00:00At tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga residente ng Lalawigan sa Sikihor
00:05na ginagawa ng pamahalaan ng mga hakbang para ma-resolva ang problema sa kuryente sa Lalawigan.
00:12Sinabi ito ng Pangulo sa pagbisita sa Sikihor ngayong umaga.
00:16Kabilang sa mga hakbang, ang inaasahan pagkomisyon ng 2MW modular generator set
00:21mula sa Palawan Electric Cooperative o Paleco
00:24at nauna nang iniutos ni National Electrification Administration o NEA Administrator Antonio Almeda
00:32sa province of Sikihor Electric Cooperative na mag-operate bilang panandaliang hakbang.
00:38Matutugunan ng mga modular gen set ang kakulangan sa supply ng kuryente
00:43habang nagpapatuloy ang pagsasayos ng tatlong nasirang generation units.
00:48Nakipagpulong din ang Pangulo kay Governor Jake Vincent Villa
00:52at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan
00:55upang magbigay ng pangmatagalang solusyon sa lumalaking demand sa supply ng kuryente sa Lalawigan.
01:03Pagkatapos sa Sikihor,
01:05nagtungo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Tacloban City
01:08para inspeksyonin ang San Juanico Bridge
01:11na isa sa ilalim sa rehabilitasyon.
01:15Nauna nang nagdeklara ng State of Calamity ang Pangulo sa Eastern Visayas Region
01:19para mapabilis ang pagsasayos ng San Juanico Bridge.