00:00Obligado na magsuot ng body-worn camera sa mga tauhan ng Bureau of Fire Protection sa pagsasagawa ng Fire Safety Inspection.
00:09Ayon sa GILG, kinakailangan ay ma-record nito mula sa pag-i-issue ng camera, pag-biyahe, pag-inspeksyon hanggang sa pagbabalik sa station, custodian sa loob ng 24 oras.
00:21Pagdating sa establishmento, dapat ay nakavideo na ilalatag ng Fire Safety Enforcer ang kanyang pangalan, ranggo, pecha, oras, gagawing inspeksyon at pangalan ng establishmento.
00:34Kabilang din umano sa mga dapat ma-record ang mga fire exit, safety equipment, safety measures at eksplenasyon sa findings.
00:42Sa mga hindi nakasusunod na establishmento, dapat ay maipaliwanag ng maayos ng inspectors ang kanilang mga nakitang pagkukulang at kung ano ang dapat na gawin.
00:54Muli naman na pinaalalahanan ang Fire Safety Enforcers na mahigpit na ipinagbabawal ang pagrekomenda, pagbebenta, o pag-endorso ng anumang brand ng fire safety equipment.
01:06Maari namang mag-request ng kopya ng inspeksyon ang mga may-ari ng gusali, iginit ng DILG na bahagi pa rin ito ng kanilang pagpapatupad ng accountability at proper documentation.
Comments