Skip to playerSkip to main content
-DFA: Walang Pinoy na nasaktan sa mga kilos-protesta sa Iran/Halos 1,900, nasawi sa kilos-protesta sa Iran, ayon sa isang human rights group


-Kasunduan sa pagpapaunlad ng defense technology, pagbawas ng taripa at pagpapaganda sa market access, nilagdaan ng Pilipinas at U.A.E./PBBM, First Lady at Cabinet members, humarap sa Filipino community sa Abu Dhabi


-INTERVIEW: CHRIS PEREZ, ASSISTANT WEATHER SERVICES CHIEF, PAGASA


-Atong Ang at 17 iba pa, ipinaaaresto ng Sta. Cruz, Laguna RTC kaugnay sa kasong kidnapping with homicide; walang inirekomendang piyansa


-Bureau of Immigration, nagbabala sa publiko kaugnay sa paggamit sa pangalan at awtoridad ng ahensya para makapanloko online


-BFP Reg. 7: 17 ang bagong bilang ng patay sa gumuhong landfill/Search, rescue and retrieval operations, patuloy; masamang panahon, dagdag-pahirap sa operasyon/SFO1 Navarro: Mga nade-detect na signs of life, mahirap matiyak kung mula sa tao o hayop


-Malacañang: Dapat ilabas agad ng government agencies ang Anti-Epal guidelines


-Jopay Paguia-Zamora, thankful sa mga nagdarasal sa kanyang paggaling matapos maospital/"House of Lies" star Kris Bernal at Sexbomb Aira Bermudez, hataw sa kanilang dance collab/Sexbomb, hahataw uli sa "All-Out Sundays" stage sa Jan.18


-Alden Richards at Nadine Lustre, magtatambal for the first time sa romance-drama series na "Love, Siargao"


Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00May nilagdaang mga kasunduan ang Pilipinas at United Arab Emirates sa larangan ng kalakalan,
00:06defensa at sustainable development.
00:09Pinirmahan ang mga yan kasabay ng working visit doon ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:14Kabilang sa mga nasabing kasunduan,
00:16ang Memorandum of Understanding on Defense Cooperation,
00:19na layong paunla rin ang defense technology ng dalawang bansa.
00:23Nilagdaan din ang Comprehensive Economic Partnership Agreement
00:26sa pagitan ng Pilipinas at ng UAE.
00:29Layon itong bawasan ang taripa, paluwagin ang market access at daloy ng pamumuhunan.
00:36Ayon sa Malacanang, ito ang unang free trade agreement ng Pilipinas sa isang Middle Eastern country.
00:42Kasama ng Pangulo sa kanyang working visit si First Lady Lisa Araneta Marcos
00:47at ilang miyembro ng kanyang gabinete.
00:50Kabilang sa sideline activities nila, ang pagbisita sa Filipino community sa Abu Dhabi.
00:59Update po tayo sa lagay ng panahon ngayong isa ng bagyo ang binabantayang LPA.
01:06Kausapin po natin si Pag-asa Assistant Weather Services Chief Chris Perez.
01:11Magandang umaga at welcome po sa Balitang Halit.
01:14Magandang umaga po Miss Connie at sa lahat po ng ating mga taga-subaybay.
01:18Saan mga lugar, sir, ang inaasahang maapektuhan kaya ng Bagyong Ada?
01:24Generally, kung titignan po natin yung forecast track o yung pagtaya natin ng pagkidos ng bagyo sa loob ng tatlong-limang araw,
01:32posibleng mapuruhan ng mga pagulan, mga paghangin.
01:35Itong silangang bahagi ng Visayas, in particular Eastern Visayas area,
01:41maging itong Karaga at ilang bahagi ng Davao Region at maging ilang bahagi po ng Bicol Region.
01:46Sa ngayon, may nakataan tayong mga wind signal nga dito sa Summer Provinces, Surigao Provinces,
01:52at sa Dinagat Island at sa Ampa po na posibleng madagdagan yung mga lalawigan
01:57na may wind signal sa mga susunod nating issue at sa tropical cyclone bulletin.
02:01Inaasahan ho ba natin magla-landfall ito at kung sakali, saan ho kayang lugar?
02:07Well, Connie, kung titignan natin yung forecast track,
02:11ay hindi natin ito inaasahang magla-landfall.
02:14Pero kung titignan po natin yung area of probability na tinatawag,
02:18ay hindi pa rin natin nirurule out yung possibility na posibleng tumama ito
02:22dito sa may bandang southern Leyte area or anywhere over the eastern Visayas area
02:30or the southern part of Bicol Region sa mga susunod na araw.
02:34Kasi malawak po yung tinatawag nating area of probability.
02:37Kaya ngayon pa lamang po, pinapayod na natin yung mga kababayan natin
02:40dito nga sa Bicol Region, sa eastern Visayas,
02:42ito nating sa Karaga na patuloy na mag-monitor sa update natin regarding tropical depression, Ada.
02:49Opo. At particular na sa Kabikulan, yung pinapangambahan po,
02:52yung lahar eh. Diba? Lahar flow, mud flow.
02:55Ano ho ba ang koordinasyon na dapat na ginagawa na ngayon?
02:58Well, una-una po sa panig ng pag-asa, patuloy po kaming nagkakaroon ng mga MEET, MC,
03:06and other government agencies na partner natin sa disaster preparedness and mitigation.
03:11And then of course, in particular sa Bicol Region,
03:14doon po sa lugar na apektado sa kasalukuyan ng pagpotok or yung activity ng Mayon Volcano,
03:22dapat din po patuloy ng pagpag-ugnayan sa kanilang local government,
03:25local disaster reduction managers, para po sa continuous disaster preparedness and mitigation,
03:30lalong-lalong na may inaasahan nga tayong posibleng epekto ng bagyo sa kanilang lugar sa mga darating na araw.
03:35Opo. At sa bahagi rin, ito pong gumuhong landfill dyan sa barangay Binaliw sa Cebu,
03:41may inaasahan din po ba tayo mga pag-uulan doon?
03:43Maapekto rin, maapektohan po kaya yung search and rescue pa rin na ginagawa ngayon doon?
03:50Kung ditingnan po kasi natin yung area probability,
03:52may chance na lumagpas pa ito sa landmass ng Eastern Visayas at bumaybay dito sa Central Visayas area.
04:00Kaya andun din yung abiso natin dito sa mga kababayan natin sa Central Visayas,
04:05pati yung ating pagkasa Regional Service Division,
04:08sinimula na pong magpag-ugnayan sa provincial disaster reduction managing officers
04:13and then with the LGUs para po sa disaster preparedness and mitigation dyan sa Cebu area.
04:18Opo. At kanina po, ano sa ating monitoring, nasa 44 kilometers per hour po ito.
04:24Pero sabi nga, maaari pang lumakas ito pong bagyong itong Ada habang nasa karagatan pa.
04:30Ano ba ang latest natin ngayon sa lakas po nitong bagyong ito?
04:34Sa ngayon, tropical depression category pa lang itong si Ada.
04:38Ang lakas ng hangin, 45 kilometers per hour.
04:40Malapit sa gitna, ang pagbugso abot ng 55 kilometers per hour.
04:44Ngayon, in the next 24 hours, hindi natin niro-rule out na posibleng pang lumakas ito
04:49at maging isang tropical storm category na bagyo
04:52abang patuloy itong lumalapit dito nga sa kalupan ng Eastern Visayas at Bicol Region Area.
04:57Kaya yung mga binanggit natin ngayon ng may tropical cyclone wind signal number one,
05:01buwod sa posibleng madagdagan,
05:03ay posibleng rin tayong magtaas pa ng mga wind signal sa ilang lugar sa mga susunod nating issuance.
05:07Dagdag pa po dyan, yung weather advisory natin patungkol sa pagulan na dala nito,
05:12posibleng yung nakararaming bahagi nga ng Bicol Region,
05:16ilang bahagi po ng Caraga at Northern Mindanao
05:20ang magkaroon ng forecast rainfall na pwede magdulot ng mga pagba at paghuhu ng lupa.
05:25Alright. Marami pong salamat, Sir, sa inyo pong update sa amin.
05:29Marami salamat din pag. Magandang araw.
05:31Yan po naman si Pag-asa Assistant Weather Services Chief, Chris Perez.
05:34Mainit na balita, ipinaaresto ng Santa Cruz Laguna Regional Trial Court Branch 26
05:44ang negosyanteng si Atong Ang kaugnay sa pagkawala ng mga sabongero
05:48para po yan sa kasong kidnapping with homicide.
05:52Ipinaaresto rin ang korte ang labing pitong kapwa akusado sa kaso.
05:56Non-bailable o hindi po pwedeng magpiansa si Ang at ang iba pang mga pinaaresto sa naturang kaso.
06:03Bukod po sa kasong kidnapping with homicide, haharap din ang mga akusado sa kasong serious illegal detention.
06:10Sinisikap pong kunin ang pahayag ni Ang at iba pang akusado.
06:14Dati ng itinanggi ni Ang na may kinalaman siya sa pagkawala ng mga sabongero.
06:21At kaugnay naman po sa inilabas na arrest warrant sa negosyanteng si Atong Ang ng Santa Cruz Laguna RTC,
06:27sinabi po ng kanyang abogado na si Atty. Gabriel Villarreal na bigyan siya ng oras para i-review muna ang mga ito.
06:35Sinusubukan pang kunin ang pahayag ng labing pitong iba pang akusado.
06:41Nagbabala ang Bureau of Immigration sa publiko kaugnay sa panggagamit sa pangalan at otoridad ng ahensya para makapanloko online.
06:50Ayon sa BI, nakatanggap sila ng walk-in inquiry mula sa isang babae na nagpapa-verify ng email na ipinadala umano ng ahensya.
06:59Kaugnay po yan sa isang package na ipinadala mula abroad ng kanyang nobyong foreigner.
07:04Base sa email, hinarang yun ng Ministry of Interior ng Bureau of Immigration dahil may kailangan pang bayaran bago ito i-release.
07:12Mga kapuso, hindi po ito totoo dahil isa itong uri ng love scam.
07:17Paalala ng ahensya, hindi nag-ooperate sa ilalim ng Ministry of Interior ang BI.
07:24Hindi rin sila nanghaharang o nangongolekta ng anumang bayad para sa packages.
07:29Inendorso na nila ang insidente sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center at National Bureau of Investigation Cybercrime Division para i-bisigahan.
07:39Mainit na balita na dagdagan pa po ang bilang ng mga nasawi sa pagguho po yan ng landfill sa Cebu City.
07:52Detalyo tayo sa ulat on the spot ni Marise O'Malley.
07:56Marise?
07:56Conny, narito tayo ngayon sa isang bahagi ng paanan ng Binalio Landfill kung saan nangyari nga yung pagguho ng bundok ng basura noong January 8.
08:10At itong nakikita ninyo sa aking gilid ay yung mga debris na nakuha na mula dun sa pinangyarihan ng guho.
08:18Kung makikita ninyo talagang napakalalaking mga bakal at mga metal no yung mga nakuha dun.
08:24Kaya dito makikita kung gaano raw kahirap yung isinasagawang operasyon.
08:29At wala pa rin patid yung operation na ginagawa nila katunayan 24 oras yung search, rescue and retrieval operations na yung sinasagawa po
08:38ng mga iba't ibang mga tauha ng government agencies.
08:43At as of 10-28 ngayon nga ng January 14, 2026, nasa kabuho ang bilang ng mga biktima na 48,
08:51nasa labing pito na po ang nare-recover na bangkay, labing dalawa ang sugatan, labing siyampa ang pinagahanap
08:58at ongoing po yung pag-identify dun sa tatlo.
09:01Kasi yung tatlong huling labi na recover ay beyond recognition na raw.
09:08In nilarawan ng Bureau of Fire Protection Special Rescue Force kung gaano nga kateknikal at kahirap yung search, rescue and retrieval operations nila.
09:16Nangangailangan nito ng specialized equipment at iba't ibang mga expertise dal sa haluhalong debris.
09:21Gaya nga po ng pinakita ko sa inyo kanina dito sa aking gilid, malalaking mga bakal steel beams
09:26ang kailangan nilang linisin o i-clear muna bago may ahon yung mga bangkay o yung mga tabunan na nga po
09:36ng mga basura at kung ano-ano pang mga debris.
09:40At lalo na raw pinahihirap ito na nga minsan pagsama ng panahon yung operasyon nila
09:46matapos yung mga pag-ulan na nagdulot ng putik at pagpasok din ng tubig sa loob ng landfill
09:51na maaaring magdulot ng karagdagang panganib.
09:54Napakadelikado rin daw po ng sitwasyon, hindi lamang dahil sa bigat at laki ng mga bakal na kailangan putulin bago alisin
09:59kundi dahil din sa banta sa kalusugan ng mga rescuer.
10:03Nilagyan na nga raw po nila ng lime yung lugar upang mabawasan ang mabahong amoy
10:07at maiwasan yung respiratory at biological hazards.
10:10Sa kabila ng paggamit ng life-detecting equipment, sinabi ni SFO-1 for Alberta Navarro
10:16na mahirap matiyak kung ang mga nadedetect na signs of life ay mula sa tao o hayop tulad ng daga at pusa.
10:24Ginagawa raw ng mga otoridad ng lahat, ng kanilang mga kaya,
10:27gamit-gamit yung kanilang mga heavy equipment at iba pang mga available resources
10:31para mahanap pa yung labing siyam na nawawala pa.
10:34So yan muna ang latest na sitwasyon mula pa rin dito sa Binalio Landfill, dito po sa Cebu City.
10:41Balik sa iyo, Connie.
10:42Maraming salamat, Mariz Umali.
10:44Samantala, gusto ni Pangulong Bombo Marcos na maglabas na agad ng anti-EPAL guidelines
10:51ang iba't-ibang kagawaran at ahensya ng gobyerno.
10:54Sabi ng Malacanang, ito'y para hindi magamit sa politika ang mga proyektong galing sa pondo ng bayan,
11:00alinsunod sa 2026 General Appropriations Act.
11:03Sabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian, hindi niya papupuntahin ang social workers
11:09at ipatitigil niya ang pamamahagi ng ayuda kung may politiko sa distribution site.
11:16Binigyang diin naman ni DILG Secretary John Vic Remulia ang kasama sa mga bawal,
11:21tulad ng paglalagay ng larawan, pangalan o logo ng mga politiko sa mga proyekto ng gobyerno.
11:28Ang pwede lamang ilagay ay ang mga detalya gaya ng pangalan ng proyekto, kontratista,
11:35petra kung kailan nagsimula at matatapos at kung magkano ito.
11:39Hinihikayat din ni Remulia ang publiko na isumbong sa DILG ang mga politikong lalabag dyan.
11:46Maari daw masuspindi o maharap sa reklamo sa ombudsman ang mga politikong gagawa niyan.
11:58Nagpasalamat si sexbomb Jopay Pagya Zamora sa mga nagdadasal para sa kanyang paggalin.
12:05Kamakailan na ospital si Jopay. Matapos siyang mabagsakan ng tiles ng CR sa ulo at likod.
12:12Kinailangan niyang magpa-City scan at MRI. Pinayuan siya ng doktor na magpahinga muna.
12:17Itinodo ni House of Life star Chris Bernal ang paghata with sexbomb Ira Bermudes sa kanilang dance collab.
12:30Sabi ni Chris, pinalaki siya ng sexbomb at masayang naka-collab si Ira na idol daw niya.
12:36Hirit ng netizens, pasado at pwede raw i-recruit ng sexbomb si Chris.
12:41This coming Sunday naman, abangan ng pangmalakasang performance ng sexbomb sa All Out Sundays.
12:48Chika sa inyong maari ng OG P-Pop Girl Group, thankful sila sa overwhelming support at love ng fans.
12:55Patunay raw ang kanilang reunion concert na umabot na ng round 3, 4 to 5 sa February.
13:01Noong kabadong-kabado dahil feeling namin baka wala nang sumusuporta sa amin, wala nang manonood.
13:17Ngayon, kinakabahan na kami sa sobrang andami-daming sumusuporta.
13:23Hindi namin alam kung matutungbasan ba namin.
13:25Oo nga.
13:25For the first time, magtatambal si Asia's multimedia star Alden Richards at si Philippines multimedia princess Nadine Lustre.
13:38Para yan sa upcoming Vue original series na Love, Siargao.
13:42Makakasama rin sa romance drama ang Korean actor na si Chek Bomin.
13:47Ang serya yung tatalakay sa tinatawag na Siargao Curse ay project ng Vue with Viva and GMA.
13:54Sa announcement ng serye, present si Alden at Nadine.
13:59Full support naman ang executives ng tatlong industry giants at production heads
14:04sa pangunguna ni na Vicente Alejandro Siquia, country manager of U-Philippines,
14:10Vincent Del Rosario, president and COO ng Viva Communications Incorporated,
14:15at attorney Annette Gozon Valdez, senior vice president ng GMA Network Incorporated.
14:22Mapapanood ang 26 episode na Love, Siargao, simula sa second quarter ng taon.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended