00:00Record-breaking ang nararamdamang malamig na temperatura ngayong Webes.
00:08Ayon sa pag-asa, naitala ang napakalamig na 11 degrees Celsius na minimum temperature sa Baguio City ngayong araw.
00:16Pinakamababa po yan na record sa City of Pines ngayong amihan season.
00:2119.6 degrees Celsius naman ang bagong record na lamig sa Metro Manila,
00:25particular sa pag-asa Science Garden sa Quezon City.
00:28Sa kabila po niyan, 9.6 degrees Celsius ang pinakamababang temperatura sa bansa ngayong amihan season.
00:35Naitala yan sa Latrilidad Benguet noong December 30, 2025.
00:41Apektado ng amihan ang Luzon, Visayas, Northern Mindanao at Caraga Region.
00:47Ulangdulot ng amihan at mga local thunderstorm ang mararanasan sa bansa sa mga susunod na oras.
00:52Halos buong bansa ang magkakaroon ng maayos na panahon pero posible pa rin pong ulan sa ilang lugar base sa rainfall forecast ng Metro Weather.
01:02May posibilidad ng lumabas ng Philippine Area of Responsibility at tuluyang malulusaw na yung binabantayang low pressure area na dating Bagyong Ada.
01:11Namataan po yan ang pag-asa halos ang libong kilometro silangan ng Eastern Visayas kaninang alas 8 ng umaga.
01:17Nananatili namang mababa ang chance ang maging bagyo ng LPA na nasa labas ng PAR o mahigit 2,000 kilometro silangan ng Northeastern Mindanao.