00:00Sa kabila ng pag-iit ng House Committee on Justice na otomatiko nang nagsimula ang one-year ban sa paghahain ng iba pang reklamong impeachment laban sa Pangulo, iba-iba pa rin ang pananaw at paliwanag ng ilang eksperto.
00:14Nakatutok si Joseph Moro.
00:18Formal nang nirefer kagabi sa House Committee on Justice ang dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
00:25Ito yung inihain ng January 19 ng grupo ng abogadong si Atty. Andre De Jesus at inendorso ng Pusong Pinoy Party List.
00:33At ang ikalawang complaint naman na inahain kahapon din na Teddy Casino, Lisa Masa, Renato Reyes at ilan pang individual at inendorso ng mga kabayan bloc.
00:41Graft and corruption, culpable violation of the Constitution, betrayal of public trust, ang mga inereklamo ng dalawang grupo laban sa Pangulo.
00:49Ayon sa ilang mga eksperto sa konstitusyon dahil sa pag-refer na ito sa House Committee on Justice, may ituturing ng may initiation o may nasimula ng impeachment complaint laban sa Pangulo.
01:00Bagaman dalawa yung complaint na ihahain o nahinain, yung referral ay single lamang at therefore considered lang siya bilang isang initiation.
01:09Pero magkaiba ang pananaw kung nagsimula na ang one-year ban o isang taon na hindi pwede maghahain ng impeachment complaint laban sa Pangulo.
01:17Ang kay dating Supreme Court Associate Justice Adolf Ascuna na isa sa mga nagbalangkas ng 1987 Constitution,
01:24bagaman wala silang isinulat sa konstitusyon kung kailan nagsisimula ang one-year ban,
01:29ang pag-referred daw sa House Committee ay simula na ng pagtakbo ng one-year ban.
01:34This is not defined as to what will trigger the one-year, but we allow the House to adopt rules to implement the provision that initiates the impeachment proceedings against the President and the one-year ban starts.
02:00At inutukoy ni Ascuna ay ang inilagay nila sa konstitusyon na isang beses lamang maaaring magpasimula ng isang impeachment proceeding laban sa mga impeachable official tulad ng Pangulo.
02:12Ayon kay dating Supreme Court Associate Justice Adolf Ascuna, wala nang ibang impeachment complaint o reklamo na maaaring ihahain bukod dun sa dalawa na hawak na ng House Committee on Justice sa loob ng isang taon.
02:24Ina-initiate na kagabi yung impeachment proceedings against the President. Kung merong pang-atlo, pang-apa, ay barred na yun.
02:34Any order complaint has to be filed after, initiated after one year from yesterday. So January 27 na.
02:45Ah, next year. Ah, next year. Ah, 2027, sir.
02:47Pero para kay Prof. Paolo Tamase na nagtuturo ng konstitusyon sa UP College of Law, tila lumabo daw ito na maglabas ang Korte Suprema ng desisyon tungkol sa tangkang impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
03:02Ang indication ng Korte Suprema dun ay nagsisimula ang one-year bar rule mula sa dismissal ng kaso ng impeachment.
03:09Based lang sa desisyon ng Supreme Court, hindi pa siya nagsisimula.
03:12Tingin ng Tamase dahil dyan walang kasiguruhan kung pwede pang may humabol na maghain ng impeachment complaint.
03:19Hindi natin alam ngayon na na-initiate na nga yung kaso ng impeachment laban kay Pangulong Marcos kung meron pang pwedeng humabol dahil hindi pa naman nagsisimula yung one-year bar rule kung titingin tayo sa dismissal.
03:36So may ganun na puwang ngayon o gap.
03:38Dismissal doesn't initiate that. Dismissal ends it. What is the start of the one-year period is not from the dismissal, it's from the initiation.
03:52Okay.
03:53And the initiation is either by referral to the committee or archiving.
04:00Pero nanindigan si House Comedian Justice Chairman Congressman Jerville Luistro, sarado na ang tindahan.
04:06Hindi na. As a matter of fact, wala nang pwedeng humabol kasi ito yung paulit-ulit kong sinasabi.
04:14Basta may makarating na impeachment complaint sa Justice Committee, following the Francisco ruling, no?
04:21It completes the initiation process and therefore it bars all, all subsequent impeachment complaints against the same impeachable official.
04:32It likewise triggers the running of the one-year prohibition period.
04:37Para sa GMA Integrated News, Joseph Morong, nakatutok 24 oras.
Comments