24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Nasa bansa na ulit si dating PCSO General Manager at Retired Police Colonel Royina Garma matapos i-deport ng Amerika.
00:09Nakatutok si Salima Refran.
00:14Kasama ang ilang escort mula US Immigration dumating sa bansa Sabado ng gabi,
00:19si dating PCSO General Manager at Retired Police Colonel Royina Garma.
00:25Din-eport ng Amerika si Garma pabalik ng Pilipinas.
00:27Siya po'y isang deporte galing sa USA.
00:31At meron po din report sa atin na subject din po siya ng Interpol hit.
00:38So since earlier this year, she was detained po upon her arrival sa USA.
00:46At nag-apply din po siya for asylum.
00:50However, we are still trying to verify and validate kung ano ba talaga ang basis ng pag-deport.
00:57Meron po tayong report na dahil po ito sa pag-deny ng kanyang asylum request.
01:03However, we have not yet gotten any official document to confirm the same.
01:09Nobyembre noong isang taon, umalis si Garma kasama ang anak pa Amerika.
01:13Sa gitna ng mga pagdinig ng House Squad Committee,
01:16kaugnay ng kampanya kontra iligal na droga ng Administrasyong Duterte.
01:20Sinabi niyang inutusan siya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin sa buong bansa
01:26ang Davao model ng drug war.
01:29Nakaalis ng bansa si Garma bago pa naglabas ng ILBO o Immigration Lockout Bulletin Order sa kanyang pamahalaan
01:36at ang paghahain laban sa kanya ng mga reklamong murder at frustrated murder
01:41para sa pagpatay kay dating PCSO Board Secretary Wesley Barayuga.
01:46Dahil walang warrant of arrest kay Garma, malaya siyang nakaalis ng airport
01:51at hindi kinustudiyan ng mga otoridad.
01:54There was a coordination between the immigration services of the United States
01:58at yung immigration din po natin.
02:01We were informed that she is a deportino from the USA
02:04kaya pinosest din natin siya as a Filipino
02:07and was later released by immigration.
02:10Ang abogado ni Garma nakausap sa cellphone ng kliente kagabi.
02:14Sabi ng Department of Justice, makipag-usap sa kanila si Garma.
02:36Bukas daw ang kanilang kagawaraan kung nais itong ihayag
02:38ang kanyang mga nalalaman pa sa pagpatay kay Barayuga at sa drug war.
02:44Kung meron pa po ang ibang personalities na kasama po dito sa kaso na ito,
02:50we hope that she can also give that.
02:53In that case, pwede naman po siyang i-discharge as a state witness
02:56kung meron pa siyang ibang kasama at hindi na siya ang magiging most guilty sa kaso.
03:04Para sa GMA Integrated News, Sanima Refra, nakatutok 24 oras.
03:14Outro

Recommended