00:00Nanguna ang pagkontrol sa bilis ng pagmahal ng mga bilihin at serbisyo o inflation
00:04sa mga gustong marinig ng mga Pilipino sa State of the Nation address ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:1032.9% ang nagsabing gusto nila itong talakayin sa SONA
00:14ayon sa survey ng Pulse Asia mula po nitong June 26 hanggang 30.
00:19Kasama rin sa mga isyong gustong marinig ng mga Pilipino ay ang
00:22Umento sa sahod, kapayapaan, dagdag trabaho at kabuhayan
00:26at pagsugpo sa kahirapan at gutom.
00:28Face-to-face ang survey sa 1,200 Pilipino, edad 18 pataas.
00:34Meron itong plus minus 2.8% error margin at confidence level na 95%.