Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Walang special treatment. Ito ang tiniyak na ni DILG Secretary John Vic Rimulla
00:04sa pagkakakulong ng kanyang kaibigan at kaalyado sa politika na si dating Sen. Bong Rivilla,
00:10kaugnay sa Omnil Ghost Flood Control Project sa Pandi, Bulacan.
00:14Inilipat muna sa New Quezon City Jail sa Payatas, Rivilla,
00:17habang hinihintay ang desisyon ng Korte sa apel niyang manatili sa kustudiya ng PNP.
00:22Balitang hatid ni June Veneracion.
00:24Si DILG Secretary John Vic Rimulla mismo ang naghatid kay dating Sen. Bong Rivilla sa Sandingan, Bayan.
00:35Ito ay para iharap si Rivilla sa Korte o yung tinatawag na return of warrant.
00:39Nakaharap ang dating Senador sa mga kasong graft at malversation through falsification of public documents
00:45dahil sa umano'y PNP 92.8M Ghost Flood Control Project sa Pandi, Bulacan.
00:51Nagbayad ang P90,000 na PNP sa Rivilla para sa kasong graft.
01:08Pero dahil non-vailable ang kasong malversation, ay makukulong pa rin siya.
01:12Hiniling ni Rivilla sa Sandingan, Bayan 3rd Division na manatili siya sa kustudiya ng PNP para raw sa kanyang siguridad.
01:19Di ringgin ang mosyong ito sa biyernes kasabay ng pagbasa ng saktal sa kanya at sa mga kapwa-akusado.
01:26Iniutos muna ng Korte na ikulong si Rivilla sa New Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas.
01:33Kaya mula sa Sandingan, Bayan, ibinyahig agad si Rivilla sa kanyang kulungan.
01:38Sa loob ng city jail, kinunan si Rivilla ng bugshot at itinaan sa booking procedures.
01:42Binigyan din siya ng dilaw ng uniforme ng mga PDL o Persons Deprived of Liberty.
01:4947 square meters ang laki ng magiging kulungan ni Rivilla.
01:52May lima itong bunk beds na kasya hanggang sampung PDLs.
01:57May sarili ring palikuran at hiwalay na shower pero hanggang dibdib lang ang dingding para sa siguridad.
02:04Pagtitiyak ng Bureau of Jail Management and Technology o BGMP, walang special treatment na ibibigay sa dating senador.
02:10Commitment ng BGMP yan na walang VIP treatment na mangyayari kahit kanino man hong PDL yan.
02:17Talaga hong nasa policy namin na bawal ho talaga yan.
02:20Kung may mapapatunayan na gagawa niyan, eh kakasuhan ho natin at mananagot.
02:24Gaya ng ibang PDL, isandaang piso lang kada araw ang alawa si Rivilla sa pagkain.
02:30Bawal din ang sariling cellphone, laptop o anumang gadget sa loob.
02:34Kung may online hearing, may ipapahiram daw na gadget ang BGMP.
02:38Susundin din daw di Rivilla ang oras ng dalaw tuwing Martes hanggang linggo.
02:43Pero bago ro'y halos si Rivilla sa mga nakakulong dito,
02:46inisasa ilalim muna siya sa medical quarantine na pwedeng umabot ng pitong araw.
02:50After our assessment, titingnan po natin.
02:53But definitely hindi pwede mag-isa sa isang selda. May makasama ho siya.
02:56Bukod kay Rivilla, sa Casano City Jail din iniutos sa Sandigan Bayan
03:01na ikulong ang apat iba panyang kapwa-akusado na sina dating DPWH Bulacan Engineers
03:07Bryce Hernandez, JP Mendoza at RJ Dumasig.
03:12Gayun din ang accountant na si Juanito Mendoza.
03:14Sa pitong ipinapa-aresto ng Sandigan Bayan,
03:17si dating DPWH Bulacan 1st District Engineering Office,
03:21Engineer Emelita Huat na lang ang hinahanap.
03:24Sa bengget na aresto si DPWH Bulacan 1st DEO cashier, Christina Pineda.
03:30Pangalawang pagkakataon na ito na makulong ni Rivilla
03:32dahil sa pagkakasangkot sa Manoy katiwalian.
03:35Noong 2014, sa PNP Custodial Center sa Camp Crime,
03:39ikinulong si Rivilla ng badawid sa Pork Biles Camp.
03:42Hanggang sa makalaya noong 2018,
03:44matapos i-acquit ng Sandigan Bayan sa Plunder
03:47at mag-buy ng 480,000 na bail bond
03:50para sa pending graft cases niya noon.
03:53Taong 2021, ay na-acquit din si Rivilla sa 16 counts ng graft.
03:57May kasaysayan ng alyansa ang pamilya Rimulya at Rivilla sa Cavite.
04:01Katunayan, may panahong katiket ni John Vic Rimulya
04:04ang anak ni Rivilla na si Jolo
04:06sa gubernatorial at vice gubernatorial elections ng probinsya.
04:10We've been lifelong friends.
04:12Ever since the 1980s, matagal na kami magkaibigan.
04:16But duty calls, there are no exceptions to the rule.
04:20Ang pagsinabi ng Sandigan to arrest him,
04:22I advise him to, ang best ko na na magagawa is to advise him to surrender peacefully.
04:29Bagaman kaibigan niya si Rivilla,
04:31pagdidiin ni Rimulya,
04:32I assure you, walang magiging special treatment.
04:35Naging bahagi naman ng sentence late,
04:37Pangulong Bongbong Marcos,
04:38noong eleksyon 2025 si Rivilla.
04:41Pag-iit ng Malacanang,
04:42walang sasantuhin ang mga investigasyon,
04:45kahit na mga kaalyado nito.
04:46At syempre ang gulat po siya dahil kaalyado po niya po.
04:48Pero sabi nga niya po,
04:51makailang ulit sabihin niya,
04:52kahit nga po kaalyado,
04:53kung kailangan imbestigahan,
04:55dapat imbestigahan.
04:56Walang sinasanto.
04:58Kaalyado,
04:59kamag-anak,
04:59kaibigan,
05:00kung kinakailangan maimbestigahan,
05:02imbestigahan.
05:04Yan po ang utos ng Pangulo.
05:05Nalindigan din ang Malacanang
05:07sa pagsulong sa June process.
05:08June Veneration nagbabalita
05:10para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended