Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Update na po tayo sa Bulcang Mayon at live mula sa Daraga Albay, may ulat on the spot si Ian Cruz.
00:07Ian?
00:11Yes, Connie, sa mga sandaling ito ay nakikita natin na natatakpan na naman ng ulap yung tuktok ng Bulcang Mayon.
00:19Hindi katulad, kanina nga mas maaga pa na talagang kitang kita ang kabuoan nitong bulkan.
00:25Kaya naman tanaw na tanaw din yung tinatawag na almost perfect shape nito.
00:30At kanina nga, Connie, ay may usok pa na lumalabas doon sa tuktok nga nitong bulkan.
00:37At sa abiso ng NDRRMC, patuloy nga na pinakiingat ang publiko sa pag-agos ng uson at rockfall dulot umano ng pagguho ng lava dome ng bulkan.
00:47Kagabi, pasada na 9.30 ng mamataan, aktividad ng bulkan, ang mahawi ang tumatakip na ulap kung saan nga kitang kita ang usok sa tuktok pati ng pag-agos ng uson sa dalisdis ng bulkan.
00:59Connie, nananatili sa alert level 3 ang status ng bulkan sa nakalipas na 24 hours.
01:05Kabilang sa mataas na aktividad nito, ang pagbuga ng lava dome at lava flow.
01:09Nakapagtala rin ng dalawang volcanic earthquakes, 209 rockfall events at 46 na pyroclastic density currents o uson.
01:17Nasa 1,387 tons naman ang inilabas na sulfur dioxide o asupre.
01:23Nagpapatuloy din ang pamamaga ng bulkan kaya naman naghahanda na ang mga LGU na walang evacuee ngayon.
01:30Pero darami ang kanilang evacuee kapag inakyat na sa alert level 4 ang status ng bulkan.
01:36Kagaya na lamang doon sa Santo Domingo na inaasahang papalo sa 10,000 kataong kailangang ilikas kapag kailangan ng alisin sa 7 to 8 km radius o ang extended danger zone ang mga tao.
01:49Aminado nga ang administrator ng bayan na si Arnel Teodoro na hindi ganun karami ang sasakyan nilang pwedeng gamitin sa paglikas sa mga tao.
01:56Pero may handa naman daw umalalay sa kanila gaya ng mga line agencies na kapaloob sa Disaster and Risk Reduction Council ng buong Albay.
02:04Anim na paralan ang inihahanda nila para maging temporary evacuation.
02:08Pero sa mga tinatawag na mga taga Santo Domingo na ranso, yung parang kubol ang magiging temporary housing ng mga evacuees.
02:16At ayon nga sa isa sa mga nagpapatayo ng ranso na si Erline Balunso, nagkahanda na sila para kung mag-alert level 4 ay may matitirahan agad sila sa kanilang kagyat na paglikas.
02:29Pagkawaman koni ng mga lilikas ang ranso, ang iba pang pangailangan ay sagot na raw ng munisipyo.
02:34Ayon kay Mart Ian Shapno, ang MDRRMO officer ng Santo Domingo, Albay, bukod sa ayun ng pagkain, maglalagay din ng tubig at kuryente ang munisipyo para sa mga ranso.
02:45Gaya nga doon sa Barangay San Andres.
02:49So yan, Connie, ang latest mula rito sa Albay, Connie.
02:53Ian, papaano pinaghahandaan ng mga taga-Albay yung posibleng epekto roon ng Bagyong Ada?
03:02Well, Connie, ang huli nating komunikasyon kay Governor Noel Rosal ng Albay,
03:07ang sinasabi niya sa atin ay talagang minomonitor nilang maigi itong bagyo.
03:12Dahil nga siyempre, Connie, may magiging matinding epekto kung dito sa aktividad din ng vulkan itong pagdaan ng bagyo.
03:21Dahil maaring magkaroon o mag-trigger ng lahar flow yung malakas na ulan.
03:27Dahil nga maraming deposits ng mga volcanic materials at pyroclastic materials doon sa dalisdis ng vulkan.
03:33Hindi lamang sa aktividad ngayon, maging doon din sa naging aktividad nga nitong Mayon Volcano noong 2023 at noong 2018, Connie.
03:44Alright, maraming salamat.
03:46At Ian, sabi mo nga yung mga binabantayan na mga lugar pa sa Albay,
03:53yung pag-agos ng lahar particularly, yun yung talagang medyo matindi-tindi dyan e, hindi ba, Ian?
03:57Yes, Connie, talagang matindi ang bantanang lahara.
04:04Connie, kung maging intense yung pag-ulan, nagiging dulot halimbawa ng mga bagyo,
04:10e talagang delikado ito dahil bukod nga doon sa sinasabing mud flow,
04:15dahil sa bilis nito, Connie, minsan or kadalasan ay meron din itong kasamang mga boulders, may mga bato.
04:22Kaya kapag may mga structure natin naman, siguradong masisira.
04:26Ang kagandahan naman talaga dito sa Albay, yung 6km permanent danger zone nila e talagang halos wala ng tao.
04:34Doon nga sa last na count ay nasa 4,000 individuals yung naialis.
04:38And ang problema nga, doon may mga tao sa 7 to 8 extended danger zone.
04:44So, iyan talaga yung minomonitor ng probinsya at ng mga LGU dahil dito sa kinaroonan natin,
04:51sa daraga, sa ginobatan, sa Kamalig, iyan yung mga area kung saan nag-run off itong mga tubig
04:57mula doon sa dalistis nga ng vulkan.
04:59So, iyan ang kailangang bantayang maigi at yung iba pang mga daluyan ng tubig.
05:03Oo, iyan pa ulit lamang kung mga nabanggit na ba ang governor ng, at dyan sa Kamalig particularly,
05:11yung mga tao daw, mga nasa evacuation centers, e syempre madadagdagan yan.
05:17Ilan pa yung sinasabing total over the weekend pagka talagang tumama ng malakas na ulan dyan sa Albay?
05:24Yes, Connie, right now, ina-assess pa nila kung ang sinabi ni Governor Rosal ay tinitingnan pa nila
05:35kung talaga bang magiging malakas itong magiging epekto sa kanila.
05:39And then, from then on, iyaayos nila kung paano nga yung mga tao pa na kailangang i-alist doon sa mga area,
05:48lalo na yung malalapit doon sa mga waterways o yung mga tinatawag dito na mga gullies.
05:53Ah, yun, Connie, ang magiging concentration nila kapag talagang nakita at base rin sa assessment ng NDRRMC
06:00at ng iba pang ahensya ng gobyerno kung merong intense rain na maidudulot ang parating na bagyo dito sa kanilang lugar.
06:09Pero at the same time, Connie, talagang naghahanda din sila doon sa possible hazard
06:14kung sakasakaling iakit sa alert level 4 itong bulkang mayon dahil hindi naman makakaapekto
06:21yung parating na bagyo doon sa activity ng bulkang mayon dahil independent yung nangyayari sa bulkan
06:27doon sa parating na bagyo.
06:29So, yun, Connie, ang mas malaking evacuation na inihahanda nila
06:33dahil around 70,000 nakaragdagang mga individual yung maaring i-evacuate
06:40kapag inihakit sa alert level 4 yung alerto ng bulkang mayon, Connie.
Be the first to comment