
06:34Isa rin daw sa inaimbestigahan ng Coast Guard ay ang squall o biglaang paglakas ng hangin na madalas ay may kasabay na pagbugso ng ulan.
06:42Itong area na po ito, itong sa may bukal-bukal at saka sa may pilas island, usually may squall po dito.
06:48Parang sa basko po, ito po yung biglaan na paglakas po ng hangin.
06:52We are also checking on that.
06:54Sa aerial inspection ng Philippine Coast Guard na aking sinamahan, nakita namin ang Balok-balok Island kung saan malapit ang lumubog na roro.
07:01Pero hindi ito natanaw.
07:03Hindi po namin nakita yung mismong fluro dahil total isang perch talaga nakalubog.
07:09Wala rin po tayong nakita.
07:10Sabi ng Coast Guard, naghanda na sila ng oil spill boom at oil dispersant.
07:26Pero sa ngayon, hindi naman daw dapat ikabahala ang tumagas sa dagat na manipis na langis.
07:30Oil sheen, yung napakanipis, yung parang nagpatak ka ng mantika sa tubig.
07:37Sa ngayon, wala pa po tayong dapat ikabahala.
07:40Normally, yung oil nasa surface lang.
07:43Bukod sa paglubog ng barko sa Basilan, naging sunod-sunod din ang mga insidente yung kinasangkutan ng mga sasakyang pandagat.
07:50Dahil dito, kaya ipinag-utos ng DOTR ang malalimang investigasyon.
07:55Sampung araw ang ibinigay ng DOTR sa Marina at Philippine Coast Guard para magsagawa ng comprehensive safety audit at inspection.
08:01We're not just addressing the issue of Allison, this particular incident, but we're also addressing the issue of enforcement, regulation, and policy.
08:13Maglalabas kami in the next few days ng department order, circular, to make sure that incident like this will never happen again.
08:23Or we minimize it in the sense sa talagang, kung talagang act of God siya or whatever.
08:28Re-repasuhin din ang mismong polisiya ng pagsusuri at pagsigurong seaworthy ang mga barko.
08:34Ayon sa Marina, isa sa mga posibleng isulong na amenda sa polisiya ang mas masusing risk assessment sa kada barko sa halip na kada kumpanya.
08:43We should be able to determine the risk level ng isang barko.
08:48I risk, moderate or lower risk.
08:53Pia, nakatinga ngayon dito sa pantalan ng Zamboanga, yung ilang barko ng Allison Shipping Lines.
09:02Dala po yung biyahe po ng Basila na tulong kasi nga grounded yung mga passenger ships nila.
09:07Ang problema, ang sabi ng mga nakusap natin yung Port Police, may mga pasayro na po na hindi nakabiyahe kanina doon sa kanilang destination.
09:13Tapos yung iba naman doon sa Basilan, napagastos pa kasi imbes na barko, pump boat yung sinakyan nila.
09:18Kasi nga po yung mga barko ng shipping lines na dapat sasalo doon sa mga pektadong pasayro, e mabilis na na-fullibong.
09:26Yan muna ang latest mula nito sa Zamboanga City para sa GMA Integrated News.
09:30Ako po si Jonathan Andal, ang inyong saksi.
09:33Pag-usapan ng legal team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte,
09:36ang mga susunod nitong hakbang kasunod ng desisyon ng International Criminal Court Pre-Trial Chamber 1
09:42na nagsasabing fit o na sa maayos na kalagayan ng dating Pangulo para lumahok sa mga pagginig.
09:48Ito po ay ayon kay Vice President Sara Duterte na nasa The Hague nang lumabas ang desisyon.
09:56Nagkita din kami ng kanyang abogado doon sa loob pero ekli lang yung oras.
10:03Pero bukas at sa susunod na mga araw ay meron kaming mga meeting.
10:09Ako pa lang, meron ako mga meeting na kasama ang kanyang legal team.
10:14Ang sabi na abogado ni Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman,
10:20dismayado sila sa naging desisyon ng ICC Pre-Trial Chamber 1.
10:24Hindi rin nabigyan ang depensa ng pagkakataon na maglatag ng sarili nilang medical evidence
10:29at makwestiyon sa korte ang salungat na findings ng mga professional na pinili ng mga kwest.
10:34I-appel na raon ng depensa ang desisyon at igigiit na hindi nabigyan ng due process ang dating Pangulo.
10:42Kinatuwa naman na abogado na mga biktima ng kampanya kontra droga ng Administrasyong Duterte ang desisyon.
10:48Alka Atty. Christina Conti, wala nang hadlang sa pagdinig.
10:52Pero paglilinaw niya, pagdinig pa lang ito sa confirmation of charges at hindi pa yung mismong paglilikis.
10:58Nailabas na nila halos lahat ng alas nila.
11:05Kaya sa ngayon, wala na tayong nakikitang malaking malakid sa February 23.
11:10Kahit pa i-appela ang desisyon at kahit pa nasa appeals chamber pa yung jurisdiction challenge,
11:19kasi wala nang ibang issue na pending sa kanya.
11:21Lungsod ng Tabako sa Albay isinailalim sa state of calamity dahil sa patuloy na pag-alboroto ng Bulkang Mayon.
11:33Dahil dito, magagamit ng lungsod ang Quick Response Fund at mapapabilis na rin ang disaster response operations sa mga apektadong komunidad.
11:43Halos limandaang pamilya o mahigit isang libong individual ang lumika sa Tabako City dahil sa aktibidad ng Bulkang Mayon.
11:51Ito ang pinakamataas na bilang ng mga pamilyang lumikas sa buong prominsya ng Albay.
11:57Suspect sa panguhold up at pangugulpi sa isang Japanese national sa Paranaque noong weekend, arestado na.
12:04Lumabas sa embisigasyon na isang tindero ng pinya ang suspect.
12:08Narecover ng polisya ang mga kagamitan ng dayuhan maliban sa ninakaw na pera.
12:14Hindi pa tukoy ang motibo ng krimen.
12:16Maharap sa patong-patong na reklamo ang suspect na wala pang pahayag.
12:21Para sa GMA Integrated News, ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
12:27Posible ang ipatawag ng House Committee on Justice si Pangulong Bongbong Marcos kapag umabot sa pagdinig nila ang inihayang mga impeachment complaint laban sa Pangulo.
12:36Saksi si Chino Gaston.
12:38Ang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos na inihayin ang abogadong si Andre De Jesus
12:47at ang ikalawang reklamo ni na Teddy Casino, Lisa Maza, Renato Reyes at iba pang individual,
12:53pagsasamahin ng House Committee on Justice at tatalakayin para matukoy kung sufficient in form and substance.
12:59Sisimulan niyan sa lunes at dos ng Pebrero.
13:02Kung sufficient in form and substance, isasagawa na ang hearing kung saan ipapatawag ang mga complainant,
13:08mga witness at si Pangulong Marcos na tumatayong responde.
13:12Ito raw ay para hindi na maulit ang isa sa mga basihan ng Supreme Court decision
13:16sa pagdidiglarang unconstitutional ang impeachment complaint noon
13:20laban kay Vice President Sara Duterte na hindi nila nabigyan ng pagkakataong sumagot sa mga aligasyon.
13:27Paano kung hindi dumating your respondent?
13:30It is his prerogative whether to come or not to come.
13:35Because just like any other respondent,
13:40this participation during the hearing is part of the right-to-do process.
13:46Mahalaga din na sagutin niya para maliwanagan ng taong bayan
13:50dahil nakikita ako doon sa pinakamahalagang sagutin niya
13:55yung allegations ng makabayan black na talagang magkaroon ng problema
14:00yung 2023, 2024, and 2025 national budget.
14:04Hindi kasama ang reklamo sana ni nadating congressman Mike Defensor
14:08at attorney Ferdinand Tupacio na dinala noong January 22
14:12pero hindi tinanggap dahil wala ang Secretary General.
14:16Dinala rin yan kahapon pero walang kongresistang gustong mag-endorso
14:20dahil tinakot umano ayon sa grupo.
14:24Alinsunod sa konstitusyon,
14:25may 60 session days ang Justice Committee
14:28para tukuyin kung may probable cause o matibay na basihan
14:32para ituloy ang impeachment.
14:33Wala pang tugon ng Malacanang kung dadalo si Pangulong Marcos
14:37sakaling ipatawag ng Justice Committee
14:39pero handaan nila ang Pangulo na makipagtulungan
14:43at magsumiti ng mga dokumento kung kailangan.
14:46Iginagalang daw ng Pangulo ang proseso ng impeachment
14:48at ang trabaho ng Kongreso
14:50pero muling idiniin ng palasyo
14:53na hindi lang ang Pangulo ang apektado nito.
14:56Hindi lang ang Pangulo maapektuan
14:57kundi mismo ang bansa at ang ekonomiya.
15:00Suportado naman ng palasyo
15:02ang desisyon ni House Majority Leader Sandro Marcos
15:05na hindi lumahok sa alumang diskusyon o debate
15:08kaugnay ng impeachment laban sa kanyang aba.
15:11Dahil na i-refer na sa Justice Committee
15:14ang dalawang reklamo para sa ilang eksperto
15:17may tuturing ng initiated
15:18o nasimulan ang impeachment complaint laban sa Pangulo.
15:22Ang probisyon sa konstitusyon,
15:24isang beses lang maaring magpasimula
15:26ng impeachment proceeding
15:28laban sa mga impeachable officials
15:30tulad ng Pangulo sa loob ng isang taon.
15:33Ayon kay dating Supreme Court Associate Justice Adolf Azcuña
15:36na isa sa mga nagbalangkas ng 1987 konstitusyon.
15:41Bagaman wala silang isinulat sa konstitusyon
15:43kung kailan nagsisimula ang one-year ban,
15:45ang pag-refer daw sa House Committee
15:47ay simula na ng pagtakbo ng one-year ban.
15:51We allow the House to adopt rules
15:54to implement the provision.
15:57Na-initiate na kagabi
15:58yung impeachment proceedings against the President
16:01by the referent to the Committee of Two Complaints.
16:05So that starts the ban,
16:09the one-year ban already.
16:11So any further complaint
16:13has to be filed after
16:15initiated after one year from yesterday.
16:20Pero para kay Professor Paulo Tamase
16:22na nagtuturo ng konstitusyon
16:24sa UP College of Law,
16:26tila lumaburaw ito
16:28nang maglabas ang Korte Suprema
16:30ng desisyon tungkol sa tangkang impeachment
16:32laban kay Vice President Sara Duterte.
16:35Ang indication ng Korte Suprema
16:37doon ay nagsisimula ang one-year bar rule
16:39mula sa dismissal
16:40ng kaso ng impeachment.
16:43Based lang sa desisyon ng Supreme Court,
16:45hindi pa siya nagsisimula.
16:47Dahil diyan, tingin ni Tamase,
16:49walang kasiguraduhan
16:50kung pwede pang may humabol
16:51na maghain ang impeachment complaint.
16:54Hindi natin alam ngayon
16:55na na-initiate na nga yung
16:57kaso ng impeachment
16:59laban kay Pangulong Marcos
17:02kung meron pang pwedeng humabol
17:05dahil hindi pa naman nagsisimula
17:07yung one-year bar rule
17:08kung titingin tayo sa dismissal.
17:10So may ganun na puwang ngayon o gap.
17:12Dismissal doesn't initiate it.
17:16Dismissal ends it.
17:19What is the start of the one-year period
17:23is not from the dismissal,
17:26it's from the initiation.
17:28Okay.
17:29And the initiation is either
17:31by the parallel to the committee
17:34or archiving.
17:36Pero si Justice Committee
17:37Chairperson Luis Tro,
17:39naninindigan,
17:40sarado na ang tindahan.
17:41Wala nang pwedeng humabol
17:43kasi ito yung paulit-ulit
17:45kong sinasabi.
17:47Basta may makarating na impeachment
17:48complaints sa Justice Committee
17:50following the Francisco ruling,
17:53it completes the initiation process
17:56and therefore it bars all,
17:59all subsequent impeachment complaints
18:02against the same impeachable official.
18:04It likewise triggers the running
18:06of the one-year prohibition period.
18:09Para sa GMA Integrated News,
18:11ako si Chino Gaston,
18:12ang inyong saksi.
18:15Tinutulan na halos lahat ng senadol sa minoria
18:18ang resolusyong kundinahin
18:19ang tila pagbabanta ng Chinese Embassy
18:22sa mga opisyal ng Pilipinas
18:23na tumutulig sa agresyon ng China
18:26sa West Philippine Sea.
18:28Saksi, si Ian Cruz.
18:33Labing limang senador ang pangirma
18:35sa draft ng resolusyong kumukondinah
18:37sa Chinese Embassy
18:38dahil sa tila banta nito
18:40sa mga opisyal ng gobyerno
18:42na kritikal sa agresibong aksyon ng China
18:45sa West Philippine Sea
18:46sa resolusyon na nawagan ng Senado
18:49sa Department of Foreign Affairs
18:50na magkasanang mga hakbang pandiplomatiko
18:53para itaguyod ang dignidad ng Pilipinas
18:56at tiyaking ang relasyon nito
18:58sa iba pang Estado
19:00ay ayon sa international law.
19:01We condemn the statements
19:05of the Chinese Embassy
19:06that are, we believe,
19:10inconsistent with diplomacy
19:12and international law.
19:14Sa gitna ng pagtalakay para dyan,
19:16nirepost pa ng embahada
19:18ang larawan ng mga senador
19:19na sumusuporta sa resolusyon
19:22na unang ipinous na tariela
19:24na ani-ontiveros
19:25tila tinuyapang gaya-gaya lang sila
19:27sa isa't isa.
19:29Gitni-ontiveros,
19:30bastos at walang panggalang
19:32ang embahada ng China
19:33kaya dapat i-adopt ang resolusyon.
19:36Pero gitni minority leader
19:37Sen. Alan Peter Cayetano,
19:39mas mainam na magkaroon
19:41ang pagdinig kukul dito.
19:43May mga mungkahi rin
19:44ideklarang persona ng grata
19:45ang mga opisyal ng embahada
19:47pero di rin dumusot.
19:49Nasuspindi lang
19:50ang pagtalakay
19:51sa resolusyon.
19:52Tani Sen. Jenga Estrada
19:53lang ang minority senator
19:55na pumirma.
19:56Bago nito ay binatikos na
19:57ng ilang senador
19:58ang embahada ng China
19:59sa Pilipinas
20:00sa banta nitong
20:01pagpabayarin
20:02ang mga opisyal ng Pilipinas
20:04na nanguudyok
20:05laban sa China.
20:06We are told
20:07that criticizing
20:09a foreign head of state
20:10is completely unacceptable.
20:12If you do not like
20:15how democracy works
20:17in this country
20:18then you are free
20:20to leave the Philippines.
20:23Get the f*** out!
20:25Layas!
20:27This is our house.
20:30Hindi sila ang boss natin
20:32at tayo ay mga tau-taohan lang nila.
20:36Nauna ng ipinagtanggol
20:38ni Sen. Arisa Ontiveros,
20:40si Philippine Coast Guard Spokesperson
20:42ng the West Philippine Sea
20:43J. Tariella
20:43pero sinundan niya
20:45nang anya ikila
20:46sistematikong pag-atake sa kanya
20:48sa social media
20:49ng gobyerno ng China.
20:51We are in a democracy.
20:55Ang freedom of speech
20:56ay hindi lisensya
20:58para sa representante
21:00ng isang dayuhang bansa
21:01na manghimasok,
21:04manakot
21:04at mambastos
21:06sa mga Pilipino dito.
21:09Even the Chinese
21:10Foreign Ministry Spokesperson
21:11Guo Jia Kun
21:13threatened
21:14Philippine officials
21:16on our very own soil.
21:18The embassy
21:19has clearly
21:19violated
21:20Article 41
21:21of the Vienna Convention
21:23on Diplomatic Relations.
21:25Sabi umano
21:26kay Minority Sen.
21:28Rodante Marcoleta
21:28ng bagong
21:29Chinese ambasador
21:30sa kanilang pulong,
21:32sinagot lang
21:32ng embahada
21:33ang paggamit
21:34yung tariela
21:35ng karikature
21:36ni Chinese President
21:38Xi Jinping.
21:38Siguro yun
21:40ay paalam natin
21:40sa paraan
21:41na hindi tayo
21:42makagagawa
21:43siguro
21:43ng lalo
21:44pang mas malaking
21:45pagkakamali
21:48na
21:49katulad po
21:50ng ginawa niya
21:51kailangan po bang
21:53gumamit pa siya
21:56ng mga cartoon
21:57karikatures
21:57pare-pareho
21:58tayong claimant
21:59Sana naman
22:00ay pakaiwasan
22:01din natin
22:02yung gano'n
22:02sapagat kung
22:03negative naman
22:04yung nakikita rin
22:05namin
22:05hindi na naman
22:07po pwedeng
22:07hindi naman
22:08kami sumagot.
22:09Pag nambastus ka
22:11e babastusin ka
22:12rin talaga.
22:14Para sa GMA
22:14Integrated News
22:15Ian Cruz
22:16ang inyong
22:17saksi.
22:20Namumukad ka
22:21at ang
22:21Sakura
22:22o Cherry Blossoms
22:23pero hindi po yan
22:24sa Japan
22:24o South Korea
22:25kundi sa
22:26Baguio City.
22:27Ayon sa Baguio Country Club
22:29ito ang kauna-unahang
22:31pamumukadkad
22:32ng Cherry Blossoms
22:33Tree
22:33na maigit
22:34pitong taon
22:35din nilang hinintay.
22:37Maituturing
22:37na pambihira
22:38ang pamumukadkad
22:39ng Sakura
22:40sa bansa
22:40lalo't kadalasang
22:42nangyayari lang ito
22:43sa mga bansang
22:44malamig ang klima.
22:46Pero dahil malamig
22:47sa Baguio
22:47maaaring nakatulong
22:48daw ito.
22:49Taong 2018
22:50at 2019
22:51nang mag-donate
22:53ang mga hapon
22:54ng Sakura Tree
22:55sa naturang
22:56Country Club.
22:57Mga kapuso
22:59maging una
23:00sa saksi.
23:01Mag-subscribe
23:02sa GMA Integrated News
23:03sa YouTube
23:03para sa
23:04ibat-ibang balita.
Comments