Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pusibleng ilan sa mga akusado sa substandard flood control projects na one, Oriental Mendoro ang makasama ni dating Sen. Bong Revilla sa selda sa New Quezon City Jail, male dormitory sa oras na ideklarang tapos na ang kanyang medical quarantine.
00:16Kasunod po yan ang hiling na mga kapwa niyang akusado na huwag silang isama kay Revilla.
00:22Balitang hatid ni Maris Omali.
00:23Isang linggo mula ng sumuko si dating Sen. Bong Revilla sa Camp Krame matapos lumabas ang arrest warrant para sa kasong malversation ng sa 92.8 million peso ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
00:39Mula nitong martes, nakakulong siya sa New Quezon City Jail, male dormitory, gayon din ang apat sa anim na kapwa akusado niya.
00:47Nakatakda na silang ihalo sa ibang preso matapos ang pitong araw na medical quarantine.
00:51Wala tayong report or any notable report regarding their stay in isolation. Walang sakit.
01:01Base sa pamantayan ng United Nations na sinusunod ng BJMP, may isang oras kada araw ang mga PDL para magpaaraw.
01:08Dinadala ang pagkain sa selda ng inmate upang malimitahan ang kanilang galaw para sa kanilang siguridad.
01:13Mahigit 3,600 pa lang ang napunan sa mahigit 5,000 kapasidad ng male dormitory.
01:19Kaya hindi raw issue ang congestion.
01:21Ayon sa BJMP, handa rin sila sakaling madagdagan pa ang mga ikukulong kaugnay sa kontrobersyal na flood control project scam.
01:29Dito halimbawa sa Quezon City Jail, male dormitory, bukod sa labing apat pang bakanting selda,
01:35ay may 195 pang bagong gawang selda na maaari raw paglagyan ng mga bagong ipapasok na PDL.
01:41Mayroon pa iyang reception cell at medical ward.
01:44Sino nga ba ang mga kasama ni Revilla sa selda?
01:47Nauna nang hiniling ng apat na kapwa-akusado niya na huwag silang isama sa dating senador
01:52dahil sa mga pahayag nilang nagdidiin kay Revilla.
01:55Definitely not to the fore because of the previous request and may merit na naman ang request nila
02:03considering the nature of their case kung individually.
02:08Pero may possibility pa siyang masama dun sa pitong nauna na kinulong dito noong October?
02:15Yes, it's possible po. Hindi naman sila magkakawa-akus.
02:19Definitely may makakasama siyang siyam.
02:22Yes, that's the instruction po.
02:23Ang pitong tinutukoy ni BJMP spokesman J. Rex Bustinera na pwedeng makasama ni Revilla sa selda
02:29ay kabilang sa mga akusado sa P289M substandard flood control project sa Nahuan, Oriental, Mindoro.
02:36Nagpapatuloy ang mga pagdinig para sa petisyon ng mga akusado na magbiansa sa non-vailable na kasong malversation.
02:43Pinagahanap pa rin ang kapwa-akusado nilang si dating congressman Zaldico
02:46at anim na iba pa kabilang ang limang opisyal ng SunWest.
02:50Mariz Umali nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended