Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga estudyante ang magkakaanak na sawi ng self-hooking ng trailer truck ang sinasakyan nilang tricycle sa Isabela.
00:07At isang rider naman sa Ilocos Norte ang nasunog kasama ng kanyang motorsiklo.
00:12Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:17Nagliwanag ang bahagang ito ng bypass bridge sa Lawag City, Ilocos Norte dahil sa nagliyab ng motorsiklo.
00:23Pero hindi lang yan ang nasunog dahil ang rider nito naabutan ang pagsiklab ng apoy matapos na maipit sa kanyang motor.
00:33Bago magliyab, sumalpok ang motor sa isang sasakyang nakaparada noon sa tulay.
00:37Tumilapon pa ang angkas dahil sa lakas ng impact.
00:40Isinugot siya sa ospital pero ang rider bigong maisalba dahil sa laki ng apoy.
00:46Sumuko na sa pulisya ang driver ng nakaparada ng sasakyan.
00:49Depensa niya, itinabi niya lang ang kanyang sasakyan dahil naubusan ito ng gasolina.
00:54Nag-hazard light naman daw siya at sumisenyas pa noon sa ilang motorista gamit ang kanyang cellphone flashlight.
01:01Patuloy pa ang imbistigasyon ng pulisya.
01:09Sa hiwalay na aksidente naman sa Santiago City, Isabela, halos mayupi na ang tricycle na ito matapos masalpok ng trailer truck.
01:18Patay ang apat na estudyanteng sakay ng tricycle.
01:21Pauwi na sana noon galing eskwela ang mga biktima at ilang metro na lang bago makababa ay sinalpok naman sila ng truck.
01:29Magkakapatid ang tatlo sa mga biktima.
01:31Minsan naman nila ang isa.
01:33Nakaligtas naman ang tricycle driver.
01:35Kusti siya ang panawagan ng mga kaanap ng mga biktima.
01:39Hawak na ng pulisya ang truck driver na maharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide.
01:45Para sa GMA Integrated News, Buntadet Reyes, nakatuto 24 oras.
01:53May hamon ang chairperson ng House Committee on Justice kay dating Congressman Zaldico.
01:58Kung totoo nga ang posibleng siyang maging testigo sa isang impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos.
02:03Dapat daw umuwi muna siya ng Pilipinas.
02:07Nakatutok si Jonathan Randall.
02:08Ang pasabog daw na testigo ng grupong naghahain ng ikatlong impeachment complaint laban kay Pangulong Bongbong Marcos,
02:24hindi raw basta-bastang makakaharap sa Kamara.
02:27Ayon kay Batangas 2nd District Representative Jerville Luistro, na chairperson ng House Committee on Justice.
02:33Kung gusto raw tumistigo ni dating Congressman Zaldico, kailangan nitong umuwi ng Pilipinas.
02:39Dapat lahat ng witnesses under oath, which therefore means you have to come and take your oath before you give your testimony.
02:52Ang magiging issue na nga lang dyan because he is a fugitive and he is facing the possibility of being arrested.
03:00Will he be willing to compromise that possibility of being arrested to be able to appear before any investigative body?
03:11Pero hindi ba pwedeng via video call na lang ang pagtestigo at gawin ang panunumpa sa Embahada ng Pilipinas kung saang bansa man naroon si Ko?
03:20I haven't seen that under the rules.
03:24Ang nasa ilalim po ng rules ng impeachment, dapat sa Justice Committee Chair panunumpaan lahat ng affidavits and counter-affidavits.
03:41And that includes the giving of testimony before the Justice Committee.
03:47Ang huling lokasyon ni Ko ay sa Lisbon, Portugal.
03:51Ayon kay Interior Secretary John Vick Rimulya, si Ko ang nagdawid kay Pangulong Marcos sa bilyon-bilyong pisong insertions at kickback umano sa 2025 budget, bagay na dati nang itinanggi ng Malacanang.
04:04Sa ngayon, sa tatlong impeachment complaints, iisa pa lang ang opisyal na natanggap ng Office of the House Secretary General.
04:10At nai-transmit na sa Office of the Speaker, ang ikalawa at ikatlong impeachment complaint, hindi pinanggap noong Webes ng Office of the Secretary General.
04:19Dahil nasa abroad si House Secretary General Shelloy Garafil para tumanggap ng award.
04:24Kung magpang-apang-abot yan sa plenary, it depends kung alin ang unang makakarating sa Justice Committee.
04:36If it will be the first impeachment complaint, which will be referred to the Justice Committee,
04:43technically, applying the Francisco ruling, it already bars the two subsequent complaints.
04:52Kung i-transmit nila ng sabay-sabay, at the same time, the three impeachment complaints to the Justice Committee,
05:03this is my opinion, we will be prompted to consolidate all those three.
05:09Patuloy naming sinusubukang makuna ng pahayagang kampo ni Ko at Secretary General Garafil.
05:14Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok 24 oras.
05:22Nahulikam sa dagat sa Mindanao ang isang uri ng alimango na tila stock sa isang lata ng sardinas.
05:30Nakakaaliman sa unang tingin, pero alam niyo bang isa ito sa mga nakakabahalang efekto ng irresponsabling pagtapo ng basura?
05:37Kuya Kim, ano na?
05:39Masdan ang lata ng ito, at may bumagalaw mag-isa.
05:47Pero kung titignang maigi, yan ay dahil dito nang nulungga ang isang hermit crab.
05:51Ang video kuha ni Ronnie habang papauwi raw sa kanilang tahanan sa Surigao del Sur.
05:55Ang mga hermit crab may malalambot na abdomen,
05:58at tumaasa lamang sila sa mga inabando ng mga shell para sa kanilang proteksyon.
06:01Pero marami sa mga hermit crab, napipilitang magtago sa mga artificial shell.
06:06Ang kaso ang marami sa mga ayahan gaya nitong lata, basura ng tao.
06:10Napakadelikado rin ito, lalo't ang mga lata may matatalas na bahagi.
06:13At alam niyo bang hindi lang ito ang maaring masamang efekto ng hindi wastong pagtapo ng basura?
06:17Kuya Kim, ano na?
06:20Ang littering o hindi wastong pagtatapo ng basura,
06:23hindi lamang nagdudulot ang polusyon.
06:24Maaring din itong maging banta sa mga hayop.
06:26Ang mga plastik na basura sa ating karagatan.
06:30Maaring maka-injure ng maygit 600 species ng kayop na nabubuhay sa dagat o malapit sa dagat.
06:35Kaya huwag basta-basta magtapo ng basura.
06:37Sapagkat ang ating kapabayaan, tulot ay panganib sa kapaligiran.
06:41Ang responsabeng pagtatapo ng basura,
06:43simple hakbang para maprotektahan ang kalikasan at mga nila lang na umaasa dito.
06:49Ito po si Kuya Kim at sagot ko kayo, 24 Horas.
06:52Mas motivated daw maglaro ngayon sa WTA 125 ang Pinoy Tennis Ace na World No. 49 na si Alex Iala.
07:03Lalo't gaganapin ang kompetisyon sa Rizal Memorial Sports Complex.
07:07At posible raw manood ng laban si Pangulong Bongbong Marcos.
07:12Nakatutok si JP Soriano.
07:13Lakas at liksi, yan ang pinakita ng Pinoy Tennis Ace at World No. 49 Alex Iala
07:22sa practice game kaninang umaga sa Rizal Memorial Sports Complex Tennis Court.
07:27Ang venue ng WTA 125 Philippine Women's Open na aarangkada na sa lunes, January 26.
07:34Nakalaro niya sa practice game si na Lulusan ng New Zealand at Solana Sierra ng Argentina.
07:39Ngayong hapon, all smile si Alex sa kanyang media day.
07:44I'm here, I'm home, I'm so happy to be here.
07:47I'm alongside so many great Filipino athletes here at the draw.
07:54So I hope you guys can come out, support and pray for us.
07:59Mas motivated than ever daw si Iala dahil alam niyang home court ang nalaroan niya.
08:04So, so, so surreal to have a home tournament and to see it come to life.
08:11Parang kung kailan lang ang layo-layo nitong dream na to.
08:15Labing dalawang taong gulang lang si Alex Iala ng huling makapaglaro at makapag-ensayo
08:19dito sa Rizal Memorial Sports Complex at sa kanyang pagbabalik para sa WTA 125.
08:24Isang mural po ang itinayaw kung saan makikita iba pang sports icon.
08:27Gaya ni Manny Pacquiao, Heidelin Diaz, Carlos Yulo at ngayon,
08:31ang patuloy na gumagawa ng kasaysayan si Alex Iala.
08:35I feel very flattered, especially being alongside so many great names.
08:40I think that's the first mural for me.
08:42So, you know, it's a new experience, it's new emotions.
08:45So, but I am very proud to do what I can.
08:50Sa sabak sa susunod na linggo, si Alex at posidli raw manood, si Pangulong Bongbong Marcos.
08:56He said, I want to watch, Alex, if given the opportunity and given the right timing.
09:02Ngayong araw, nakita namin nage-ensayong ilan sa mga tennis star sa Rizal Memorial Sports Complex.
09:08Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, nakatutok 24 oras.
09:13Good vibes ang hatin ng isang pusa na may kakaibang tambayan.
09:22At animoy nagkarera naman ang dalawang pusa sa isang paaralan dahil sa cat food.
09:27Ang mga usapang pets, tinutukan ni Jonathan Andal.
09:30Animoy nasa Meow Raton ang mga pusang si na C1 at C2.
09:42Nang salubungin ang nagpapakain sa kanilang cat lover na si U-Scooper Olive Omega.
09:49Tuwing tatawagin niya, talagang paspas ang takbo ni na C1 at C2.
09:55Araw-araw niya raw, binibisita at pinapakain kahit weekends at holidays.
09:59Ang mga pusa na pinanganak at nakatira sa eskwelahan.
10:06Ang puspin na si Ginger Boy parang nag-cosplay as si Nando Ming Rice.
10:13Rice cooker at mangkok kasi ang hilig niyang higaan na kahit saan pa nakapatong,
10:19dun talaga siya hihilata.
10:22Pinusuan ng netizens ang poging si Ginger Boy pero may tanong ang ilan.
10:27Ba'y may nagsabi na ka-lowered ka daw?
10:29Kwento ng kanyang fur mom, kuting pa lang si Ginger Boy, maikli na talaga ang mga paa niya.
10:37Maraming netizens naman ang naantig sa isang aso sa General Santo City.
10:41Behave lang kasi siya sa paghingi ng pagkain sa mga customer na isang karinderiya.
10:46Para mapansin kasi, itinataas niya ang dalawa niyang paa na parabang nagsusumamo.
10:51Oh, sinabayan pa yan ng kanyang tila puppy eyes.
10:57Cuteness overload naman ang hatid ng fur babies na sina peanut at butter.
11:03Kahit anong okasyon kasi game ang Golden Retriever at Labrador Retriever duo na magsuot ng mga kostyum.
11:10At sabay sa pagpit senyor nitong Sinulog Festival, naging instant pet attraction ang dalawa sa mga Cebuano at turista.
11:19Ayon sa kanilang fur parents, bukod sa pagbibigay sayag, gusto rin nilang hikayatin ang mga kapwa fur parent na maging responsabling pet owner.
11:27Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Horas.
11:36Muntik nang bumati ng best wishes ng malalapit na kaibigan ng kapuso couple na sina Gabby Garcia at Khalil Ramos.
11:43Bumida kasi ang dalawa sa isang music video na tila married couple.
11:48Ready na ba silang tutohanin yan? Alamin sa aking chika.
11:50Tila may maagang valentines pampakilig ang kapuso sweethearts na sina Gabby Garcia at Khalil Ramos.
12:00Ani mo'y wedding bells are ringing talaga.
12:03Bida ang dalawa sa music video ng latest song ng grupong Ben & Ben.
12:08Caption ni Gabby sa kanyang post.
12:10Naging emosyonal daw sila ni Khalil pagkarinig sa kanta dahil it felt so close sa kwento nila.
12:16Isa daw itong love letter to the person you chose to commit to, grow with, and build a life with.
12:26Foreshadowing.
12:28Ang comment ni newlywed kapuso star Carla Abeliana.
12:31Magko-congrats na sana ako.
12:33Ang comment naman ni its showtime host, Darren Espanto.
12:38Actually nakakatawa kasi ang dami ding nag-akala na totoo siya.
12:42Congrats.
12:43Oo, we made it clear literally for the music video.
12:46Pero Gabby, malapit na bang maging totoo ang eksena nito?
12:51Tanungin natin si Khalil.
12:53Wala ba? Tsaka na lang kami, kalma lang kami.
12:55Alam mo yun, parang we're super secured naman sa isa't isa na hindi namin kailangan magmadali, mag-mag-worry.
13:02Okay naman kami.
13:03Excited naman si Gabby at palapit na ng palapit ang finals night ng PBB Celebrity Collab Edition 2.0.
13:11Unexpected daw ang mga nangyayari ngayon at magiging mas mainit pa ang mga tagpo sa reality show.
13:19Malapit-lapit na ang pagtatapos pero exciting, dami pa rin exciting kasi recently nagkaroon ng wild card.
13:25So, nagdagdagan na naman sila and basta marami mga pang house guests na darating.
13:30And that's my chica. It's Saturday night. Ako po si Nelson Canlas. Pia, Ivan.
13:39Salamat guys.
13:39Thank you, Nelson.
13:40Thank you, Sean.
Comments

Recommended