00:00Nahulog ang isang SUV sa gilid ng bagong gawang kalsada dito sa Dagupan, Pangasinan.
00:06Kwento ng SUV driver, papasok sana siya sa parking area ng isang bangko sa Perez Boulevard kahapon.
00:12Hindi niya napansin na hindi pa pala natatabunan ng lupa ang compound ng bangko.
00:17Mabuti na lang at hindi nasaktan ang 72-anyos na driver.
00:22Agad namang umalalay ang maotoridad at inalis ang sasakyan makalipas ang mahigit sa dalawang oras.
00:28Nakikipag-ugnayan na rin ang LGU sa kontraktor ng Road Rehabilitation Project para dagdagan ang signages sa naturang lugar.
Comments