Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga kapuso, papasok na tayo sa weekend bago magpasko, kaya fully booked na ang ilang biyake sa iba't ibang terminal.
00:07Pero sa Paranaque Integrated Terminal Exchange, magdalagdad naman ng bus ang mga kumpanya kada araw.
00:14Ang sitwasyon doon at sa iba pang terminal, sa live na pagtutok ni Oscar Reina.
00:19Oscar!
00:23Yes, Emil, last Friday na nga before Christmas Day at gaya ng inaasahan,
00:28dagsana ang mga pasahero dito sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PITX.
00:33Sa katunayan, as of 6pm, umabot na sa mahigit 140,000 ang naitalang bilang ng mga pasahero.
00:45Hindi may tago ni Rose ang pananabik nang makita namin habang nag-aabang ng kanyang biyahe sa PITX kaninang umaga.
00:52I-flinex pa nga niya ang mga pamasko sa mga kaanak sa Pangasinan na matagal na raw niyang di nakikita.
00:59Ang totoo niyan, di raw niya ma-explain ang nararamdaman.
01:11Puno ng galak pero kakaba-kaba.
01:29Si Dina Faye, maagang pinagandaan ang biyahe pabinggit ngayong araw.
01:383 hours before the trip, nasa PITX na siya.
01:41Batid daw niyang habang papalapit na papalapit ang Pasko, e extra challenge na ang biyahe.
01:47Hopefully, hindi ma-traffic pero since uyan na kasi talaga baka nga po traffic na agad.
01:54But hoping sana makarating din ng maaga.
01:56Ayon sa pamunuan ng PITX, inaasahan nilang aabot ng 180,000 ang pasahero ang mabiyahe ngayong araw sa kanilang terminal.
02:06Karamihan dito e pabikol o kaya pabisayas.
02:09Napagalaman namin na marami sa mga scheduled trips ay nabili na.
02:13Pero paglilinaw ng pamunuan ng PITX, marami pa raw available na bus maski yung mga papuntang bikol.
02:21Bawat kumpanya daw kasi ng bus dito ay nagdadagdag ng 3 to 4 buses per day so di raw magkakaubusan ng masasakyan.
02:29Kahit pa raw sa December 23 kung kailan inaasahan ang pagtagsa ng mga pinakamalaking bilang ng mga pasahero.
02:36At gayang inaasahan, maigpit ang ipinapatupad na pagbabantay sa seguridad sa lugar.
02:41Naariyan pa rin ang health desk ng PNP para gabayan ang mga pasahero.
02:47Samantala, paahirapan naman na ang pagsakay ng bus sa iba pang terminal sa Metro Manila.
02:54Sa isang bus terminal sa Cubao, Quezon City, fully booked na ang mga aircon bus patungong Daet, Jose Panganiban at iba pang lugar sa Bicol Region.
03:02Mula pa noong December 19 hanggang mga biyahe sa December 31, 2025.
03:08Ordinary bus na lang ang available on a first come first serve basis.
03:13Sa Sampaloc, Maynila, puno na rin ang night trip ng mga bus patungong Cagayan.
03:17Samantala sa Marikina City, hindi pa punuan ang mga biyahe patungong Visayas.
03:22Ngunit inaasahan dadami pa ang mga pasahero sa mga susunod na araw.
03:26Emil, balik tayo dito sa may PITX.
03:32Sa December 23, inaasahan ang pinakadagsa ng mga pasahero dito.
03:37At inaasahan nga na posibleng umabot ito ng hanggang 200,000 biyahe ro.
03:43Emil, maraming salamat, Oscar Oida.
03:48Pinuna na isang grupo ang mga pork umano sa buy cam version ng panukalang budget.
03:53Kabilang ang paglobo ng ilang pondo kumpara sa hinihingi ng gabinete.
03:59At pagsulput pa nga ng ila na wala sa orihinal.
04:03Ang sabi ng palasyo, bubusisin ito ng Pangulo at i-vito kung kailangan.
04:09Nakatutok si Maki Pulido.
04:13I am willing to do this even if we end up with a reenacted budget.
04:19Sa kanyang huling state of the nation address pa lang,
04:25sinabi na ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi lalagdaan ang panukalang 2026 budget
04:30kung hindi ito nakalinya sa National Expenditure Program o NEP
04:34o yung mga programang inilatag ng gabinete na mapontohan.
04:38Hindi ko a-aprobahan ang kahit anong budget na hindi alinsunod sa plano ng gobyerno para sa sambayanang Pilipino.
04:46Kaya handa ang Pangulong pag-aralan ng ipinasang budget ng Kongreso kahit may dalawang linggo na lang ang natitira
04:51dahil naantala ang bicameral conference kung saan pinag-isa ang House at Senate versions ng 2026 budget.
04:59December 29, target malagdaan ang General Appropriations Act bago ang New Year break simula December 30.
05:05Kung hindi magkakaroon ng tulugan, walang tulugan, gagawin po yan.
05:09Pero ang gustong sabihin ng Pangulo ang tinitiyak niya.
05:13Bago siya pumirma, dapat na-aral po itong mabuti na bosisi at kung may kailangang i-vito, i-vito.
05:20Kabilang sa gustong malaman ng Pangulo ay kung may kailangang i-vito o tanggalin sa proposed budget
05:25para matiyak na sunod sa NEP ang panukala.
05:29Ngayon pa lang na red flag na ng People's Budget Coalition na nagbabantay sa budget process
05:34ang pagiging busog daw ng panukala sa PORC.
05:37Yan yung budget para sa mga programang may say ang politiko
05:40kung sinong makakatanggap ng tulong na, ayon sa grupo, ay lumobo.
05:45Kabilang dyan ang MAIFIP, o Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients,
05:51na binadyatan lang sa NEP ng 24 billion pesos,
05:54pero ginawang 51 billion pesos sa panukala,
05:57matapos ang bicam, higit pa sa house version.
06:00Insulto yan sa pasyente kasi karapatan nila ang kalusugan,
06:06hindi dapat sila lumuhod at magmakaawa para magamot sila.
06:11Lumobo rin ang budget na pangalalay sa mga naiipit sa krisis tulad na mga biktima ng domestic violence.
06:17Naging 25 billion pesos yan, mahigit sa doble ng hinihingi sa NEP.
06:22Habang ang PORC para sa local government unit,
06:25lumobo sa mahigit 37 billion pesos mula sa 9 billion pesos lang.
06:30Ang problem po dito ay kadalasan wala po masyadong oversight dito.
06:34So lump sum siya, binibigay po siya sa mga LGUs.
06:37The LGUs can use this to fund, for example, ayuda, mga soft projects,
06:43at pwede din nila gamitin ito for mga hard projects nila na mas maliliit.
06:47Halimbawa, yung mga waiting shed.
06:49Ang iba nga, wala sa National Expenditure Program, pero sumulpot sa BICAM.
06:54Tulad ng 20 billion peso Presidential Assistance to Farmers and Fisher Folk
06:58at ng Tulong Dunong o Scholarship Program ng CHED na pinondohan ng 2 billion pesos.
07:04Ang problema po sa Tulong Dunong Program, katulad ng ibang mga forms ng ayuda or PORC,
07:09ay ang mga congressman, ang mga politiko po, ang nakakapag-design kung sino po ba yung mga recipients nito.
07:15Ni red flag din ng People's Budget Coalition ang PORC na ipinasok sa mga infra at unprogrammed budget.
07:22Kung hindi man ma-vito ng Pangulo, ang mga questionable yung budget allocation,
07:26sabi ng People's Budget Coalition, sana mag-issue ang Pangulo ng isang executive order
07:32na naguutos sa DBM na pag-aralan muna ang mga programa bago i-release ang pondo.
07:38Sabi naman ni Senate President Tito Soto, kung hindi mag-vito ang Pangulo,
07:42nasa kapangyarihan nitong hindi i-release ang pondo para sa isang proyekto.
07:47Naniniwala si Soto na malalagdaan ng Pangulo ang 2026 General Appropriations Act
07:52at kung maantala man, dalawa o tatlong araw lang, kaya't ilang araw lang magkakaroon ng re-enacted budget.
07:58Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido na Katutok, 24 Oras.
08:04Tatayo bilang bagong General Manager ng MMDA si dating PNP Chief, Nicolás Torre III.
08:10Kinumpirma ng Malacanang ang pagtatalaganayan ni Pangulong Bongbong Marcos kay Torre.
08:15Pinalitan ni Torre si Undersecretary Procopio Lipana sa naaturang posisyon.
08:20Nagsilbi si Torre bilang jefe ng PNP noong Hunyo, bago siya na-relieve sa pwesto nito lamang Agosto.
08:27Pinag-aaralan pa rin ang Ombudsman kung papano haahabuli ng mga ari-arian ni dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral.
08:37Kasunod ang sinasabing pagpano nito matapos mahulog sa bangin.
08:42Git nito, nakikiramay sila sa pamilya pero tuloy daw ang investigasyon.
08:47Nakatutok si Salima Refrain.
08:49Bago siya matagpo ang patay sa isang bangin sa Tuba Benguet kagabi,
08:56humarap pa sa Office of the Ombudsman Prosecutors si dating Public Works Undersecretary Catalina Cabral.
09:03December 3 na ipasabina siya ng Ombudsman Prosecutors para humarap sa inquiry,
09:08kaugnay ng mga manumaliang flood control projects.
09:10She was willing to cooperate but of course during the preliminary talks gusto lang muna niyang malaman kung ano yung mga information din laban sa kanya.
09:22Assuming that she was being guided also by her lawyers not to give too much information at this point when she was invited for questioning or inquiry.
09:33Nag-aalala ang Ombudsman sa anumang impormasyong maaaring hawak ni Cabral noong buhay pa.
09:38We need to preserve the integrity of all the information that she may have held while she was alive and especially when she was the USEC of DPWH.
09:49Kabilang sa mga gusto sanang masilip ng Ombudsman ang mga gadget ni Cabral,
09:54kaya mag-a-apply ang Ombudsman sa Sandigan Bayan ng Cyberwarant para sa mga ito.
09:58Kailangan po talaga natin makuha agad-agad ang mga gadgets na ito at the risk of them being altered, erased by family members or friends.
10:11And we afford all the respect and condolences to the family, the bereaved family.
10:18But there is this state interest that has to keep moving and that is the investigation on the flood control.
10:23Kabilang sa mga posibling hawak ni Cabral noon ay ang listahan ng mga proponent o mga mampabata sa likod ng insertions na kanyang ginawa sa budget.
10:34Siya po ang kausap ng maraming proponents dito sa mga projects na ito.
10:41So she was a very rich source of information with regards to who inserted certain projects which turned out to be ghost projects.
10:51Pinag-aaralan na ng Ombudsman kung paano hahabulin ang mga ari-arian ni Cabral na maaaring ill-gotten wealth at mula sa mga flood control projects.
11:01Para sa GMA Integrated News, Sanima Rafra, nakatutok 24 oras.
11:08Ngayong kapaskuhan, patuloy ang pagdagsa ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport o Naiya.
11:14Sabi naman ng Manila International Airport Authority, asahan ang pagdami ng self-check-in counter sa paliparan mula sa Naiya Terminal 3.
11:24Nakatutok live, J.P. Soriano, J.P.
11:26Emil, mga kapuso, daman na rin po ang Christmas rush.
11:32Pati po sa mga paliparan, dito po tayo ngayon sa Naiya Terminal 3.
11:35Sa likod ko, sobrang haba po ng pila sa mga check-in counters.
11:39Karamihan po sa mga nakapila ay mga kababayan natin pupunta sa probinsya o kadi kaya sa ibang bansa para dun po magpasko o di kaya ay bagong taon na rin.
11:50Hi, tatay!
11:52Excited na ang pamilya ni Larry para sa kanilang Hong Kong trip na pinaghandaan nila mula pa noong September.
11:59Doon sila magpapasko kasama ang asawang OFW na si John.
12:03Isa si Larry sa mga nakita namin nasa mahabang pila ng travel tax payment booths dito sa Naiya Terminal 3.
12:10Hindi daw niya alam na pwedeng magbayad ng travel tax online.
12:13Kasi nung pag umaalis kami ng husband ko, pumipilit talaga kami dito.
12:18Tapos pina-present yung docs para yun, iba kasi yung payment niya diba?
12:22Sa Davao naman lilipad ang pamilya ni Richard.
12:25Nasa airport na sila mahigit tatlong oras bago ang kanilang flight.
12:30Sinamantala rin nila ang mga self-check-in machines at kinuha ang kanilang boarding pass.
12:35Lalo't wala naman silang iti-check-in na bagahe.
12:38Less sana na rin gastos kasi mahal din po pag nag-check-in.
12:42Paano mo pinagkasya-kasya sa gamit dyan? Ano na lang, diskarte?
12:49Diskarte na lang.
12:50Ayon sa Manila International Airport Authority, asahan daw sa mga unang buwan ng 2026,
12:56mas darami pa ang mga self-check-in counters.
12:59Unang linggo pa lang daw ng December, mas dumami na ang mga pasaherong umaali sa tatlong terminals ng Naiya.
13:05Kahapon, December 18, umabot sa mahigit 168,000 na pasahero ang dumati at umalis sa mga palipara ng Naiya Terminals 1 to 3.
13:15Napansin daw nilang mas marami ang bumabiyahe ngayong Christmas 2025 kumpara sa parehong period noong 2024.
13:22Kung titignan mo yung domestic departure, so from Manila to the province, kalos pantay siya na ng arrival ng international.
13:31It could mean that the arrivals at coming home are mga balikbayad going to the province.
13:36That's it.
14:06JP Soriano.
Comments

Recommended