00:00Bago ngayong gabi, dumating sa Zamboanga City ngayong gabi ang mga technical diver at remotely operated vehicle na si Sisin sa Dagat sa Basilan bukas para hanapin ang 10 nawawala sa paglubog ng MV Tricia Kirstin III.
00:14Grounded na muna ang lahat ng passenger vessel ng may-ari ng lumubog na barko. May report si Jonathan Nanda.
00:19Kung makapit sa pag-asa ang ina ng batang si Dina, isa sa mga nawawala sa paglubog ng MV Tricia Kirstin III sa Laot sa Basilan.
00:30Kasama raw ni Dina ang kanyang kuya, hipag at sanggol na pamangkin.
00:34Apat sila. So yung tatlo po narescue na pero patay na yung anak ng, ay yung apo ko.
00:40Siya na lang po yung nawawala. Kung buhay man o patay, dapat talaga tanggapin natin kung ano man nakaano sa kanya.
00:50Hinahanap din ang kapatid ni Sakarnina.
00:52Maskin ano nang mangyari sa kapatid ko, basta makuha lang namin, tanggap na namin kung ano man ang mangyari sa kanya.
01:01Dahil Allah Ta'ala ang nagano sa kanya.
01:03So I hope tulungan ninyo ako, tulungan ninyo ang pamilya ko na maiaahon sila dyan.
01:11Si Mudar naman, pitong kaanak ang nawawala, ang pinakabata edad dalawa.
01:16Ibang barko raw dapat ang sasakyan ng kanyang mga kaanak pero pinalipat daw sila sa MV3 siya Kirsten III.
01:22Hindi po kami mapakali po. Masakit po. Matanggap na mo po namin yung patay na pero masakit yung hindi namin alam kung nasaan po sila nakapunta.
01:30Si Sergeant Wendell Sabuyas hindi pa rin natatagpuan ayon sa Philippine Army.
01:35Kasama niya noon nang nakaligtas na si Private Elmer Malinaw.
01:38Ginising siya ng kasama namin sir. Tapos hindi ko nakakuan kung nagising siya o hindi sir. Hindi na namin mahanap si Sergeant Wendell Sabuyas sir.
01:49Sampu pa rin sa mahigit tatlong daang sakay ng barko ang hinahanap. Pero ayon sa Philippine Coast Guard, posibleng hindi na pasahero ang mga yan.
01:57Batay sa kanilang listahan, ang nawawala ay walong tripulante ng barko, kanilang kapitan at tauha ng Philippine Coast Guard na naging sea marshal sa biyahe.
02:06We are basing doon sa aming manifest na binigay sa amin. Ngayon, if ever po na meron talagang ibang missing, that would be part ng magiging result ng investigation natin na ibig sabihin meron talagang hindi nakasulat sa manifesto.
02:19Sa ngayon po, ayaw po namin mag-speculate, welcome any information from the public.
02:24Ang expectation din po ng lahat na aming mga marino, yung kapitan ng barko dapat ang pinakahuling tatalon, pinakahuling aalis sa barko.
02:38Bukas si CCD ang mga technical divers sa lalim na 76 meters para malaman kung may naipit o natrap sa ilalim ng barko.
02:46Sabi ng PCG, tutulong din sa paghahanap ang ipadadalang remote operated vehicle o ROV ng Coast Guard.
02:51Sa investigasyon sa paglubog ng barko na kinasalawin ng 18, isa sa tinitignang dahilan ng Coast Guard ay kung nagkaroon ng squalls sa laot.
03:00Ang squalls ay bigla ang paglakas ng hangin na madalas sinasabayan ng bugso ng ulan.
03:05Itong area na po ito, itong sa may bukal-bukal at saka sa may Pilas Island, usually may squall po dito, parang subasko.
03:12Ito po yung biglaan na paglakas po ng hangin. We are also checking on that.
03:17Sa aerial inspection ng Coast Guard na sinamahan ng GMA Integrated News, tanaw ang bakas ng langis sa dagat.
03:23May karagang 25,000 liters ng diesel ang barko ng lumubog.
03:27Naghanda raw ang Coast Guard ng oil spill boom at oil dispersant.
03:30Oil sheen, yung napakanipis, yung parang nagpatak ka ng mantika sa tubig.
03:37Sa ngayon, wala pa po tayong dapat ikabala. Normally, yung oil nasa surface lang.
03:43Sa ngayon, bawal munang maglayag ang lahat ng 24 na passenger ships ng Allison Shipping Lines na may-ari ng lumubog na barko.
03:51They are now grounded. And Marina and Philippine Coast Guard, they have 10 days to conduct a maritime safety audit and risk compliance and also inspection.
04:04Kung may makitang paglabag sa inspeksyon, sususpindihin o babawiin ang permit ng kumpanya.
04:09Ayon sa Transportation Department, sangkot sa 32 maritime incidents ang Allison Shipping mula 2019.
04:16Noong March 2023, nasunog ang barko nilang MV Lady Mary Joy 3 sa bahagi rin ng Balok-Balok Island sa Basilan.
04:26Mahigit tatlong po ang nasawi.
04:28So I'm asking Marina, what did we do for the last how many years?
04:33Nasaan ang mga report? Ano ba yung pagkukulang nandiyan?
04:38Pinagsusubite ng Transportation Department ang Marina ng Maritime Safety Audit ng lahat ng mga barko sa Pilipinas.
04:44Rere-repasuhin din ang mga polisiya para tiyaking ligtas bumiyahe ang mga barko.
04:49Jonathan Andal, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments