Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Kinansila ng Department of Energy ang kontrata ng Solar Energy Company na pag-aari ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste dahil umano sa mga paglabag, sabi ni Leviste.
00:11Sasagutin niya ito pati ang iba pang isyong ibinabato sa kanya sa muling pagbubukas ng kongreso sa January 26.
00:17May unang balita si Tina Panganiban Perez.
00:20Dahil bigong maideliver ang commitment na halos 12,000 megawatts na power supply, kinansila ng Department of Energy ang mga kontrata para rito ng Solar Philippines Power Project Holdings,
00:36kumpanyang itinatag ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste.
00:41Ang kanselasyon, bahagi ng mas malawak na paglilinis daw ng DOE sa mga hindi natutupad na kontrata.
00:48Sa isang mensahe sa GMA Integrated News, sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na mga lehitimo at seryosong investors lamang ang gusto nila sa energy sector.
01:00Kaya kinansila nila ang mga kontratang aabot sa 17,000 megawatts ng renewable energy, kabilang ang sa Solar Philippines.
01:09Ayon kay Garin, ilang beses silang nagpadala ng show cost orders at iba pa, pero wala raw silang nakuhang tugon sa Solar Philippines.
01:18Pinagmumulta sila ng tinatayang 24 billion pesos.
01:22Dagdag ni Garin, ang kanselasyon ay base lamang sa discipline, performance at pagpapatupad ng kanilang contractual obligations.
01:32Pagsunodan niya ito sa integridad ng mga kontrata at pananagutan sa publiko at hindi dahil sa politika.
01:39Ayon pa sa kalihib, posibleng kulangin na ang reserbang kuryente sa hinaharap at hindi mangyayari ang inaasahan sa nang pagbaba ng presyo ng kuryente.
01:50Hininga namin ang reaksyon si Leviste at ang Solar Philippines, ngunit wala pa silang tugon.
01:55Tungkol naman sa umano'y pagbebenta ng shares ng kumpanya ni Leviste ng walang pasabi at pagpayag ng kamera na nagbigay ng prangkisa nito,
02:05sinabi ng isang vice chairperson ng House Committee on Legislative Franchises na iimbestigahan ng kumite ang issue kung may maghahain ang resolusyon.
02:15Sir, kailangan kong may reso, hindi po pwede mo ito.
02:19Well, first, let me just say it's my first term as a congressman.
02:24From my understanding, there has to be some kind of resolution because that's the formal way of actually bringing it to the attention of the committee.
02:32Kamakailan, sinabi ng kongresista na magbibigay siya ng dalawang linggo para sabihin na na mga tao ang lahat tungkol sa kanya,
02:40sa kanya ito sasagutin sa pagbubukas ng kongreso sa January 26.
02:46Ito ang unang balita. Tina Panganiban Perez para sa GMA Integrated News.
02:52Gusto mo bang maauna sa mga balita?
02:54Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube at tumutok sa unang balita.
Be the first to comment