00:00Taon-taon ay nagsasama-sama mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN.
00:06Ngunit gaano nga ba kahalaga ang pagpupulong at hakbang nito para mapaunlan ang mga miyembrong bansa
00:12pagdating sa iba't-ibang aspeto? Alamin natin yan sa sentro ng balita ni Floyd Bretz.
00:19Lalong tumitibay ang papel ng Association of Southeast Asian Nations o ASEAN
00:24bilang isang mahalagang puwersa sa pandaigdigang politika at ekonomiya.
00:28Sa gitna ng tumitinding tensyon sa kalakalan, seguridad at mga sigalot sa dagat, malinaw ang layunin ng ASEAN.
00:36Panatilihin ang kalayaan sa pagpapasya, katatagan ng regyon at balanseng ugnayan sa lahat ng kapangyarihan.
00:44Sa sampung bansa na may halos 700 milyon na populasyon, ang ASEAN ay may malaking ambag sa pandaigdigang ekonomiya at kalakalan.
00:52Dahil sa estrategikong lokasyon nito, lalo na sa mga rutang dagat, kritikal ang ASEAN sa daloy ng pandaigdigang kalakalan at supply chain.
01:01Ano mang kaguluhan sa regyon ay may direktang epekto sa ekonomiya ng buong mundo.
01:06Sa harap ng mga hamon sa seguridad, kabilang ang mga sigalot sa karagatan at krisis sa ilang kasaping bansa,
01:12pinanininigan ng ASEAN ang prinsipyo ng centrality, kung saan nananatili itong pangunahing plataporma ng dayalogo at kooperasyon sa regyon.
01:21Hindi nais ng mga kasaping estado na mapilitang pumili ng panig.
01:26Bagkus ay patuloy na isinusulong ang isang independent at kolektibong landas.
01:32Mahalaga rin ang ASEAN bilang alternatibong sentro ng paglalago ng ekonomiya.
01:36Sa pagsisikap nitong palawakin ang mga kasunduan sa kalakalan at palakasin ang ugnayan sa iba't ibang partner,
01:44layunin ang ASEAN na mabawasan ng labis na pagderepende sa iisang merkado at mapanatili ang katatagan sa gitna ng pabago-bagong pandaigdigang ekonomiya.
01:53Sa kabuuan, ang ASEAN ay hindi lamang regional na organization kundi isang mahalagang haligin ng katatagan, kalakalan at diplomasya sa mundo.
02:03Floyd Brands para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments