00:00Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong naniniwala na maparurusahan ang mga opisyal ng gobyernong sangkot sa maanumaliang flood control projects.
00:08Batay sa resulta ng Pulse Asia Survey nitong December 12 hanggang 15, 2025, 59% ng 1,200 respondents ang naniniwalang mapananagot ang mga corrupt.
00:20Mas mababa kumpara sa 71% noong September. 28% ang hindi masabi kung maparurusahan ba o hindi ang mga sangkot na opisyal.
00:29Habang 13% naman ang nagsabing hindi sila maparurusahan.
00:3351% naman ang naniniwalang malaking epekto sa magiging desisyon ng Korte sa mga kaso ang impluensya ng mga government official.
00:42Kasunod dyan ang kalidad ng ebidensya haba ng paglilitis at pagiging patas ng hukong.
00:47May margin of error na plus minus 2.8% ang nasabing survey.
00:59At tumutok sa unang balita.