00:00Yang Rodrigo Roa Duterte.
00:30Dati pa sinasabi ng abogado ni dating Pangulong Duterte na hindi nito kayang humarap sa pre-trial hearing dahil nahihirapan na umano itong maunawaan ang mga ebidensya laban sa kanya at hindi makapagbigay ng direktiba sa kanya mga abogado.
00:49Pero sa 25 pahin ang desisyon ng International Criminal Court Pre-Trial Chamber 1, sinabig fit o nasa maayos na kalagayan si Duterte na lumahok sa pre-trial proceedings.
01:02Sinabi rin ang chamber na tuloy na ang pre-trial proceedings kaugnay sa confirmation of charges para sa kasong crimes against humanity ni Duterte sa February 23 na dapat sanay noong September pa noong nakaraang taon.
01:16Sabi ng chamber, satisfied ito na fit to stand trial si Duterte.
01:21Titiyakin daw na merong mag-a-assist kay Duterte sa hearing base na rin sa medical opinion na natanggap nito.
01:28Matatandaang lumikha ang chamber ng panel of experts na sumuri kay Duterte na kinabibilangan ng isang forensic psychiatrist, isang neuropsychologist at isang neurologist.
01:39Bagamat redacted o hindi isinapubliko ang ilang bahagi ng report ng panel, malinaw daw doon na may mental capacities si Duterte na maunawaan ng charges, evidence at ang pagsasagawa at kahihinatnan ng pre-trial proceedings,
01:56maging pagbibigay ng instruction sa kanya mga abogado.
01:59Mananatiling nakakulong si Duterte sa ICC Detention Center matapos ang periodic review ng pagkakakulong nito.
02:07Ikinatawa naman ito ng abogado ng mga biktima ng madugong kampanya kontra droga.
02:12Anya, wala nang hadlang sa hearing sa 23 ng Pebrero.
02:17Nailabas na nila halos lahat ng alas nila.
02:20Kaya sa ngayon, wala na tayong nakikitang malaking balakid sa February 23.
02:25Kahit pa i-appela ang desisyon at kahit pa nasa appeals chamber pa yung jurisdiction challenge,
02:33kasi wala ng ibang issue na pending sa kanya.
02:37Paglilinaw ni Conti, hearing pa lang ito sa confirmation of charges at hindi pa ito yung mismong paglilitis kay Duterte
02:44sa crimes against humanity, bunsod ng kanyang madugong kampanya kontra droga.
02:49Pusible raw tumagal ito ng apat na araw.
02:52Yung confirmation of charges ay pag-aargue ng mga abogado o ng mga parties kung ano yung scope ng kaso.
03:00Una, magpapresentay yung prosecution at sabi na nila, aabot sila ng parang 6 hours.
03:07Pwede silang magpresentan ng ebidensya at witnesses.
03:11At nung nakaraan, kung natuloy sana ng September, may dalawa sanang uupo, viva voce or live in person.
03:20Ang defense, meron ding pagkakataon na magpresentan ng ebidensya at ng witnesses.
03:26At nanghingi din siya ng panahon, oras para magsalita.
03:30Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, nakatutok 24 oras.
03:37Ikinadismaya ng legal team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang naging desisyon ng International Criminal Court.
03:43Tatalakayin na nila ang mga susunod na akbang kasama si Vice President Sara Duterte na nasa dahig ngayon.
03:49Nakatutok si Marisol Abduroman.
03:52Nasa dahig sa The Netherlands si Vice President Sara Duterte
03:59nang lumabas ang desisyon ng Pre-Trial Chamber 1 ng International Criminal Court.
04:04Sabi ng Pre-Trial Chamber, free to stand trial daw,
04:08o nasa tamang kondisyon si dating Pangulong Rodrigo Duterte para humarap sa paglilitis.
04:13Sa crimes against humanity, kaugnay ng gyera kontra droga na ilinsad ng kanyang administrasyon.
04:18Hindi maganda yung balita sa kanyang kaso at nandito kayo para magbigay ng moral support sa kanya.
04:27Sabi ng Vice, pag-uusapan ng legal team ang mga susunod na hakbang.
04:31Nagkita din kami ng kanyang abogado doon sa loob pero ekli lang yung oras.
04:38Pero bukas at sa susunod na mga araw ay meron kaming mga meeting.
04:43Ako pa lang, meron ako mga meeting na kasama kanya.
04:48Sa isang pahayag, sinabi ng abogado ni Duterte na si Nicholas Kaufman na dismayado sila sa naging desisyon ng Pre-Trial Chamber 1.
04:58Hindi rin nabigyan ang depensa ng pagkakataon na magpresenta ng sarili nilang medical evidence
05:03at makwestyon sa korte ang salungat na findings ng mga professional na pinili ng mga huwes.
05:09Iaapila rin ang depensa ang desisyon at nakikipag-argue na hindi nabigyan ng due process ang dating Pangulo.
05:15Ayon sa BICE, marami raw silang napag-usapan ng kanyang ama na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
05:21Pero hindi raw nila napag-usapan ang tungkol sa kanyang kaso.
05:24Partikular na ang naging desisyon ng Pre-Trial Chamber 1.
05:28Hindi, kasi bawal sa akin ang magbisgas sa kanya tungkol sa kaso niya.
05:34Para sa GMA Integrated News, Marisol Abduraman, Nakatuto 24 Horas.
05:45Agarwal sa kanya По-Trial Chamber ella.
Comments