00:00Malaki ang nawalang kita sa buwis ng bansa dahil sa smuggling.
00:04Nakaka-apekto sa pondo para sa mga programang pangkalusugan.
00:08Binigyang diin ng isang mambabatas ang kahalagaan ng kampanya contra smuggling
00:12at tax amnesty para mapalakas ang koleksyon at masiguro ang patas sa sistema.
00:17Inangulat TVL Custodio.
00:21Aapot sa 44 billion pesos ang nawalang pondo sa syntax dahil sa illicit tobacco smuggling.
00:27Ayon niyan kay House Committee on Waste and Means Chairperson Representative Miro Kimbo.
00:33Makatutulong sana ang makukolektang buwis mula rito para sa mga programang pangkalusugan ng pamahalaan.
00:39Ang effect ng smuggling, dalawang bagay.
00:43Nawawalan tayo ng taxes na kinakailangan natin.
00:46Last year, more than 44 billion ang nawala.
00:50Pero more significantly, huwag nating kakalimutan ang nakukolekta natin sa syntax.
00:56Talahati niyan ay napupunta sa programang kalusugan.
01:00Particularly PhilHealth.
01:02Dahil nakakalusot sa pagbabayad ng tax ang mga pinupustit na sigarilyo sa bansa,
01:08mas nagiging accessible ang presyo nito sa kabataan.
01:11Ayon kay Representative Kimbo,
01:13mahalaga na makapagtaas ang kita sa pamamagitan ng pagpapaigting ng kampanya contra smuggling.
01:19One is to stop yung cheating.
01:22So yan yun, particularly ang smuggling.
01:25And then pangalawa is ang atin naman po itinutulak na bago is na priority din po ng Executive is yung tax amnesty.
01:35Isinusulong din ang Ehekutibo ang comprehensive tax amnesty para bumalik sa pagbabayad ng buwis ang mga taong hindi nagbabayad dito.
01:42Nasa ilalim nito ang voluntary declaration ng net asset at pagbabayad ng tax batay rito.
01:49So ibig sabihin kung ikaw ay mayaman, matagal ka tumatakas sa buwis o kahit maliit ka na tindahan.
01:56So this is your chance para you have a clean slate, burado lahat.
02:00And then moving forward, binibigyan ng pagkakataon na maging kasali na sa tax system.
02:07Bukod sa tobacco smuggling, isa pang problema ang kinakaharap ng bansa ay ang agricultural smuggling.
02:14Kaya naman prioridad ni House Speaker Faustino Bojiti III ang pagpapaiting na anti-agricultural smuggling.
02:22Tututukan ng Kongreso ang smuggling sa mga agricultural products, kagaya ng bigas, carrots at sibuyas.
02:29Ani Kimbo, isang malaking mafia ang smuggling ng sibuyas sa bansa.
02:34Captured nila lahat eh.
02:35Yung trader po, na bumibili sa ating mga onion farm growers sa Nueva Ecea,
02:44at yung importer na nagdadala galing India at China,
02:49and yung may-ari ng logistics na nagdadala ng onions galing sa Nueva Ecea,
02:56yung galing sa airport papunta sa cold storage,
02:59at yung cold storage, sila-sila po nagsasabwatan.
03:03So ito yung buong value chain ng onion kontrolado ng isang sindikato.
03:10Hinihintay na lang ang desisyon ng Philippine Competition Commission sa magiging penalty patungkol sa nakabimbing kaso na onion smuggling.
03:19Maaari ring magrekomenda ang PCC ng criminal prosecution sa Office of the Ombudsman.
03:25Ayon kay Kimbo, inaasahang ilalabas na ang desisyon ng PCC bago ang sonan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Julio.
03:33Vel Custodio para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments