00:00Inaabangan na ng Pinoy tennis fans ang pagsabak ni tennis ace Alex Ayala sa Philippine Women's Open.
00:07May paalala naman po ang Women's Tennis Association sa proper decorum ng mga manunood
00:12matapos punahin ang pag-cheer ng ilang Pinoy sa laro ni Ayala sa Australia.
00:18Nakatutok si JP Siriano.
00:23Bukas magaharap-harap ang pinakamagagaling na tennis player sa buong mundo.
00:28Sa WTA 125 Philippine Women's Open na gaganapin sa Rizal Memorial Sports Complex Tennis Court.
00:36Inaabangan ang pag-smatch ni Pinoy tennis ace at world number 49 Alex Ayala.
00:41Sa qualifying singles draw, unang makakaharap ni Alex ang Russian na si Alina Shareva
00:47na nakaharap na niya sa International Tennis Federation match sa Spain noong 2020.
00:53I have met her. She's a very nice person.
00:57I think I'm a great player. So I'm just gonna go and I've done everything to prepare to the best of my ability.
01:04So I'm gonna go and do my best.
01:06Isa sa mga inaabangan din ang pagiging bubbly ni Alex na nakikipagsabayan nga din sa social media.
01:15Pinoy-coded nga raw ang tennis tuwing sasabak siya.
01:18Anong masasabi ko, Pinay naman talaga ako.
01:22I mean, I think it's only normal. Like a lot of people ask me, saan nanggagaling yun? But I mean, I'm Pinay.
01:28Bago ang Philippine Women's Open sumabak noong nakaraang linggo si Ayala sa Australian Open.
01:33Doon ay pinuna ng ilang tennis fans ang pag-cheer ng mga Pinoy sa tennis stadium sa Melbourne na umabot sa puntong hindi na raw makafokus ang kalabang si Alicia Parks ng USA.
01:45Ang organizers ng Philippine Women's Open naglabas ng tennis etiquette guidelines mula sa WTA o Women's Tennis Association.
01:53Paalala nila sa mga manonood. Dapat manatiling tahimik para makafokus ang mga malalaro.
02:00Pumalakpak lang kung out of play na o hindi na pwedeng tamaan ng bola.
02:05Patayin o is silent mode ang mga cellphone.
02:08Kung magpipicture walang flash at tunog.
02:11At itaon lang ang pagtayo o paglakad kapag naka-changeover o break ang laro.
02:16Huwag mag-usap o kahit bumulong lang para di maistorbo ang mga malalaro.
02:21Huwag humiyaw o mag-cheer.
02:23Kung nagkamali ang kalabang at huwag gumamit ng selfie stick.
02:29Para sa GMA Integrated News, J.P. Soriano.
02:32Nakatutok 24 oras.
02:35Patay ang apat o sundalo at sugatan ang isa pa matapos tambangan sa Munay, Lanao del Norte.
02:42Tinutugis sa ng militarang anilay may kagagawan ng mga miyembro ng maote.
02:46Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
02:48Naglulok sa ang mga sundalo at kaanak ng apat na sundalong nasawi sa pananambang sa Munay, Lanao del Norte nitong umaga ng biyernes.
03:00Ayon sa Joint Task Force Zampelan, nasa sasakyan ang mga biktima ng tambangan.
03:05Nagsasagawa noon ng Community Support Program ang mga sundalo sa barangay Lilingdi.
03:11Kwento ng isa sa mga naulila, nung tambangan ang mga sundalo, mamamalain kayo dapat sila at hindi nakauniforme.
03:18Kinoon din na ng Philippine Army ang pag-atake na sinisi nila sa Daula Islamiyah Maote Group.
03:40Ayon kay Army Spokesperson Colonel Louis Dimaala, gumagantiraw ang grupo para makubkob ang lugar kung saan may programa ang mga sundalo.
03:50Kahapon, personal na nakiramay si AFP Chief of Staff General Romeo Browner Jr. at Army Chief Lieutenant General Antonio Nafarete kasamang iba pang sundalo.
04:02Kinilala nila ang kabayanihan ng mga nasawi at tiniyak ang tulong at suporta ng gobyerno sa mga naiwang pamilya.
04:09Binisita rin niya sa paggamutan ang mga sundalong nasugatan sa ambush.
04:14Kwento ng survivor na si Corporal Roland de la Cruz, may git sampung armadong lalaki ang umatake sa kanila.
04:21May mga nag-guardahong nga pag-abote dito sa ikatulong tubigan, ang kalit o buto.
04:28Sa isa ka buto pa lang, ang amang driver na yun ako na naikot na.
04:33Tapos pag-ball yung fire bila sa kilid, so ang among akong dibuhat,
04:41may mupo ako dito sa pan sa katawang dito sa lingkuranan.
04:46Ipinag-utos na ni Broner na pag-aralan ng sitwasyon para mapagplanuhan ang mga susunod na hakba.
04:53We are giving a warning sa mga grupo na ito na armado na mas maganda po ay mag-surrender na lang sila sa atin.
05:03Para maiwasan na rin po natin yung ganitong insidente na maraming namamatay, both mga sundalo at yung mga rebelde.
05:12Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, nakatuto 24 oras.
05:19Sira-sira kahit ginasusan na mahigit 400 milyong piso ang dalawang flood control project sa Oriental Mindoro
05:26ng inspeksyonin ni Governor Bons Dolor.
05:29Pumirba sa mga iyan si dating DPWH Memaropa Regional Director Gerald Pakanan na nakakulong ngayon
05:35dahil sa isa pang substandard dumanong proyekto sa probinsya.
05:38Nakatutok si Darlene Kai.
05:42Ito pang tingnan. Nanguna po pong nanotis, bukod sa wasa, yung pagkakagawa ng disennyong ito.
05:50Pag tinitingnan ko nga po, nagugulat ako.
05:53Palpak at perwisyo ang tawag ni Oriental Mindoro Governor Bons Dolor sa dalawang flood control project
05:59na ininspeksyon niya kahapon sa barangay San Andresa, Nauhan, Oriental Mindoro.
06:04Hawak ni Dolor ang kopya ng litrato ng umunay plano para sa road dyke and esplanade sa mag-asawang Tubig River.
06:09Hindi na nga raw sinunod ang plano, sira pa ang bahagi nito at maikli pa ang sheet files ng sukatin.
06:15Kaya raw lalong binahakamakailan ang ilang lugar sa mga bayan ng Victoria at Nauhan.
06:20Ayon sa disenyo ng DPWH, una muna, ang sheet files, pagkatapos nung sheet files, saka ilalagay.
06:32Yun. Ang tawag nila doon ay, ito pa, hindi sunfield sa ilalim, ang tawag nila dyan geotextile, pampatibay dapat.
06:41Ang problema, kitang-tita nyo naman, salip na nasa loob, nasa labas.
06:49Ito yan ha, hindi tayo nagyawa niyan.
06:52Ayon sa contract agreement sa DPWH website, February 11, 2023 sinimulan ang dalawang proyekto.
06:59Ang isa ay natapos umunon ng February 5, 2024.
07:03Ang isa naman, December 10, 2023 ang completion date.
07:06Ang nakakapagtaka lang po, dalawang stretch, mayigit dalawang daang milyon ang isa,
07:12sabay ini-award, sabay binigyan ng notice of commencement, sabay din dapat nagpanimula.
07:21Pero dapat magkaibang kontrapista dahil dalawang magkaibang program pa proyekto, pero iisa po ang kontrapista.
07:28Ngayon, makalipas lamang, mayigit sang taon, ito na ang flood control na ginawa.
07:38Nakakalungklo, dahil sa halip na nakakatulong sa ating mga kababayan, naging sanipan ang pagbaha.
07:44At pag hindi ito tinama, ang mga ag-anap sa atin, ibayo pang baha.
07:50Pirmado ni dating DPWH Mimaropa Regional Director Gerald Pakanan ang parehong kontrata.
07:56Mahigit 210 milyon pesos ang pondo kada proyekto na lumobo pa sa mahigit 217 milyon pesos hanggang sa matapos ito,
08:04base sa isumbong sa Pangulo website.
08:07Nakakulong ngayon sa New Quezon City Jelts si Pakanan dahil sa pagkakasangkot niya
08:11sa isa pang umano'y substandard na flood control project sa Nauhan Oriental Mindoro rin.
08:16At kasalukuyang nililitis para sa mga kasong graft at malversation of public funds through falsification.
08:23Ang kumpanyang New Big 4G ang kontratista ng parehong flood control project na ininspeksyon ni Dolor.
08:28Pinuntahan namin ang kanilang address na nakalista sa mga dokumento ng DPWH,
08:32pero sarado ang opisina at wala kaming inabutang tao.
08:35Kinausap na raw ni Dolor ang mga taga DPWH Mimaropa at DPWH Oriental Mindoro District Engineering Office.
08:42Sinusubukan pa ng GM Integrated News na kunin ang panig ng DPWH.
08:46Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, nakatutok 24 oras.
08:51Kalusugan at pag-iwas sa sakit at pati nakabubuhay na pasahod.
08:56Ang mga yan ang nangunguna sa mga inaalala ng mga Pilipino batay sa survey na isinagawa ng Okta Research.
09:03Nakatutok si Sandra Aguinaldo.
09:04Sa labas ng isang government hospital, nakilala namin si Mike Ramo.
09:12Dalawang buwan nang nasa ospital ang kanyang amang diabetic na inoperahan sa paa.
09:17Libre o zero billing naman daw ang ospital.
09:20Pero umaabot pa rin ng 5,000 pesos ang gastusin kada linggo.
09:23Yung gastus po ng family po namin, yung sa kagaya po yung sa pagkain po namin.
09:29Tapos yung pag bumibili po ng ibang gamot ni Papa, like yung sa dugo.
09:34Kailangan daw po kasi na bago daw po ma-operahan, sasalinan daw po muna ng dugo.
09:40Ang hipag naman ni Mary Jane Capio, nakakonfine din ang libre sa ospital para sa iniindang stage 4 cancer.
09:48Sa iba pang gastusin gaya ng pambili ng gamot at bag ng dugo, sinubukan daw nilang lumapit sa ilang politiko.
09:55Pagod lang kami pila, puyat, lutong. Wala kami nakuha pinasa. Tatawagan daw kami. Hanggang ngayon wala.
10:04Hindi na bago ang alalahanin ng mga Pilipino sa kalusugan.
10:07Ang pananatiling malusog at pag-iwa sa karamdaman ang nangunguna sa top 5 urgent personal concern ng mga Pinoy.
10:15Batay sa survey ng Okta Research nitong fourth quarter o huling tatlong buwan ng 2025.
10:21Sumunod ang makatapos ng pag-aaral o makapagpaaral ng mga anak.
10:26Sapat na pagkain araw-araw, matatag at maayos na kita at pagnanais na hindi mabiktima ng krimen.
10:32Ayon sa Okta Research, mainam na palawakin pa ang beripisyong medikal at matiyak na nararating nito ang lahat ng bahagi ng bansa.
10:41Ang hangaring maiwasan ang pagkakasakit ay hindi usaping medikal lang.
10:47May kinalaman nito sa gastos, sa gamutan, akses sa servisyong pagkalusugan at araw-araw na siguridad ng pamilya.
10:54Kaya na-concid rin ito sa mga nakaraan na survey kaya hindi ito parang dalian tapot kundi pang matagalan na alalahanin.
11:03Tanggap naman ang DOH ang resulta ng survey na anilay magandang resulta ng pinalawak na mga programa ng gobyerno.
11:10Nung nalaman nila na sa utos ng Pangulo ay libre na ang kanilang pagpapaggamot sa basic accommodation ng DOH hospitals,
11:17abay tumaas yung bilang na nagpapakonsulta.
11:20Ayon sa DOH, palalawakin pa nila ang zero billing at mga programa ng PhilHealth.
11:26Si Tristan de la Cruz naman, bukod sa kalusugan, pangunahing alalahanin daw ang pag-aaral ng kanyang tatlong anak
11:33at kung paano mapagkakasya ang kita niya bilang driver.
11:36Yung may pababaan yung mga bilihin, number one na yan sa mga gastusin, regarding sa mga pagkain.
11:43Mahirap sa mahirap kasi siyempre hindi ganung kalakayan ng mga sinasawad ng bawat ano eh, bawat padre pa di pamilya.
11:49Sa parehong pag-aaral ng Okta Research, sahod o sweldo ang number uno sa mga isyong dapat daw tugunan ng gobyerno.
11:57Sunod ang pagpapababa ng presyo ng mga bilihin, sapat na supply ng pagkain, pagsugpo sa korupsyon sa gobyerno at libreng edukasyon.
12:05These issues constitute the same top five issues that we saw noong third quarter.
12:11So, anong ini-indicate nito?
12:13Actually, hindi lang sa third quarter, sa second quarter.
12:16Ang ini-indicate nito may stability in household core concerns.
12:19Clear na dapat may response po ang gobyerno natin to these issues.
12:24Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok 24 Oras.
12:29Nagpasaklolo na sa netizens ang sentyahin para sa pamangking na LSS sa isang kanta.
12:40Eto, mahuhulaan nyo kaya ang kanta?
12:42Guys, tulungan nyo ako. Ano bang kanta ito?
12:49Yeeey!
12:56Ang hint na ibinigay ni Kendall Gray sa kanyang tita Daphne Ramores,
13:01kanta raw ito ng isang girl group at pink ang lyrics ng kanta sa isang music streaming app.
13:07Yun nga lang, kahit Google ay hindi ito masagot.
13:10At nang i-post ang video, the search is over dahil nahulaan ng mga netizens
13:14ang title ng kanta, Power, na inawit ng isang British girl group.
13:23And that's my story this weekend. Ako po si Nelson Canlas.
13:26Kia, Ivan.
13:29Thank you, Nelson.
13:31Salamat, Nelson.
Comments