00:00Target ng pamahalaan na mas maabot pa ng benefit packages ng PhilHealth ang mga Pilipino nasa middle class.
00:07Tinalaka ito sa pulong ng Executive Secretary Ralph Recto sa Department of Health at PhilHealth,
00:12kung saan target din na mapalakas ang pagpapatupad ng Zero Balance Billing Program.
00:17Si Clazel Pardilla sa Sentro ng Balita.
00:22Dumayo pa ang magsasaka na si Rolando sa Quezon City mula sa La Union
00:27para maipagamot ang kanyang misis na may sakit sa puso.
00:31Nag-aalala na nga sa kalusugan ng kanyang asawa.
00:35Problemado pa siya sa laki ng posibleng gastosin sa operasyon.
00:39Yung wala kami ng pagpukunan.
00:43Wala naman dun sa amin na nag-opera pero mahal doon sa Lorma.
00:47Nag-1 milyon daw ang magastos namin.
00:49Lating pasalamat po sa Diyos kung talagang wala kami ng babayaran.
00:53Hindi, talagang yung sakit niya, sakit ng mayamas.
00:57Sa pagpupulong na Executive Secretary Ralph Recto sa Department of Health at PhilHealth,
01:03pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na maipatutupad ng tama at mararamdaman ang Zero Balance Billing.
01:12Programa ito ng pamahalaan na pumapasan sa lahat ng bayari ng mga pasyente sa higit 80 DOH-accredited hospital na nakakonfine sa basic accommodation.
01:24Palalawigin na rin ito sa ilang ospital na pinatatakbo ng ilang lukal na pamahalaan.
01:29Hinimok ni Recto ang DOH at PhilHealth na palawakin ang mga benepisyong ibinibigay sa middle-income families
01:38na malaki ang iniaambag na kontribusyon at buhis na nagpapagana sa mga programa ng pamahalaan.
01:45Ngayong taon, nasa P448 billion ang inilaang pondo para sa sektor ng kalusugan.
01:52Layon itong maibsan ang gastusin na mga Pilipinong nagkakasakit.
01:57Samantala, siniguro ng PhilHealth na libre pa rin makukuha ang 21 mga pangunahing gamot
02:04sa mga yakap-accredited primary care facilities sa buong bansa,
02:08kabilang ang mga gamot sa impeksyon at apresyon, hika at iba pang sakit.
02:14Kaleizal Pardilia para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas!