00:00Bagong damit, reloz at bracelet, pati na brand new cellphone.
00:08Ang ating mga kapuso, kanya-kanyang flex sa social media ng mga regalo at reward na nakuha nila nitong nagdaang holiday season.
00:20Pero kung ang iba, personal na gamit ang ibinabandera sa kanilang social media,
00:25ibahin nyo raw itong si Christine ng Davao Oriental dahil ang kanyang entry sa Lapagan Challenge.
00:35Ang brand new refrigerator na ito, nakauna-unahang ref daw ng kanilang pamilya.
00:40Naisipan ko lang pong bumili ng ref kasi para kapag meron pong mga tirang pagkain,
00:53hindi na po namin kailangan pumunta pa sa kapitbahay para makilagay ng pagkain.
01:00Isa lang daw kasi ang pinakamimithimithi ng pamilya, ang magkaroon ng sariling refrigerator.
01:05Kahit daw kasi ang kanyang mga magulang, ni hindi raw nakabilo noon ang refrigerator.
01:11Diligid siya kayo i-priority pero okig yun na akarep.
01:16Nisa hinagap daw, hindi na umaasa pa si Nanay Gina Lynn na makapagpupundar pa sila ng refrigerator.
01:24Lalo na't ang kanilang kinikita sa pagsasaka, e madalas kulang pa sa sapat para sa pitong miyembro ng pamilya.
01:30Sa panginggamot, sa pagpanguma, pagbuhi o mga manok, baboy, para matusto sana ang ilang mga panginang lalabi na gilid sa pag-eskwela karoon ng mga panahon.
01:41Sina Christine, lumaki raw na palagi lang nakikilagay kung may tirang pagkain sa refrigerator ng kanilang mga kapitbahay.
01:49Minsan po nakakahiya kasi lalo na pa balik-balik po kami pumunta doon para makilagay ng pagkain.
01:56Ang lagi nilang daw iniisip ni Christine, palang araw. Magkakaroon din sila ng pinapangarap na refrigerator.
02:05Isa po yun at marami pa po ang ibang mga bagay na nagpigay po sa akin ng motivation para magpatuloy at magtapos sa pag-aaral.
02:14Pero wala man daw silang sariling ref, ang mithiin ng mga magulang ni Christine na mapagtapos silang magkakapatid sa pag-aaral,
02:22hindi kailanman nanlamig. Kaya todo kayod at pagpupursigin sila para sa inaasam na diploma.
02:30Malami po silang ginawang racket. Yung papa ko po, nag-drive po siya ng tricycad sa Davao.
02:35Minto po siya noong nag-pandemic kasi umuwi po kami dito sa probinsya. Tapos noon po, nagsasaka na lang po siya.
02:44Dahil na rin sa pinagsanib na sipag at syaga ng kanyang mga magulang, itong si Christine sa wakas.
02:50Nakapagtapos na rin sa kolehyo sa kursong education.
02:56At ang dagdag na good news, abay, pasado rin daw siya agad nang kumuha ng licensure examination for teachers.
03:04Pasalamat yun mi sa ginoo.
03:06Kaya gitagaan yun mi o giya sa pag-atiman sa mga bata, luyo sa kalisod.
03:12Pero nakabot ginamuang mo ang gusto nga makahumanggi siya o college.
03:16Todo-todo raw ang pasasalamat noon ni Christine sa kanyang mga magulang.
03:22Kaya ang dalaga, agad daw naghanap ng trabaho para makapag-ipon.
03:27After ko pong mag-review, na apply po agad ako bilang call center agent.
03:32And then this year lang po akong huminto para mag-apply po sa DepEd.
03:36Ang pangarap na refrigerator, hindi pa rin daw nawawaglit sa isip ni Christine.
03:42Kaya nang matanggap sa pangarap na departamento, sinikap niyang mag-ipon.
03:47Isinantabi ang mga pansariling luho para ang unang mabili sa pinaghirapang kita.
03:54Refrigerator.
03:55Ang mga magulang naman ni Christine, walang pagsidla ng tuwa habang ina-unbox ang kanilang kauna-unahang brand new refrigerator.
04:11Daku, ginamang pasalamat sa labawang makagahong.
04:14Kahit naanagyut siya na project na ref para sa mga niluto, dinagyut siya mapan-us.
04:21Masaya sila kasi mayroon na kaming naiponder na gamit, mayroon na kaming ref.
04:26At hindi na namin kailangan matilagay sa ref ng kapitbahay namin.
04:31Dahil bagong taon at bago ang refrigerator, hindi papayag ang good news na wala itong bonggang laman.
04:40Hi, salamat sir.
04:43Kaya ang aming team, may grocery package na handog para sa Tugbuk family.
04:49Salamat kayo.
04:52Ang kwento ni Christine at ng kanyang pangarap, tulad din ang kanilang brand new refrigerator.
04:59Mahirap man at matagal na hinintay, darating at darating pa rin.
05:04Patunay na sa bawat pasok ng taon, nagbubukas din ang pinto para sa mga bagong biyaya at pagkakataon.