00:00Tumasa po ang Farmgate Price ng Palay para sa mga magsasaka.
00:03Malaking tulong yan para makabawi sila sa pagkalungi noong nakaraan taon.
00:08Tinututukon na rin daw ng lokal na pamahalaan sa Pangasinan,
00:10ang mataas sa kalendan ng Palay sa kanilang probinsya.
00:13May unang balita live si Sandy Salvasio ng GMA Regional TV.
00:17Sandy?
00:22Ivan, tuloy-tuloy pa rin ang pag-aanin ng Palay ng mga magsasaka,
00:25particular na dito sa barangay Lanas, Mangaldan, Pangasinan.
00:28Ayon sa mga magsasaka, bahagya silang nakahinga ng maluwag
00:32dahil sa pagtaas ng Farmgate Price ng Palay ngayong buwan ng Enero.
00:38Luging-lugi kung ilarawan ng mga magsasaka sa mga danpanggasinan
00:42ng kanilang ani noong huling bahagi ng 2025
00:45dahil sa pagdaan ng sunod-sunod na kalamidad.
00:48Pumapatak noon sa 10 hanggang 12 pesos kada kilo
00:51ang Farmgate Price ng Palay.
00:53Ngayong Enero, umakyat na sa 20 to 25 pesos kada kilo
00:57ang presyo ng tuyong Palay sa bayan.
00:59Aabot naman sa 19 to 22 pesos ang kada kilo ng basang Palay.
01:03Para medyo makabawi-bawi doon sa last cropping
01:06kasi yung last cropping talagang lugi na nga,
01:09talagang luging-lugi talaga kasi sa mura ng Palay.
01:12Ayon sa Municipal Agriculture Office,
01:14malaking tulong sa mga magsasaka ang pagtaas ng Farmgate Price ngayong buwan.
01:18Lalo na't mababa ang supply pero nananatiling mataas ang demand.
01:21Tiniyak ng lokal na pamahalaan na tuloy-tuloy ang pamamahagi ng tulong
01:25at suporta sa mga magsasaka,
01:27lalo na sa papalapit na cropping season sa Pebrero at Marso.
01:31Tinututukan din ang LGU ang masagana at high-quality production ng Palay sa bayan.
01:35Inaasahan din kasi na magiging magandang ani natin sa ngayon
01:39dahil na siyempre nakapag-intervene tayo ng mga high-quality seeds,
01:44mga hybrid rice seeds,
01:45saka nakikita base sa monitoring ng ating opisina
01:50na maganda ang tubo o maganda ang kondisyon ng ating palayan.
01:54Ivan, halos mag-unahan na ang mga supplier sa pagbili ng basa at tuyong Palay
02:04dahil sa patuloy na pagtaas ng demand sa bigas.
02:07Hiling ngayon na mga magsasakasa na raw sa susunod na cropping season
02:12ay hindi na bababa sa 20 pesos ang kada kilo na Farmgate Price ng Palay.
02:17Ivan.
02:17Maraming salamat, Sandy Salvaso ng GMA Regional TV.
02:23Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
02:26Mag-iuna ka sa malita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
Comments