00:00Samantala, pinuri ang malasakit at pagiging maalaga ng mga Pinoy nurse.
00:05Natalakay po yan sa Filipino Nurses Global Summit 6 at 15th International Nursing Conference sa Pasay.
00:13Ayon kay Philippine Nursing Association President Dr. Rosana Grace Bello de la Riarte,
00:18ang pagiging maalaga ng mga Pinoy nurse ang isa sa mga dahilan kung bakit in-demand ang mga Pinoy nurses abroad.
00:25Bagaman in-demand sa abroad nga ay binigyang diin din sa summit at conference na mananatili dito sa Pilipinas
00:33ang mga Pinoy nurse kung maayos ang pasahod at benepisyo sa kanila.
00:39Ang Nursing Global Summit at International Conference ay inorganisa ng PNA or Philippine Nurses Association of America,
00:48Association of Deans of Philippine Colleges of Nursing at Commission on Filipinos Overseas.
00:54Layunin nito na magbahagi ng kaalaman at best practices ang mga Pinoy nurse mula sa iba't ibang pahagi ng mundo.
Comments