00:00Ipinagpatuloy ng Commission on Elections ang pag-iimprinta ng balota ngayong araw para sa BARM Parliamentary Elections sa Oktubre.
00:08Yan ang ulat ni Luisa Erispe.
00:12Itinuloy na ngayong araw ng Commission on Elections ang pag-iimprinta ng mga balota na gagamitin para sa BARM Parliamentary Elections sa Oktubre.
00:21Ito'y kahit pinirmahan din ngayong araw ng Interim Chief Minister ng BARM ang Bangsamoro Autonomy Act No. 77 o Batas na nagbabago sa Parliamentary District sa regyon.
00:33Git ng COMELEC, wala ng oras kung susundin nila ang batas. Wala ng pagkakataon para madelay pa ang kanilang preparasyon.
00:40Pero again, the COMELEC will make an independent determination ng sitwasyon.
00:47Sa bandang huli, kami naman po under the Constitution, ang may duty na magsagawa ng halalan.
00:56Basis sa kung ano ang naayon tama at basis sa kung ano yung ating naiset na timeline at timetable.
01:04Handa naman anyang humarapang COMELEC sakaling questioning ang desisyon nila sa Korte Suprema.
01:09Pero magpapadala sila ng sulat kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Kongreso at kay Chief Justice Alexander Gizmundo
01:17para ilatag ang kanilang timeline at ipaliwanag ang kanilang posisyon.
01:22Nangyari na po ito noong 2007. Bago tayo nag-eleksyon ng automated noong 2010.
01:30Noong 2007, dapat automated eleksyon na tayo.
01:33So, sapagkat yun ang batas natin, yung Republic Act 9369.
01:39Subalit, hindi po ito naipatupad ng COMELEC.
01:42Ang sabi ng COMELEC, lack of material time.
01:46Mabuti sana po kung yung batas ay naipasa last month.
01:50Pwede po siguro masisi ang COMELEC.
01:52Last month pa yung batas eh.
01:54Bakit hindi nyo ipinatupad?
01:55So, bayit isang araw lang po ang pagitan itong batas at yung aksyon ng komisyon.
02:01Kaya po again, because of talagang lack of material time.
02:05Dahil naman hindi sinunod ng COMELEC ang bagong permang batas,
02:09iisa pa rin ng mga kandidato sa balota.
02:11Wala rin pinagbago ang mga partidong politikal.
02:14Lahat sila ay may mga litrato sa balota at may opsyon din na none of the above.
02:19Ibig sabihin ito, panawagan ng COMELEC, hindi dapat malito ang publiko.
02:24Dahil ang sinusunod nila ngayon ay ang nauna o ang orihinal na distribusyon
02:29ng mga parliamentary districts sa regyo.
02:32Kahit sa deployment ng mga election para fernalya,
02:35ang susundin din ng COMELEC ay ang unang distribusyon ng mga distrito.
02:39Sa mga kababayan natin sa Bangsamoro, yung mga kandidato,
02:43as far as the COMELEC is concerned, as far as the ballots are concerned,
02:49as far as all the materials, documents para fernalya are concerned,
02:54kung ano ang nakita po ninyo na bukha ng balota sa bawat barangay,
03:00sa bawat bayan, sa bawat distrito at probinsya,
03:03yan na po ang makatanggap nyo sa araw na eleksyon.
03:06Kada araw, inaasahan na sa 300,000 na balota
03:10ang i-imprinta sa National Printing Office.
03:12Inaasahan din sa September 15,
03:15tapos na ang COMELEC ng printing at verification ng mga balota.
03:19Luisa Erispe, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.