00:00Dumating na sa Pilipinas ang pinakabagong barko ng Philippine Navy na isang offshore patrol vessel at tatawaging BRP Raja Sulayman.
00:09Matapos ang paglalayag mula South Korea kung saan ito binili,
00:13sinalubong ang naturang barko ng BRP Jose Rizal sa karagatang sakop ng Zambales.
00:19Kaagad namang sisimulan ang post-delivery activities at technical checks sa future BRP Raja Sulayman
00:26bilang bahagi ng acceptance at pre-commissioning activities bago ito ikomisyon sa servisyo.
00:33Una lamang ito sa anim na bagong offshore patrol vessels na inaasahang narating bilang bahagi
00:39na nagpapatuloy na AFP Modernization Program para palakasin ang maritime defense at law enforcement capabilities ng Pilipinas.
Comments