State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:02Hey, alaki na apoy!
00:04Alaki!
00:04Alaki!
00:05Alaki!
00:05Pilit na inapula ng mga residente
00:08ang nasusunog na bahay na yan sa San Luis, Aurora.
00:11Mabilis na kumalat ang apoy dahil gawa sa life materials ang bahay.
00:15Dahil sa malakas na hangin,
00:17nadamay ang dalawang bahay nakatabi nito.
00:20Ayon sa may-ari ng bahay,
00:21posibleng nagsimula ang sunog
00:23sa naiwang nakacharge na flashlight.
00:26Bistado sa Cebu City ang isang tindahan ng mga umlaw ay bagsakan ng mga nakaw na cellphone.
00:34Nakuha sa shop ang mahigit isang daang mamahaling cellphone na ninako umano sa kasagsaganang Sinulog Festival.
00:41May report si Femari Dumabok ng GMA Regional TV.
00:47Ang ordinaryong tindahan ng cellphone na ito sa Cebu City, bagsakan umano ng mga nakaw na cellphone noong Sinulog Festival.
00:54Natuklasan ito matapos matrace ng isang estudyante ang nawawala niyang cellphone.
01:00Agad yetong itunuro sa mga otoridad.
01:02Sunod naman kung ang reklamo sa barangay at ang mga ipo nawala, especially sa pagsinulog.
01:09Huli sa operasyon ang ilang sangkot umano sa nakawan.
01:12Mahigit 150 cellphone ang nabawi sa shop, na ang karamihan mamahaling modelo.
01:19Ang benta nila sa kada unit aabot ng hanggang 5,000 piso.
01:23Ilang biktima naman ang nagtungo sa istasyon ng polis para bawiin ang kanilang cellphone.
01:28Mili ko Sinulog shirts, then gidasmagan ko, mga 3 to 4 persons.
01:35Naibong ko after ato ni kalit kagana kong bulsa.
01:39Nawala na dahil yun.
01:40Pag abot na ko sa mga 20, huwag na na ko masakpan ang cellphone.
01:45Lalo, morning pants ang bisuot niya, lalo manig bulis nga ba?
01:49Huwag ko bante, nakuha siya.
01:51Halos isandaang cellphone na ang naibalik ayon sa Cebu City Police Office.
01:55Pinayuhan nilang iba pang nanakawan ng cellphone na pumunta sa kanilang tanggapan.
02:00Patuloy namang iniimbestigahan ang may-ari ng cellphone shop na posibling maharap sa asunto.
02:06Bukod kasi sa iligal na aktividad, napag-alaman ding walang business permit ang tindahan.
02:11Sinusubukan pa namin siyang makuhanan ng pahayag.
02:14Fem-ari dumabok ng GME Regional TV.
02:19Nagbabalita para sa GME Integrated News.
02:27Nagparamdam umano si dating Congressman Zaldico sa pamamagitan ng ilang pari,
02:32ayon kay DALG Secretary John Vic Rimulla.
02:35Pero hindi yan para sumuko, kundi para makipag-dialogo umano sa gobyerno.
02:39May report si June Veneracion.
02:40Mula ng magbukas ang 20th Congress noong July 28,
02:48hindi na dumalo ng sasyon si dating Ako Bicol Partylist Representative Zaldico
02:52na isa sa mga idinidiin sa insertion sa 2025 budget at flood control scandal.
02:59Ayos na kapagsalita ng Kamara noong Setiembre,
03:01lumipad pa Amerika si Ko para magpagamot at tihatid ang anak doon.
03:05Sabi ng DILG noong Nobyembre, matapos mag-Amerika, nakapag-Europe at Japan pa si Ko.
03:12Lumutang si Ko sa ilang video messages na ipinose sa kanyang social media noong ding Nobyembre.
03:17Pero pagkatapos niyan, hindi na ulit nagpakita si Ko na ipinapa-aresto ko na isang manumalyang proyekto
03:23kontrabaha sa Oriental Mindoro.
03:26Ngayon, sabi ng DILG, nagpaparamdam na si Ko.
03:30Meron na siyang feelers na through sa mga ibang pare na kilala niya.
03:37Pero pag lininaw na rin Mulya, ang feelers ni Ko ay hindi pa para sa pagsuko.
03:42Parang nagpapakonect na gustong ng dialogue sa amin.
03:48So, pero of course that's not verified. Parang nagsabi pa lang, sinabi ng kaibigan, ng kaibigan na pinaparating.
03:56Ipinarating daw ito ng grupo ng mga pare sa kapatid ng kalihim na si Ombudsman, Jesus Crespin Rimulya.
04:02Handa naman daw si Rimulya na makipag-usap sa kampo ni Ko.
04:05Sempre we take them seriously. Yung gusto makapagdaya, kakausapin namin yan.
04:11Pero kung bribe, eh huwag na.
04:12Sa huling monitoring ng DILG, nasa Portugal si Ko.
04:17Pero hindi siya basta-basta mapapadeport.
04:20Dahil bukod sa meron siyang Portuguese passport, walang extradition treaty ang Pilipinas at Portugal.
04:26Criminal mind talaga. May escape route ka agad eh.
04:29Galing na escape route yun. Maaga pa lang Feb. One year na siya.
04:33Nasa ano? Lama-mama na siya abroad.
04:36Mula naman sa pagkakadetain sa Senado, idilipat sa kustodiyan ng Department of Justice,
04:41ang isa sa mga nagdawit kay Ko, na si dating DPWH District Engineer Henry Alcantara.
04:47State witness siya sa kaso ukol sa Ghost Flood Control Project sa Pandi, Bulacan.
04:52Ayon sa DOJ, dinala si Alcantara sa isang safe house.
04:56Tiniyak naman ng DOJ na dadalihin nila si Alcantara sa Senado kung kakailanganin.
05:00Whenever necessary. Of course, the end here is really for cooperation, for our witnesses.
05:08At yun nga, kaya nga sila na-admit sa program eh.
05:11Diba? Sila ay nakikipagtulungan sa ating pamalaan para mapatibay ang mga kaso.
05:18Tulad ni Alcantara, state witness din sila dating DPWH Andeseketary Bernardo,
05:23dating DPWH NCR District Engineer Gerard Opulancia, at kontratistang si Sally Santos.
05:29Nauna na lang sinabi ng DOJ, naligtas na sila sa criminal liability sa mga Bulacan Ghost Flood Control Projects.
05:38Pero pwedeng mapanagot sa iba pang kaso.
05:41Si Bernardo, dinala sa DOJ para sa case build-up ng DOJ.
05:46Ang isa pang akusado sa Ghost Flood Control Project na si dating Senador Bong Rivilla,
05:51dinalaw naman ang kanyang mga anak at kapatid sa Newcastle City Jail.
05:55No comment.
05:57Kamusta lang po si Senador?
05:59Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology o BJMP, nakahiwalay pa siya sa ibang preso para sa medical quarantine.
06:07Gayun din ang mga kapakusado niya na sila dating DPWH Bulacan Assistant District Engineer Bryce Hernandez,
06:14at dating DPWH Bulacan First District Engineers JP Mendoza at RJ Dumasig,
06:21at dating DPWH Bulacan First District Engineering Office Finance Section Chief at accountant Juanito Mendoza.
06:28Kasuro na pitong araw na medical quarantine, iahalo na sila sa ibang preso.
06:33Kanina, iniharap na rin sa Sandigan Bayan para sa return of variant ang dalawa pang kapakusado ni Narivilla na sina Engineer Emilita Huat at Christina Pineda ng DPWH Bulacan.
06:44Iniutos na makulong sila sa BGMP QC Female Dormitory sa Camp Karingal.
06:50June Van Arasyon nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:53Pandarambong at katiwalian ng ilang akusasyon laban kay Vice President Sara Duterte sa reklamong inihain ni dating Senador Antonio Trillanes IV at isang grupo.
07:05Ang hiling nila sa ombudsman, imbistigahan ang bise at sampahan ng impeachment complaint.
07:10May report si Maki Pulido.
07:12Bit-bit ang bungkos na mga dokumento nagtungo sa ombudsman si dating Senador Antonio Trillanes IV kasamang civil society group na The Silent Majority para maghain ng mga reklamo laban kay Vice President Sara Duterte.
07:28Hiningi ng mga complainants na mag-imbestiga ang Office of the Ombudsman at pagkatapos ay maghain ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
07:40Guit ng grupo, guilty si Duterte sa malversation of public funds, graft and corruption, bribery at plunder
07:47dahil sa maanumaliya umunong paggamit ng P650M na halaga ng confidential funds noong kalihim pa siya ng DepEd at bilang Vice President.
07:56Nakakabit sa reklamo ang salaysay ni Ramil Madriaga, ang nagpakilalang dating civilian intelligence agent ng bise at ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Duterte
08:07at nagsabing naghatid siya ng pera mula sa confidential funds sa ilang individual, alinsunod sa utos daw ng bise.
08:15Nilustay din umano ni Duterte ang mahigit 2.7 billion pesos na confidential funds noong alkalde pa siya ng Davao City.
08:23Ipinunto rin ng grupo ang inilabas ng Commission on Audit na Notice of Disallowance dahil sa posibleng mali o sobrang paggamit ng DepEd
08:32ng pondong aabot sa 12 billion pesos.
08:35Halos 7 billion pesos din daw ang umano'y unliquidated cash advances o hindi na ipaliwanag na gastos ng ahensya.
08:43May higit 15 billion pesos din umanong pondo ang DepEd na hindi nagamit na nakalaan para sa iba't ibang proyekto gaya ng pampatayo o pagkumpuni ng classrooms.
08:54Binanggit din ang grupo ang umano'y overpriced na laptop sa DepEd.
08:59Guilty rin daw si Duterte ng bribery and culpable violation of the Constitution dahil sa mga hindi maipaliwanag na yaman.
09:06May 2.4 billion pesos umanong nakadeposito sa bank account ni Duterte kung saan ka-joint account ang kanyang amang si dating Pangulo Rodrigo Duterte
09:15at asawang si Atty. Mananses Carpio.
09:18Ang mga bank deposit na ito at iba pang investments hindi raw idineklara sa salen ni Duterte.
09:25Pagka binuksan yung bank accounts o galing man lang dun sa mga flag transactions ng AMLOC,
09:33eto na hindi na nila maitatanggi.
09:36Dati rin daw tumanggap si VP Sara at kanyang mga kaanak ng Suhol mula sa ilang kilalang umano'y drug personalities.
09:44Basihan naman para sa reklamong betrayal of public trust at other high crimes
09:48ang pagbabanta nito sa buhay ni Pangulong Bongbong Marcos.
09:52Pinapakita ng complaint na ito na una, ang kabuoang halaga ng mga nilimas o niwaldas ni Sara Duterte
10:01ay maihahanay sa mga pinakamalalaking flood control scandal.
10:06Hinihingi pa namin ang pahayag ni Vice President Duterte at ang Office of the Vice President pero wala pa silang tugon.
10:14Pero dati nang sinabi ni Duterte, wala siyang personal na relasyon kay Madriaga.
10:19Dati na rin niyang itinanggi na may mali sa paggastos ng Office of the Vice President at DepEd sa confidential funds.
10:26Mackie Pulido, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
10:30Apat ang patay sa salpukan ng pampasaherong jeep at dump truck sa Isabela
10:38ang nahulikam na aksidente sa spot report ni Oscar Oida.
10:45Matuli ng takbo ng jeep na yan nang sumalpok sa kasalubong na dump truck
10:50sa Santiago Rojas National Road sa Luna, Isabela.
10:54Nahagip pa ang isang motorsiklo, wasak ang jeep na natuklap pa ang bubong.
10:59Apat ang naiulat na namatay.
11:02Di na na naman sa Esther Garcia Medical Hospital ang iba pang nasugatan.
11:06Sa imbistigasyon ng pulisya, parehong mabilis ang takbo ng dalawang sasakyan.
11:11Nawalan umano ng kontrol ang dump truck dahil basa ang kalsada.
11:16Iniimbestigahan na ng LTFRB ang aksidente at pinamadali ang pagbabayad ng danyos sa mga biktima.
11:24Lasog-lasog naman ang katawan ng rider na ito matapos bumanga sa concrete barrier
11:29at magulungan ang truck sa barangay Mayamot, Antipolos City.
11:34Ayon sa pulisya, hindi raw napansin ang rider ang concrete barrier.
11:39Nawalan umano ito ng kontrol at sumemplang sa lane ng paparating na dump truck.
11:44Dead on the spot ang rider.
11:45Hawak na ng mga pulis ang truck driver.
11:49Dead on arrival naman sa ospital ang isang rider at panganay niyang anak
11:53matapos sumalpok ang kanilang motosiklo sa pickup truck sa Bayawan City, Negros Oriental.
12:00Maluba naman ang lagay ng asawa at isa pang anak ng rider na nakaangkas din sa kanya.
12:06Sumuko na sa pulisya ang driver ng pickup.
12:09Oscar Oida, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
12:13Ipinakita na ng pulisya ang mga isunukong armas ng kampo ni Charlie Atong Ang.
12:20Sa mga bagong litratong ipinadala ng mandaluyong CPS,
12:24makikita ang tatlong pistol, isang revolver at isang rifle na nakarehistro kay Ang.
12:29Kasama rin dyan ang mga bala at magazine.
12:32Isa pang rifle na nakarehistro kay Ang ang patuloy pang hinahanap.
12:36Binawi ng PNP nitong January 15 ng lisensya ng mga bail ni Ang
12:40kasunod ang paglabas ng arrest warrant sa kanya kaugnay sa kaso ng mga nawawalang sa bongero.
12:46Kauna-una ang impeachment complaint laban kay Pangulong Marcos
12:55na i-transmit na sa Office of the Speaker.
12:58Inihain niya ni Atty. Andre De Jesus noong January 19
13:02at inendorso ni House Deputy Minority Leader Jet Nisay.
13:07Sa rules of procedure ng Kamara,
13:09isasama ang impeachment complaint sa order of business sa loob ng 10 session days.
13:14Kasunod nito, ire-refer sa Justice Committee sa loob ng 3 session days.
13:21Kavita 4th District Representative Kiko Barzaga
13:24nahaharap sa ikatlong cyber libel complaint.
13:27Isinampa ito ni Manila 2nd District Representative
13:30at National Unity Party Member Rolando Valeriano.
13:35Nagugat ang reklamo sa online post ni Barzaga
13:37kung saan inakusahan niyang nasuhulan umano ng isang personalidad
13:42ang ilang mambabatas na miyembro ng kanyang partido.
13:46Itinanggi ni Valeriano ang akusasyon.
13:48Haharapin naman daw ni Barzaga ang reklamo
13:51tulad ng dalawang cyber libel complaints.
13:55Minority Report ng Senate Minority
13:57kaugnay sa flood control scandal
13:59dapat itapon sa basurahan
14:01ayon kay Sen. Ping Lakson.
14:04Sabi ni Lakson,
14:05pambabasto sa Minority Report
14:07na isinumite habang gumugulong pa
14:10ang investigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee
14:12sa flood control issue.
14:14Punto ni Lakson,
14:16may botoha naman kung saan pwedeng maisama
14:18ang mga puna para sa final report.
14:21Sabi naman ni Sen. Amy Marcos
14:23na isa sa mga nakapirma sa Minority Report.
14:26Ang pinatutunguhan ng Minority Report
14:28ay ang taong bayan.
14:30Ayaw na raw niyang patulan
14:31ang usaping respeto.
14:33Kung may nangyayaring pinakamalaking bastusan,
14:36yun daw ay ang pambabasto sa talino
14:38at pangunawa ng Pilipino.
14:41Hindi raw siya ang may basurang pinagtatakpan.
14:45Tina Panganiban Perez,
14:47nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments