00:00Pinagmumulta ng Department of Energy ng 24 billion piso ang Solar Philippines Power Projects Holding.
00:07Yan po ang kumpanyang itinatag ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste.
00:12Dahil umano yan sa kabiguan ng kumpanya na tuparihin ng mga kontrata.
00:17Saksi, si Tina Panginiban Perez.
00:22Dahil bigong maideliver ang commitment na halos 12,000 megawatts na power supply,
00:28kinansila ng Department of Energy ang mga kontrata para rito ng Solar Philippines Power Project Holdings,
00:35kumpanyang itinatag ni Batangas 1st District Representative Leandro Leviste.
00:41Ang kanselasyon, bahagi ng mas malawak na paglilinis daw ng DOE sa mga hindi natutupad na kontrata.
00:48Sa isang mensahe sa GMA Integrated News,
00:51sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na mga lehitimo at seryosong investors lamang ang gusto nila sa energy sector.
01:00Kaya kinansila nila ang mga kontratang aabot sa 17,000 megawatts ng renewable energy,
01:06kabilang ang sa Solar Philippines.
01:09Ayon kay Garin, ilang beses silang nagpadala ng show cost orders at iba pa,
01:14pero wala raw silang nakuhang tugon sa Solar Philippines.
01:17Pinagmumulta sila ng tinatayang 24 billion pesos.
01:22Dagdag ni Garin, ang kanselasyon ay base lamang sa discipline, performance at pagpapatupad ng kanilang contractual obligations.
01:31Pagsunodan niya ito sa integridad ng mga kontrata at pananagutan sa publiko at hindi dahil sa politika.
01:38Ayon pa sa kalihib, posibleng kulangin na ang reserbang kuryente sa hinaharap
01:44at hindi mangyayari ang inaasahan sanang pagbaba ng presyo ng kuryente.
01:49Hininga namin ang reaksyon si Leviste at ang Solar Philippines,
01:53ngunit wala pa silang tugon.
01:55Tungkol naman sa umano'y pagbebenta ng shares ng kumpanya ni Leviste
01:59ng walang pasabi at pagpayag ng Kamara na nagbigay ng frankisa nito,
02:04sinabi ng isang vice chairperson ng House Committee on Legislative Franchises
02:09na i-investigahan ng kumite ang issue kung may maghahain ang resolusyon.
02:14Sir, kailangan kong may reso, hindi po pwede mo.
02:17Well, first, let me just say it's my first term as a congressman.
02:23From my understanding, there has to be some kind of resolution
02:26because that's the formal way of actually bringing it to the attention of the committee.
02:31Kamakailan, sinabi ng kongresista na magbibigay siya ng dalawang linggo
02:35para sabihin na na mga tao ang lahat tungkol sa kanya,
02:39sa kanya ito sasagutin sa pagbubukas ng kongreso sa January 26.
02:44Para sa GMA Integrated News, ako si Tina Panganiban Perez, ang inyong saksi.