00:00Arastado ang isang lalaki matapos magnakaw umano sa isang auto shop sa Marikina.
00:05Sa kabilang barangay, hinuli rin ang isa pang lalaki na nagnakaw din umano sa isa naman ang kondo unit.
00:11May unang balita si EJ Gomez.
00:17Nakaupo at nakaposas. Ang lalaking yan matapos arestuhin ang polis siya
00:22dahil sa panluloob umano sa isang condominium unit sa barangay Santo Niño sa Marikina City nitong linggo.
00:28Sakay ng motorsiklo ang sospek, nang direk-diretsyo lang daw pumasok sa gate ng kondo.
00:34Nagpatay mali siya na hindi niya talaga nag-stop dun sa guard natin para magpacheck.
00:40Kaya itong mga guard natin, immediately sinundan nila yung lalaki na damaridiretsyo dun sa second floor.
00:48Base sa investigasyon, pwersahan daw sinira ng sospek ang pintuan
00:52para makapasok sa isa sa mga unit sa ikalawang palapag ng gusali.
00:56Pagmamayari daw ito ng 64 anyos na dentista.
01:00Wala pong tao dun sa lugar, kaya talagang ginamitan niya ito ng screw para mabuksan may pwersa talaga.
01:08Kaya dun na siya nakita nung palabas na po siya sa isang room.
01:11At yun nga po may bit-bit siya na ecobag na may mga laman.
01:14Wala siyang may pakita ang mga ID o pagkahilanlan na siya ay residente dun.
01:18Na kumpis ka sa sospek ang isang airsoft pistol at airsoft gas canister.
01:24Gayun din ang isang patalim at ginamit na screwdriver.
01:27Na-recover din sa kanya ang mga ninakaw na items na abot sa mahigit labimpitong libong piso ang halaga.
01:33Kabilang ang ilang gadget, pati portable hand at neck fan.
01:37Sasampahan siya ng reklamong robbery.
01:40Magbabayaran ko na lang po kasi naan lang ko.
01:42Napag-alaman ng Marikina Police na ang motorsiklong ginamit ng sospek, nakaw din pala.
01:48Pagmamayari daw ito ng isang taga-Quezon City at ninakaw ito nito lang Desyembre ayon sa pulisya.
01:54Ginamit din umano ang motorsiklo sa isang insidente ng pagnanakaw sa Paranaque.
01:59Wala siyang pahayag kaugnay niyan.
02:02Sa records ng pulisya, nakulong na ang sospek noong 2023 at 2024
02:06dahil sa robbery at kasong paglabag sa Motorcycle Crime Act.
02:10Isang lalaki ang inaresto rin ng pulisya dahil sa pagnanakaw umano
02:15sa isang auto shop sa barangay Marikina Heights nitong linggo.
02:19At dito nga po ay bigla niyang kinuha na walang pasentabe sa mga may-ari
02:26ang isang car battery po.
02:31Nakita po siya ng isang katiwala dun sa lugar.
02:34Na-recover sa sospek ang ninakaw na baterya na halos 3,000 piso ang halaga.
02:40Itinanggi ni Alias Josh ang pagnanakaw.
02:43Hinihintay lang daw niya noon ang kanyang mga kaibigan malapit sa auto shop
02:47para maglaro ng basketball.
02:49Aniya, pinagbibintangan lang siya.
02:52Hindi ko po talaga nagawa yun.
02:54Siguro ba may galit sa inyo, ma'am, nagkakomplain po.
02:59Ma'am, bigla po dumating yung tatlong kasamahan nila, ma'am.
03:02Tapos bigla ako po yung tinuturo nila na kumuha po ng battery doon.
03:07Naharap sa reklamong theft ang sospek na nakadetain sa custodial facility
03:12ng Marikina City Police Station.
03:14Ito ang unang balita.
03:17EJ Gomez para sa GMA Integrated News.
Comments