Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Isang patay na babae ang nakitang nakasilid sa plastic sa ilalim ng kama sa bataan.
00:06Huli ka naman sa Batangas ang pambubogbog ng Mr. sa kanyang misis dahil umanog sa selos na ikinamatay ng biktima.
00:15Amakrimen sa probinsya sa pagtutok ni Darlene Kai.
00:21Duguan at tila naghihingalo ang babaeng ito nang lumabas sa bahay sa San Jose, Batangas.
00:26Bigla siyang hinatak ng kanyang Mr. na galit na galit at pinagsusuntok siya sa mukha.
00:42Saka umalis ang lalaki na may mga dugo sa damit.
00:46Bago pala nito, pinagsasaksak na niya ang misis sa loob ng bahay.
00:50Sinubukan pang tumayo ng biktima para makatakas.
00:53Pero hindi pa nakalayo na lagutan na siya ng hininga.
00:57Sa imbistigasyon ng pulisya, may matinding pagtatalong mag-asawa.
01:01Selos ang isa sa nakikitang motibo sa krimen.
01:06Ang suspect, nagtago sa isang balon malapit sa kanilang bahay.
01:10Natuntun siya sa tulong ng thermal drone ng pulisya.
01:12Nang maaresto ang lalaki, nang hihina umano siya.
01:16Lumalabas kasing meron siyang diabetes at nagka-seizure pa.
01:19Isinailalim sa hospital arrest ang suspect na maharap sa reklamong pariside.
01:24Sa bataan, isang mabayang natagpo ang nakasilid sa garbage bag na iniwan sa ilalim ng kama.
01:30Tatlong araw na umanong patay bago natagpuan ng mga kaanak ang biktimang 35 anyos na binigti gamit ang kawad ng kuryente.
01:39Tingin ang mga kapatid ng biktima, ang asawa niyang security guard ang may kagagawan.
01:43Nagiwalay po talaga sila dahil yung lalaki ng babae po.
01:47Ang gusto niya mangyari, magkabalikan silang mag-asawa.
01:50Kaya ayaw na po ng kapatid po.
01:52Ibang krasa yung ginawa niya sa kapatid namin.
01:54Brutal yung ginawa niya.
01:56Patuloy na tinutugis ang suspect.
01:59Para sa GMA Integrated News, Darlene Kay, nakatutok 24 oras.
02:05Pista ng Senyor Santo Niño ngayong weekend.
02:08Isa po yan sa mga pinakangrande pagdiriwang ang sinulog sa Cebu.
02:11Kanina, daan-daang sasakem pandagat ang lumahok sa kanilang fluvial procession.
02:16Mula sa Cebu City, nakatutok live si Nico Sereno ng GMA Regional TV.
02:22Pitsenyor, Nico.
02:23Pitsenyor, Ivan.
02:24Sa kamilangan ng banta ng pagulan, maraming mga diboto ang nagtungo sa mga pantalan.
02:30Ubang-abangan ang galyon sa isinigawang fluvial procession hanggang sa reenactment.
02:36Mula sa Naval Forces Central sa Lapu-Lapu City, isinakay sa galyon ang imahen ni Senyor Santo Niño,
02:46pati ng mga imahen ng Birheng Maria at San Jose.
02:50Hudyat ito ng fluvial procession ng imahen ng Santo Niño sa kahabaan ng Mactan Channel kaninang alasais ng umaga.
02:57Sa tala ng PCG, umabot sa 420 registered vessels ang lumahok sa sea procession.
03:04Ang bahagi ng Pier Uno sa Cebu City, puno rin ng mga dibotong naghihintay sa prosesyon sa dagat.
03:11Pagdaan ng prosesyon, nagpugay ang mga diboto at itinaas ang kanikanilang mga imahen ng Santo Niño.
03:19Dumaong sa pantalan ang galyon alas 8 ng umaga.
03:22Mula roon, ibinaba ang mga imahen para iprosisyon patungo sa Basilica Minore del Santo Niño.
03:31Sa dami ng mga diboto sa tabing kalsada, nagsilbing human barricade ang mga polis at mga sundalo.
03:38Binasbasa ni na Cebu Archbishop Alberto Uy at Archbishop Emeritus Jose Palma
03:44ang mga imahen at ipinagdasal ang mga biktima ng binalyo trash slide, pati kanilang mga kaanak.
03:52First time I was so excited and then I saw many people with their faith, very strong, powerful.
04:00We offered Masses already especially yesterday.
04:03It was a day of mourning and we asked all the parishes, the priests to offer their Masses
04:08for the intentions of the victims and their families.
04:11So we continue to hope na may buhay pa. Kung wala na, we surrender everything to God.
04:18Despite the predictions about the typhoon, the forecast, we only have a very perfect weather. Salamat sa Diyos.
04:26We always pray for the repost of the departed and strength of the family.
04:30Alas 9 ng umaga, sinimulan ang re-enactment ng pagtatanim ng unang krus sa Pilipinas,
04:39ang unang binyag, ang unang kasal at ang pagbibigay ng unang imahin ng Santo Niño.
04:46Nagtapos ang re-enactment sa pagsasayaw ng sinulog ng mga deboto.
04:52Ngayong hapon, inilabas sa Basilica ang imahin para iprosisyon sa mga pangunahing kalsada ng Cebu City.
04:58Kabilang sa sumali, ang iba't-ibang organisasyon at mga mag-aaral mula sa iba't-ibang paaralan.
05:05Isa ang solemn procession tuwing bispiras sa pinaka-dinadalukan ng tao tuwing fiesta senior.
05:12Pagkatapos ng procession, ibinalik ang imahin sa Basilica na nagdaraos ng Misa.
05:22Matapos nitong Misa Ivan ay susunod itong traditional religious sinulog
05:27kung saan isasayaw ng mga deboto, maging na mga pari ang kanilang mga panalangin at pasalamat sa Batang Jesus.
05:33Ivan?
05:35Daghang salamat, Nico Sereno ng GMA Regional TV.
05:40Patay ang dalawang taga matnog sorusugon.
05:42Matapos matabunan ang lupa, kasunod na malakas na ulang dala ng Bagyong Ada.
05:47At sa Albay naman, natangay ng ulan ang lumang lahar deposits mula sa Bulkang Mayon.
05:52At mula po sa Legaspi, Albay, nakatutok na si Ian Cruz.
05:57Ian?
05:59Pia, nagdala nga ng matinding pagulan ang Bagyong Ada dito sa Bicol Region.
06:05At dito nga sa Albay ay may mga naitalang pagbaha at pagragasa ng old deposits ng lahar.
06:11At doon naman sa Sorsogon, dalawa katawang nasawi sa naganap na landslide.
06:15Pahirapan ang pagsagip sa dalawang indibidwal na natabunan ng lupa at malaking bato kaninang madaling araw sa matlong sorusugon.
06:28Pero patay na sila ng makuha.
06:30Ayon sa mga otoridad, inabot ng limang oras bago nakuha ang mga katawan.
06:34Ang pagguho ay bunsod ng malakas na ulan sa Sorsogon simula kahapon dahil sa Bagyong Ada.
06:41Napakalawak po ng landslide.
06:44Sa Baras, Catanduanes, hindi madaanan ng isang highway dahil sa kapal ng putik at debris na naanod mula sa bundok.
06:52Isinara muna sa trafiko ang kalsada at naglatag ng alternatibong buta.
06:57Sa bayan naman ng San Miguel, isang spillway ang hindi rin madaanan dahil sa rumagas ang baha.
07:03Sa Virak, kabisera ng Catanduanes, malakas din ang agos ang tubig sa Danikop Spillway.
07:09Isang bus namang tumirik sa gitna ng baha ang pinagtulungang itulak.
07:14Sa bayan ng Karamuan, halos mag-zero visibility dahil sa malakas sa hangin at bulan.
07:20Isang paaralan doon ang pinasok ng baha.
07:22Pati ilang nicho, nasira ng gumuho ang kinatitirik ang lupa.
07:27May mga puntod ring nabuksan at nasira dahil din sa ulan.
07:31Sa San Andres, naglisulang ilog ang bahagi ng isang highway.
07:38Agad nagsagawa ng tulong ang pulisya sa mga dumaraan.
07:42Sa bayan ng Viga, inilikas ang mga residenteng nanindirahan sa high-risk areas.
07:47Patuloy ang isinasagawang pag-responding mga otoridad sa buong Catanduanes.
07:50Sa presentasyon, Kamarinesur, natabunan ng lupa na may kasamang puno ang isang kalsada, bunsod ng landslide.
08:01Isinarado naman ang Salvation Spillway sa Taraga Albay dahil sa malakas sa agos ng tubig.
08:06Hindi na rin madaanan ang Inarado Spillway.
08:13Pwede ng Gutiaw Spillway dahil sa baha.
08:17Ang ginobata ng Mayon Road sa Barangay Masarawag.
08:20Ganito ang sinapit ng tanginang tubig ang Old Lahar Deposits.
08:24Dahil sa malakas sa pagulan dulot ng Bagyong Ada, may puntong hanggang tuhod pa.
08:28Ang baha sa puro kotso.
08:30Pag ganito pong malakas ang ulan, dito po rumaragas ayong tubig na may kasama pong mga ganitong
08:35deposito, mga buhangin na ayon po sa APSIMO o yung kanilang parang PDRRM o dito sa Albay
08:41ay mga lumang lahar deposits.
08:43Dito po yan na pupunta sa Ginobatan, Mayon Road.
08:48At may pagkakataon po na may mga sasakyan dito na patungo doon sa Ligaw City ang nababalahaw.
08:53Mabuti na lang po, may mga bumabalik-balik ng mga residente dito.
08:57Sila po yung tumutulong sa mga nababalahaw ng mga motorista.
09:01Dagdag pahirap sa mga motorista ang naiwang buhangin at mga bato.
09:05Gaya ng truck na ito na napalahaw, ibinagutos agad ng alkal din ang ginobatan ang clearing ng kalsada.
09:16Kita mo naman o, muddy. So talagang dyan pa lang makikita mo na may kasama na po yan na lahar.
09:23Kaya pag ordinary rain na, kaling dito yung ano natin, makita mo clear talaga siya.
09:30Ang dating daanan tungo sa barangay Manila, nawasak na ng lahar.
09:34Pabutit nailikas na ang mga residente bago pa man ito ma-isolate.
09:39Pero ang magsisakang ito, hindi agad nakatawid.
09:42Kanina, nung malakas pa, hindi pa kami katawid kami.
09:46Ngayon, kawa kanina pag ano, minaanon naman yung ba.
09:51O mayanaan na, dito kami tumawid.
09:54Kanina umaga, kahit may mga pagulan,
09:57talawang bulkang mayon sa bahagi ng daraga
09:59at mapapansin ang pagdaloy ng uson sa dalistis nito.
10:02Sa huling tala ng APSIMO,
10:04umaabot ng mahigit 11,000 ang inilikas sa walong lokalidad ng Albay
10:09dahil sa Bagyong Ada.
10:12Pia, sa mga sandaling ito, hindi natin nararamdaman yung mga pagulan
10:21pero bumubugso pa rin yung hangin.
10:23At sabi naman, ng APSIMO ay patuloy nilang minomonitor
10:27kung meron bang nasaktan o napahamak
10:29sa pagdaan ng Bagyong Ada dito sa kanilang lalawigan.
10:33Yan ang latest mula rito sa Albay. Balik sa Yapia.
10:36Ingat kayo dyan at maraming salamat, Ian Cruz.
10:39Alamin naman natin ang latest sa Bagyong Ada
10:44mula kay Amor Larosa ng GMA Itigrated News Weather Center.
10:47Amor.
10:48Salamat, Ivan. Mga kapuso, mas ramdam na ngayon ang pananalasan ng Bagyong Ada
10:54na posibleng magtagal pa sa bansa hanggang sa susunod na linggo.
10:58Sa ngayon po, nakataas ang wind signal number 2 sa eastern portion ng Camarines Norte,
11:03eastern and central portions ng Camarines Sur,
11:06ganun din sa Albay at pati na rin sa Catanduanes.
11:09Wind signal number 1 naman ang nakataas sa southeastern portion ng Isabela, Aurora.
11:14Eastern portion ng Quezon kasama ang Pulido Islands, Marinduque.
11:17Eastern portion ng Roblon, natitirang bahagi ng Camarines Norte,
11:21natitirang bahagi ng Camarines Sur, Sosubon at ganun din ang Masbate.
11:25Kasama rin dito ang northern Samar, northern and central portions ng eastern Samar,
11:30northern at central portions ng Samar, at ganun din ang biliran.
11:34Sa mga nabanggit na lugar, pusili pa rin po makarana sa mga pagbugso ng hangin
11:38na may kasamang mga pag-ulana.
11:40Huling namataan, ito pong sentrum ng Bagyong Ada sa coastal waters ng Pandan,
11:44dyan po sa May Catanduanes.
11:46Taglayang nakas ang hangin na abot sa 85 kilometers per hour
11:49at yung bugso naman ito aabot sa 105 kilometers per hour.
11:53Pahilaga-hilagang kanluran ang kilos ito ngayon sa bilis na 10 kilometers per hour.
11:59Ayon po sa pag-asa, posibleng magtuloy-tuloy yung paglapit nitong Bagyong Ada
12:03dito sa May Southern Luzon.
12:05At kapag medyo mas gumilid pa po yan pa kanluran,
12:08ay pwedeng mag-landfall dito sa bahagi ng Catanduanes.
12:12Mga kapuso, mula bukas, unti-unti na pong liliko itong Bagyong Ada
12:17at gagalaw yan sa looping o paikot po na direksyon.
12:20Iikot yan dito sa dagat.
12:21At posibleng magtagal pa yan hanggang sa Merkoles next week.
12:25May chance rin lumakas ito bilang severe tropical storm.
12:29Pero mga kapuso, sa susunod na linggo,
12:31ay posibleng humina naman yan bilang tropical depression o low pressure area.
12:36Ayon po sa pag-asa, yung galaw at yung lakas kasi
12:38nitong minomonitor nating bagyo
12:40ay na-impluensyahan po ng high pressure area
12:42at malamig na hanging-amihan.
12:45Bukod naman sa pabugsubugsong hangin,
12:47ay magdadal rin po ng mga pag-ulan
12:49yung hanging-amihan at pati na rin yung Bagyong Ada.
12:52Base sa datos ng Metro Weather,
12:53umaga bukas, maulan pa rin ang panahon
12:55dito yan sa Bicol Region,
12:57ilang bahagi ng Quezon Province,
12:59Aurora, Cagayan at pati na rin sa Isabela.
13:02May mga matitinding buhos ng ulan
13:03kaya nandyan pa rin po yung banta
13:05ng mga pagbaha o landslide.
13:07Ganon din yung lahar flow
13:08sa mga lugar na malapit po
13:10sa nagaalburotong bulkang mayon
13:12dyan po sa Albay.
13:13Magpapatuloy yung mga pag-ulan
13:14sa nabanggit na lugar
13:15sa hapon at pati na rin sa gabi
13:17at posibleng magkaroon na rin po
13:19ng mga kalat-kalat na ulan
13:20sa Maisamboanga Peninsula,
13:22dyan rin po sa ilang bahagi ng Barm,
13:24Soxargen at maging sa Davao Region.
13:27Sa iba pang bahagi ng ating bansa,
13:28posibleng rin po yung mga panakanakang ulan.
13:31Sa Metro Manila,
13:31mababa pa ang chance ng ulan sa ngayon
13:33pero maging handa pa rin
13:35sakaling magkaroon po
13:36ng mga biglaang pag-ulan
13:37o localized thunderstorms.
13:40Yan ang latest sa ating panahon.
13:41Ako po si Amor La Rosa
13:43para sa GMA Integrated News Weather Center
13:45maasahan anuman ang panahon.
13:53Positive vibes
13:55ang hatid ng mga fur baby
13:56na nakihalabira
13:57sa dinagyang festival sa Iloilo City.
14:00May sarili din silang
14:02Pets-tival
14:03habang suot ang kanilang dinagyang costumes.
14:07May mga nakaheadress sa aso
14:08at may mga nakasuot pa
14:09ng warrior costumes.
14:12Samantala,
14:12may gagalapin ding pet parade
14:14para sa mga fur baby
14:15sa distrito ng Manduriao
14:16sa January 24.
14:22Matindi man ang iyakan
14:24at bangayan on-screen,
14:25mamimiss pa rin
14:26ng cast
14:26ng GMA Afternoon Prime Series
14:28na Cruz vs Cruz
14:29ang kanilang bonding sa set.
14:31Emosyonal nilang pinanood
14:32ang pinali ng serya
14:33kasama ang kanilang buong team.
14:35Yan ang chika ni Athena Imperial.
14:44Sabay-sabay pinanood
14:45ng cast,
14:46production staff
14:47at crew
14:48ng Cruz vs Cruz
14:49ang pinali
14:50ng GMA Afternoon Prime Series.
14:53Puno pa rin
14:53ang emosyon
14:54ng last episode.
14:55Sa halip na kamuhian
14:56ng viewers
14:57si Hazel Cruz
14:57na ginampanan
14:58ni Primera Contrabida
15:00Gladys Reyes
15:01nang ibabawang awa
15:02sa kanyang karakter.
15:03Ramdam kasi sa pag-arte
15:04ni Gladys
15:05ang sakit
15:05ng pagmamahal
15:06na hindi nasuplian.
15:08Nakakatuwa kasi kami
15:09na ngayon gumawa
15:10na iiyak pa rin kami,
15:12affected pa rin kami.
15:13Ramdam din ang hugot
15:15ni Navina Morales
15:16as Felma Cruz
15:17at Neil Ryan Sese
15:18as Manuel Cruz
15:19na naisap uso na ang roles
15:21dahil sa halos
15:22isang taong pagganap
15:23sa kanilang mga karakter.
15:25Ako very grateful
15:27at saka thankful
15:28na naging part ako
15:29ng show na to.
15:30at sumugal sa akin
15:31ng GMA Network
15:32para ibigay sa akin
15:33yung role
15:33ni Manuel Cruz.
15:35Not all teleseries
15:36na ganitong ka-close
15:37at kasaya.
15:38That's why
15:39isang karangalan
15:41na kasama po ako
15:42sa Cruz vs. Cruz.
15:44Four times a week
15:45ang taping
15:46ng Cruz vs. Cruz
15:47kaya
15:47nasisepang sa lahat
15:49ngayong tapos na ang serye.
15:51Actually lahat
15:52na akalain mong
15:54intimidating at first.
15:55Masaya pala sila,
15:56kalog sila,
15:57sarap kasama,
15:58hindi kami naboboard,
15:59hindi kami napapagod
16:00kasi yung bond eh,
16:02yung fan.
16:03Pagkatapos ng Cruz vs. Cruz,
16:05bibida si Vina
16:06sa Born to Shine
16:08kung saan isa-showcase
16:09ng aktres
16:10ang kanyang singing prowess.
16:11I did a lot of research
16:13and isa na rin yung
16:14maybe
16:15it helps,
16:16it added
16:16because
16:17I have a different look.
16:18Nakita nyo naman,
16:19nakaayos ako,
16:20artista,
16:21singer,
16:22diva.
16:24Athena Imperial
16:25updated
16:25sa Showbiz Happenings.
16:29And that's my chica
16:30this Saturday night.
16:31Ako po si Nelson
16:31Canlas.
16:32Tia,
16:32Ivan.
16:35Thank you, Nelson.
16:36Salamat, Nelson!
16:36Salamat.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended