Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Pinakaaralan ng Food and Drug Administration ang mga report kaugnay sa epekto sa kalusugan na mga nakainom ng pinarecall ng mga batch ng infant formula product ng isang kumpanya.
00:12Makipagtulungan din daw ang naturo ng kumpanya sa mga otoridad.
00:15May unang balita si Athena Imperial.
00:17As of January 15, nakatanggap ang Food and Drug Administration ng 25 ulat kaugnay sa mga pinarecall ng mga batch ng infant formula products ng Nestle Philippines na Nan OptiPro at Nan Kid OptiPro.
00:35Sa labing walong ito, may health concerns na napansin sa mga batang nakainom ng mga naturang infant formula.
00:42Kabilang sa mga sintomas ay pagsusuka, pagdudumi, pananakit ng tiyan at ibang kondisyon.
00:49Ilan dito, nangangailangan ng atensyong medikal.
00:53Sabi ng FDA, nire-review nila ang bawat report at kinakoordinate din sa mga kinauukulang ahensya.
00:59Nakikipag-ugnayan din sila sa Nestle Philippines Incorporated na inatasang regular na mag-ulat kaugnay sa ipinatupad na voluntary recall ng mga produkto.
01:09Bukod sa pagwabantay sa kalagayan ng mga bata, hinikayat din ng FDA ang publiko na iulat sa kanila ang mga insidente kaugnay nito.
01:19Noong January 9, inanunsyo ng Nestle Philippines ang voluntary precautionary recall ng ilang batch ng Nan OptiPro at Nan Kid OptiPro
01:28dahil may nadetect na posibleng issue sa kalidad ng isang ingredient mula sa kanilang leading supplier.
01:35Ayon sa website ng Nestle Global, nagpatupad sila ng recall na mga batch ng kanilang mga infant formula sa mahigit 60 bansa at territories na karamihan ay nasa Europa.
01:48Sa bagong pahayag ng Nestle Philippines, sinabi nilang nakikipag-ugnayan sila sa FDA ukol sa mga naiulat na sintomas na posibleng may kinalaman sa mga nirecall na batch ng kanilang mga produkto.
01:59Naiintindihan daw nila ang concern ng mga magulang at prioridad daw nilang matugunan ang kanilang mga pangangailangan at magbigay ng tulong.
02:10Sinimulanan nila ang voluntary recall bilang pag-iingat matapos nilang ma-detect ang mababang level ng hindi nila tinukoy na substance sa isang ingredient mula sa global supplier.
02:22Paglilinaw rin ang Nestle, walang itinakdang food safety thresholds ang health authorities kaugnay ng naturang substance.
02:29Wala pa rin anilang malinaw na datos na nag-uugnay sa epekto nito sa kalusugat.
02:34Sa kabilaan nila ng kawala ng safety at regulatory limits, nagdesisyon silang magsagawa ng voluntary recall.
02:42Patuloy raw silang nakikipagtulungan sa FDA at nagbibigay ng mga kailangang update para masigurong nasusuri ang lahat ng report.
02:52Ito ang unang balita, Athena Imperial para sa GMA Integrated News.
02:58Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended