00:00Kalusugan at pag-iwas sa sakit at pati nakabubuhay na pasahod.
00:05Ang mga yan ang nangunguna sa mga inaalala ng mga Pilipino
00:08batay sa survey na isinagawa ng Octa Research.
00:11Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
00:16Sa labas ng isang government hospital, nakilala namin si Mike Ramo.
00:20Dalawang buwan nang nasa ospital ng kanyang amang diabetic na inoperahan sa paa.
00:25Libre o zero billing naman daw ang ospital.
00:28Pero umaabot pa rin ng 5,000 pesos ang gastusin kada linggo.
00:32Yung gastus po ng family po namin, yung sa kagaya po yung sa pagkain po namin,
00:37tapos yung pagbumibili po ng ibang gamot ni papa, like yung sa dugo,
00:43kailangan daw po kasi na bago daw po ma-operahan, sasalinan daw po muna ng dugo.
00:49Ang hipag naman ni Mary Jane Capio,
00:51naka-confine din ang libre sa ospital para sa iniindang stage 4 cancer.
00:55Sa iba pang gastusin, gaya ng pambili ng gamot at bag ng dugo,
01:00sinubukan daw nilang lumapit sa ilang politiko.
01:03Pagod lang kami pila, puyat, gutong.
01:08Wala kami nakuha pinasa.
01:10Tatawagan daw kami.
01:11Hanggang ngayon, wala.
01:13Hindi na bago ang alalahanin ng mga Pilipino sa kalusugan.
01:16Ang pananatiling malusog at pag-iwa sa karamdaman ang nangunguna sa top 5 urgent personal concern na mga Pinoy,
01:24batay sa survey ng Okta Research nitong fourth quarter o huling tatlong buwan ng 2025.
01:30Sumunod ang makatapos ng pag-aaral o makapagpaaral ng mga anak.
01:34Sapat na pagkain araw-araw, matatag at maayos na kita at pagnanais na hindi mabiktima ng krimen.
01:41Ayon sa Okta Research, mainam na palawakin pa ang benepisyong medikal
01:45at matiyak na nararating nito ang lahat ng bahagi ng bansa.
01:49Ang hangaring maiwasan ng pagkakasakit ay hindi usaping medikal lang.
01:55May kinalaman nito sa gastos, sa gamutan, akses sa servisyong pagkalusugan at araw-araw na seguridad ng pamilya.
02:03Na-constate rin ito sa mga nakaraan na survey kaya hindi ito parang dalian takot kundi pang matagalan na alalahanin.
02:11Tanggap naman ang DOH ang resulta ng survey na anilay magandang resulta ng pinalawak na mga programa ng gobyerno.
02:18Nung nalaman nila na sa utos ng Pangulo ay libre na ang kanilang pagpapaggamot sa basic accommodation ng DOH hospitals,
02:26abay, tumaas yung bilang na nagpapakonsulta.
02:29Ayon sa DOH, palalawakin pa nila ang zero billing at mga programa ng PhilHealth.
02:35Si Tristan de la Cruz naman, bukod sa kalusugan, pangunahing alalahanin daw ang pag-aaral ng kanyang tatlong anak
02:41at kung paano mapagkakasya ang kita niya bilang driver.
02:45Yung may pababaan yung mga bilihin, number one na yan sa mga gastusin regarding sa mga pagkain.
02:52Mahirap sa mahirap kasi siyempre hindi ganun kalakihan ng mga sinasawad ang bawat ano eh,
02:56bawat padre pa di pamilya.
02:58Sa parehong pag-aaral ng OCTA Research, sahod o sweldo ang number uno sa mga isyong dapat daw tugunan ng gobyerno.
03:06Sunod ang pagpapababa ng presyo ng mga bilihin, sapat na supply ng pagkain,
03:10pagsugpo sa korupsyon sa gobyerno at libreng edukasyon.
03:14This issue constitute the same top five issues that we saw noong third quarter.
03:20So, anong ini-indicate nito?
03:22Actually, hindi lang sa third quarter pa second quarter.
03:24Ito ang ini-indicate nito may stability in household core concerns.
03:28Clear na dapat may response mo ang gobyerno natin to these issues.
03:32Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok 24 Horas.
Comments