Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong nagsasabing mahirap sila habang dumami naman ang nakakaramdam ng gutom batay sa tugon sa masa survey ng Okta Research nitong Desyembre.
00:11May unang balita live si Jomar Atresto. Jomar?
00:18Suzanne, good morning. Mula sa 54%, bumaba sa 37% ang mga Pilipino na nagsasabing mahirap sila batay sa survey ng Okta Research.
00:28Pero sa kabila nito, mula 11%, tumaas sa 16% ang nagsabi na nakakaramdam pa rin sila ng kagutuman.
00:38Madaling araw pa lang, bukas na ang maliit na kainan na ito sa UN Avenue sa Maynila.
00:43Ang tindera, si Juliet Aparil, 57 years old. 26 na taon na siyang nagtitinda ng almusal.
00:50Aniya, malaki na rin ang naitulong nito sa pantustos sa pangangailangan ng kanyang pamilya.
00:55Pero kung gutom ang pag-uusapan, kapareho raw siya ng mga Pilipinong nakakaramdam o nakararanas ng gutom kung minsan.
01:02Imbis daw kasi na ipangkain nila, napupunta raw sa mga bayarin ang kanilang kita.
01:07Opo, ganun o, ganun po talaga.
01:10Kasi po, nung araw, mura po yung mga bills. Ngayon po, mahal po yung mga bills.
01:15Mataas po.
01:16Igit po sa lahat, kahit nagtatrabaho ka dito sa isang gobyerno, sa isang mga private, mataas po yung tax.
01:24Ang limampu-tapat na taong gulang na si Danilo, mahigit walong taon na raw maintenance crew sa isang construction company.
01:31Bumuti naman daw ang antas ng kanyang buhay.
01:33Kasi may trabaho. Kung ngayon, napansin ko sir na medyo gumaganda, gumaganda yung ano ngayon.
01:41Basis sa tugon ng masa survey ng Okta Research, bumaba sa 37% o katumbas ng 9.8 milyong Pilipino
01:48ang nagsabing mahirap sila noong Desyembre ng nakarang taon.
01:51Mula yan sa 54% o nasa 14.3 milyong Pilipino noong Setyembre ng parehong taon.
01:58Ayon sa Okta Research, ito na ang pinakamalaking na record na single quarter decline sa self-rated poverty survey nila.
02:04Sa self-rated hunger naman, tumakas ang bilang ng mga nagsabing nagugutom sila.
02:09Nasa 4.2 milyong pamilya nitong Desyembre, kumpara sa 2.9 milyong pamilya noong Setyembre.
02:14Isa nagawa ang survey noong Desyembre 3 hanggang 11, 2025 sa 1,200 respondents.
02:21Meron itong plus-minus 3% margin of error.
02:30Susan, ang maasa naman ng ilang nakausap natin na ngayong 2026 ay magsisimula na bumaba ang presyo na mga bilihin.
02:37At yan ang unang balita. Ako po si Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
02:42Gusto mo bang mauna sa mga balita?
02:45Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Comments

Recommended