00:00Aabot sa 5,000 na mga security personnel ang nakaleploy na para sa Gaganating ASEAN Tourism Forum at ASEAN Foreign Minister's Retreat sa Lalawigan ng Cebu.
00:10Sakop ng aktividad ang mahalagang pagpupulong kaugnay sa turismo, business at investment forums na siyang daan patungo sa Gaganating ASEAN Summit sa bansa.
00:21Yan ang report ni Jessie Atienza ng PTV Cebu.
00:23Binas basan at binigyan ng final briefing ng mga otoridad ang nasa 5,000 mga security personnel na nagtipon-tipon sa Cebu South Road Properties para sa opisyal na send-off ceremony
00:37na binubuo ng mga personnel mula sa iba't ibang uniformed agencies, law enforcement agencies at maging ng mga force multiplier
00:45para magpatupad ng mahigbit na siguridad sa pagdaraos ng ASEAN Tourism Forum at ng ASEAN Foreign Minister's Retreat sa Cebu.
00:54Sa Lalawigan naman ang Bohol, nakahightened alert din ang PNP dahil sa serye din ang mga pagpupulong ng ASEAN delegates doon na nakatuon sa enerhiya.
01:03Nakakalat ang kanilang route security sa Lalawigan.
01:06At makikita niyo po ito na nakadeploy sa maraming bahagi ng city.
01:13Ito po ay part ng security measure natin as we host the ASEAN Forum 2026 here in the province of Bohol
01:21na patuloy po natin itong ginagawa halos gabi-gabi to make sure that the traffic flow will be easier for everyone
01:31hindi lang po para sa ating mga delegates kundi para din po sa lahat ng ating mga kababayan dito sa province ng Bohol.
01:38Sa loob ng limang araw, gaganapin ang serye ng mga ministerial meetings, business at investment forums
01:45at maging mga aktividad na nagpapakita ng turismo at kultura ng Cebu at ng Pilipinas.
01:50At dahil sa daang-daang delegadong dadalo sa mga pagpupulong at mga aktividad,
01:55inaasahan ang pagtaas ng occupancy ng mga hotel at patok din ang mga lokal na mga produkto at mga serbisyo para sa mga banyagang bisita.
02:04This will bring together tourism ministers, senior officials, national tourism organizations,
02:12advocates and leaders from all over the ASEAN region as well as delegates from all over the world
02:18coming together to push for the ASEAN as a unified but diversified destination
02:25and of course here to support the Philippines and to support Cebu's reinvigoration and full recovery as far as tourism is concerned.
02:38Nakalatag na din ang International Media Center sa isa sa mga hotel sa lungsod ng Mandawe
02:43sa pangangasiwa ng Presidential Communications Office kung saan maaaring mamonitor ng mga taga-medya
02:49ang mga kaganapan at mga pagpupulong ng mga delegado.
02:53Lahat ng mga magkukober ay pawang accredited at isinailalim sa screening.
02:58Sa pag-host ng Pilipinas ngayong taon ng ASEAN Summit, magiging sentro din ang Cebu
03:04na may kaakibat na responsibilidad at magandang oportunidad dahil sa pagtitipon dito ng mga leader
03:11at mga tourism officials mula sa labing isang bansa na mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations
03:19upang talakayin ang mga mahalagang paksa patungkol sa politika, ekonomiya at maging ang siguridad sa regyon.
03:26Mula sa PTV Sabu, Jesse Atienza para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments