Skip to playerSkip to main content
  • 1 day ago
Toll hike sa NLEX, epektibo na simula ngayong araw | ulat ni Denisse Osorio

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Abisa po sa mga motoristang dumaraan sa North Luzon Expressway
00:03dahil ngayong araw efektibo na ang taas singil sa inyong tol.
00:09Kung magkano ang aabuti niyan, alamin natin sa sentro ng balita ni Denise Osorio.
00:16Isa ang North Luzon Expressway o NLEX sa pangunahing highway na araw-araw na dinadaanan ng libon-libong motorista
00:22mula sa hilagang bahagi ng Luzon, papasok at palabas ng Metro Manila.
00:27Simula ngayong araw ipinatupad na ang dagdag sa singil ng tol fee dito sa NLEX.
00:336 pesos ang dagdag para sa Class 1 at may karagdagan pa itong 26 centavos kada kilometro nito.
00:40Sa makatawid, kung babiyaya ko mula rito papuntang Mabalak at Pampanga,
00:45aabot ng 24 pesos ang dagdag sa singil ng tol fee.
00:49Sa social media post ng NLEX, ito ang ikalawa at huling branch ng periodic toll rate increase
00:54na oriinal na nakataknang ipatupad noong 2023,
00:58ngunit ipinagpaliban at hinati sa dalawang bahagi para hindi gaanong makapekto sa mga motorista.
01:04Paliwanag ng NLEX, mahalaga ang periodic toll adjustments para matiyak ang ligtas,
01:09maayos at dekalidad na operasyon ng expressway,
01:13at mapanatili ang pangmatagalang servisyo ng privately funded infrastructure.
01:17Dagdag pa ng NLEX, mananatili ang toll rebate program para sa mga sasakyang nagdadala ng produktong agricultural
01:24na akredit ng Department of Agriculture, di lang tulong sa food price stability at inflation control.
01:31Para sa Class 2 vehicles, 12 pesos ang pangunahing dagdag sa singil at 16 pesos naman sa Class 3 vehicles.
01:38Pero sa kabila nito, mas pipiliin pa rin ang ating mga kababayan na gamitin ang NLEX
01:43at magbayad ng toll para sa maginhawa at mabilis na pagbiyahe.
01:47Gaya na lamang ni Nakiko Salazar at J.B. Hernandez na kapwa NLEX user.
01:52Kasi mostly, ang gulay natin galing north, madalas.
01:57So malamang expect natin tataas ang domino effect na.
02:01Medyo masakit din sa bulsa, syempre, dagdag 6 pesos.
02:04Inbis na kinikita namin, di mababawasan pa.
02:09Si Rogelio Espiritu naman, 4,000 piso ang inilalaan kada buwan
02:13dahil sa bulakan ang kanilang tahanan.
02:15Para sa kanya, walang problema ang dagdag ng singil
02:19basta ang katumbas nito ay dekalidad na servisyo.
02:23Masaya in a sense na kung maibabalik sana.
02:26Kahit then, basta maibalik yung servisyo.
02:29So in short, wala akong problema dun sa pagtaas na 6 na piso
02:33kung talagang makatwiran to.
02:35Pero yung servisyo ang sinabi namin,
02:37yung kalsada na may lubak, yung expansion, buksan,
02:40yung zipper lane, agahan din yung pagbubukas.
02:42Wag na hintayin tumawag pa kami sa hotline.
02:45Mabigat man na pasanin ito sa ibang motorista,
02:48pero marami pa rin ang mananatiling tumatangkilik sa NLEX.
02:51Dadaan pa rin ako sa NLEX.
02:53Ang hirap sa mga service roads natin,
02:56makikisiksik tayo, ang hirap din.
02:58Ang sinasabi lang namin, proactive dapat sila.
03:01Talagang, by God's grace, sa biyaya ng Panginoon,
03:05magsusumikap pa rin ang Pinoy
03:06para yung 6 pesos na naidagdag ay kitain pa rin.
03:10Mula 2022 hanggang 2025,
03:13isinagawa ng NLEX ang ilang malalaking proyekto
03:16tulad ng Candaba 3rd Viaduct,
03:18SFEX Capacity Expansion,
03:21Road Raising sa San Simon,
03:22at mga pagpapabuti sa Ilaw,
03:24Tulay, Overpass,
03:26at Toll Plaza Systems.
03:28Kasama rin sa mga paparating na proyekto
03:30ang unang dalawang kilometrong bahagi
03:32ng NLEX C5 North Link
03:33na inaasahang makakatulong sa pagluwag
03:36ng matinding trapiko sa Mindanao Avenue.
03:38Denise Osorio para sa Pambansang TV
03:41sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended