Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Matapos ng dalawang buwan sa Amerika, umuwi na sa Pilipinas si dating DPWH Secretary Manny Bonoan kaninang umaga.
00:07May Immigration Lookout Bulletin Order para kay Bonoan dahil sa investigasyon sa maanumaliang flood control project.
00:14Dating sinabi ni Senate President Pro Tempore Panfilolaxon na umabot sa mahigit 30 billion pesos ang allocable ni Bonoan sa national budget.
00:23Sinadyarin Ania nitong magbigay ng mali-maling coordinates ng flood control project sa Malacanang.
00:28Lumipad pa Amerika si Bonoan noong Nobyembre para samahan ang asawa na magpa-opera.
00:34December 17 dapat ang uwi niya pero ayon sa kanyang abogado na delay ang operasyon kaya hindi agad nakauwi.
00:41Former Secretary Manny Bonoan po ay dumating ngayong umaga, lima po ng umaga, January 18, nang galing po siya from Taipei.
00:51Siya po ay nasa Immigration Lookout Bulletin natin kaya po ang kanyang pagdating ay nireport po natin pa agad sa Department of Justice.
01:00So far po doon sa ating tala, wala po siyang reported companion na kasama po niyang umuwi.
01:07Kasama niya po ang kanyang spouse na umalis.
01:10Pero ngayon po, nung siya po ay bumalik, wala pong declared and reported na kasama po pa uwi.
01:16Kasama si Bonoan sa labing dalawang sinagpina ng Senate Blue Ribbon Committee para sa pagdinigbukas.
01:23Kabilang din dyan si nadating Congressman Zaldico, COA Commissioner Mario Lipana at dating Deped Yusek Trigiv Olaivar
01:30na mga tumanggap umano ng kickback mula sa flood control projects.
01:34Ayon kay committee member, Sen. Kiko Pangilinan, malaki ang papel ng Blue Ribbon.
01:39Ngayong hindi makapagpatuloy sa trabaho ang Independent Commission for Infrastructure dahil sa kawalan ng quorum.
01:45Matapos magbitiw ni na dating Public Works Secretary Babe Singson at Executive ng SGV na si Rosana Fajardo.
01:52Tip of the iceberg pa lang dahil diba bulakan.
01:56Pero habang hinihiring kasi natin, marami ang mga nagpapadala ng mga text messages.
02:03Tingnan din ninyo yung Cavite, tingnan din ninyo yung Pangasinan.
02:10Parang nasa transition tayo. Wala ng ICI, wala ng quorum.
02:15At hindi naman naipapasa pa itong Independent People's Commission.
02:20Although of course, ang sinasabi ng ibang mga legal experts, nandyan naman talaga yung ombudsman which is in the DOJ.
02:28Kahit daw for later release o hindi kaagad nabigyan ng pondo ang ilang proyekto sa Cabral Files,
02:34kailangan pa rin investigahan.
02:36Lalo't may down payment na umano kahit nasa National Expenditure Program pa lang.
02:40Saan galing yung pera? And most likely, ang ating tansya dyan galing sa mga kontraktor na nag-advance at naniniwalang makukuha nila na yung proyekto dahil rig nga.
02:55Meron pa rin katiwalian. Meron pa rin komisyon at kickback.
03:00Sagot naman ni Pangilinan kay Sen. Aimee Marcos na nagsabing puro senador ang pinupuntirya sa mga anomalya pero walang kongresista.
03:09Inimbitahan silang lahat. I think 17 ang inimbitahan nung hearing. So we can tackle that again bukas.
03:18Hindi dahil nga, well sinasabing hindi namin, hindi binibigyan ng pagkakataon na maipaliwanag itong mga sangkot na kongresista.
03:33Hindi naman din totoo yun dahil nga inimbitahan sila. Hindi sila kumarap.
03:37Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez nakatutok 24 oras.
Comments

Recommended