00:00May namataang oil sheen o manipis na langis ang Philippine Coast Guard
00:04sa bahagi ng dagat kung saan lumubog ang Roro vessel na MV Tricia Kirstine kahapon.
00:10Hindi pa raw muna sila gagamit ng oil dispersant dahil nag-evaporate naman ang oil sheen.
00:15Sabi ni PCG Commandant Ronny Hill Gavan,
00:18may kargang 25,000 liters ng diesel fuel ang lumubog na Roro.
00:23Sa ulintala ng otoridad, 18 na ang nasawi sa paglubog ng barko.
00:27Sampu pa ang patuloy na pinaghahanap.
00:30Inalis na ng Coast Guard ang anggulong overloading sa paglubog ng barko.
00:35May unang balita si Jonathan Andal.
00:43Kanya-kanyang kapit sa mga pampalutang ang mga pasaherong ito
00:47habang humihingi ng saklolo sa gitna ng dilim sa gitna ng dagat.
00:51Ilan lang sila sa mga sakay ng MV Tricia Kirstine 3
00:54na lumubog malapit sa Balok-Balok Island, Basilan.
01:01Sa isang video, makikita pa ang mga pasaherong nagmamadaling magsuot ng kanikanilang life vest
01:07hanggang sa tuluyan ng lumubog ang barko.
01:13Agad namang rumispondin ang Philippine Coast Guard
01:15nang matanggap ang distress call.
01:17Isinakay ang mga nasigip na pasahero sa mga rescue vessel
01:22At dinala sa Isabela City Port, Holo Port at Zamboanga City Port.
01:32Isa sa mga nakaligtas si Patraliza.
01:34Biglang talaga yung nangyari sir, parang akaya namin parang magstay lang yung pagkalogos.
01:40Biglang na matabingi.
01:43Tapos yun na, yung mga tao, nagkakarik na sila.
01:46Tapos yun na, yung pag-aganyan sir, doon na naunog na yung mga iba.
01:51At hindi pa kumuro ng maglamangay pero wag kita ko parang parang parang.
01:54Sakay rin ng barko ang school principal na si Rasula Waludin.
01:59Narinig na lang daw nila ang isang security officer ng barko
02:02na nag-aanunsyong kumuha na ng life jacket.
02:05Doon na raw na taranta ang mga pasahero at may ilang tumalon sa dagat.
02:09May life jacket o kayo?
02:10Meron naman.
02:12Pero karamihan wala.
02:14Wala silang information na nagsabi na may nangyayari na.
02:18Tapos ang sinabi lang nila,
02:20kuha kayo ng life jacket, talubog na yung barko.
02:23So nagpanikan lahat po sa ang tao sa itaas.
02:27Seconds lang?
02:29Seconds lang.
02:30Dalawang oras daw na nagpalutang-lutang sa dagat si Rasula bago dumating ang rescue.
02:36Nahiwalay rin daw siya sa mga kapwa teacher.
02:38Nananawagan ako sa mga pamilya ko.
02:41Huwag kayong mag-alala.
02:42Dito na kamiligtas.
02:44Papuntang Sulu ang barko.
02:46Nagaling Zamboanga at may sakay na 317 na pasahero at 27 na crew.
02:51May karga rin itong truck.
02:53Sa bilang na yan, 316 ang nasagip.
02:56Labing walo naman ang narecover na labi ayon kay Philippine Coast Guard Commandant Ronnie Gavan.
03:01Sampu pang sakay ng barko ang nawawala, kabilang ang walong crew.
03:05Nakalubog pa rin ang barko na tinatayang nasa lalim na 76 meters.
03:10Sa isang pahayag, sinabi ng may-ari ng barko na Allison Shipping Lines Incorporated na agad silang nag-activate ng quick response measures.
03:17At nag-deploy ng mga sasakyang pandagat nang matanggap nila ang distress call.
03:22Nakikipagugnayan daw sila sa mga otoridad habang patuloy ang search and rescue operations.
03:26Nagpabot din sila na pakikiramay sa lahat ng sakay ng barko pati na sa mga pamilya nila.
03:31Iimbestigahan ng Philippine Coast Guard at Marina ang trahedya.
03:34Ayon kay PCG Commandant Gavan, ruled out na ang anggulong overloaded.
03:39Updated din daw ang Passenger Ship Safety Certificate ng barko hanggang October 2026.
03:44Ang titignan daw nila ay kung ano ang nangyari kasama na ang lagay ng panahon.
03:52Ayon sa mga opisyal ng Basilan, maayos naman daw ang panahon ng umalis ang barko sa pantalan.
03:57Base sa report na nakuha ng PCG at ni Basilan Governor Mujib Hataman, tumagilid ang barko sa kapinasokan ng tubig.
04:04May nagsasabi rin daw na pinasok na ng tubig ang barko bago pa ito tumagilid.
04:08Mabilis din daw lumubog ang barko.
04:10Aalamin naman kung may sinalubong na malalaking alon ang barko.
04:13We use naman a systematic base of search and rescue approach.
04:17Kasama po yun yung pag-compute ng current sa area na yan.
04:21Yung lakas ng hangin din. So kasama yan.
04:23Si Pangulong Bongbong Marcos iniutos ang agarang paghahatid ng tulong sa mga nakaligtas na pasahero.
04:27Ang DSWD po ay inutosan na po ng Pangulo para po mabigyan ng karampatang tulong
04:32ang ating mga kababayan na naapektuhan po nito at nabiktima po sa nasabing incident.
04:38Sa ngayon, nasa compound ng Philippine Ports Authority sa Zamboanga ang mga survivor na lumubog ng barko.
04:43Binigyan sila rito ng paunang lunas.
04:45Nagsagawa rin dito ng profiling at pagbibigay ng ayuda na 20,000 peso cash,
04:50bigas at relief goods mula sa Zamboanga City Hall, DSWD at sa shipping line.
04:55Ito ang unang balita. Jonathan Andal para sa GMA Integrated News.
Comments