00:00Nagmamala ang Armed Forces of the Philippines sa publiko na maging maingat sa mga paulit-ulit na maling informasyon na ipinakakalat laban sa kanilang hanay.
00:09Samantala, may ilang corrective measures nang ipinatupad ang AFP kaugnay ng higit 200 million pesos na unliquidated cash advances base sa naging findings ng Commission on Audit.
00:21Si Patrick De Jesus, Centro ng Balita.
00:23Muling pinalagan ng Armed Forces of the Philippines ang paulit-ulit na pagpapalabas ang maling informasyon laban kay AFP Chief of Staff General Romeo Browner Jr.
00:37Kabilang narito ang sinasabing paglabag sa Honor Code ng Philippine Military Academy na muling pinasinungalingan ng AFP at kanilang tinawag bilang imbentong kwento para dungisan ang reputasyon ng isang senior military officer.
00:52Isa pa sa pinabulaanan ng AFP ang umano'y pagtanggap ng 15 billion pesos na ghost projects mula kay dating House Speaker Martin Romualdez sa ilalim ng TICAS Infrastructure Program.
01:05Gaya ng mga nauna ng paglilinawa, iginiit ng AFP na wala silang hinawakang pondo para sa TICAS projects dahil ang Department of Public Works and Highways o DPWH ang nangasiwa rito.
01:18Samantala, ilang collective measures na ang ipinatupad ng AFP, kaugnay ng kanilang 201.8 million pesos na unliquidated cash advances base sa naging findings ng Commission on Audit.
01:32Ayon sa AFP, pansamantalang itinigil ang sahod ng kanilang mga kawanin na may pananagutan, gayon din ang pagpapataw ng demand letter at pagsasagawa ng legal at administratibong hakbang.
01:44Kinikilala naman ng AFP ang COA findings kasabay ng pag-iit sa pagpapanatili ng transparency at tamang paggamit ng pondo.
01:53Itong mga efforts na ito are also underway and tinatrack natin itong mga accountable officers na involved dito, especially itong mga wala na sa servisyo sa ngayon.
02:04Yung iba kasi dito nag-retire na and we intend to recover itong mga public funds in full compliance with the COA directive.
02:14Isa pa sa pinunanang COA ang aabot sa 72.8 million pesos na hindi autorisadong bank accounts.
02:22Sabi ng AFP, ipinasara na nila ang mga tinukoy na account kabilang ang PCSO and Domain Fund sa ilalim ng AFP Medical Center at dalawa mula sa Presidential Security Command
02:34habang sinusunod na rin ng Eastern Mindanao Command ang mga proseso para rito.
02:39Yung mga reports na ito did not establish any laws, misuse or diversion of funds.
02:44Yung accounts that were cited were for the welfare and medical related and all the funds were used for their intended purposes.
02:55Yung issue that was raised was procedural.
02:58Hence, our immediate action to close accounts and align mechanisms with regulatory requirements.
03:04Sa kabila nito, nilinaw ng AFP na ang findings ng COA ay hindi nangangahulugang mayroon ng korupsyon.
03:12Ngunit handa silang papanagutin ang mga mapapatunayang nagkaroon ng kapabayaan hinggil sa pondo.
03:18Ah, ito are procedural in nature.
03:21So kung kailangang i-correct, itong sandatang lakas ng Pilipinas, of course we take this as somewhat like a constructive criticism of sorts.
03:28And kailangan ayusin natin yung sistema.
03:30Hindi ibig sabihin na may katiwalian, no?
03:33But kung meron man kailangang i-align para maging tama yung proseso, gagawin yun ng sandatang lakas ng Pilipinas.
03:41Patrick De Jesus para sa Babansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments