00:00Mahigit 18,000 police ang nakabantay sa paligid ng andas, ayon yan sa National Capital Region Police Office.
00:07Iba pa ang mga nakasibilya na nakatalagang magbantay ng siguridad.
00:11Mula sa Quiapo Church, may report si Darlene Cai. Darlene!
00:19Lala, mahigit 6,000 devotee ang lumalohok ngayon sa Pisa ng Puong Jesus Nazareno
00:24base sa pinakahuling tala ng Quiapo Church Command post kaninang tanghali.
00:29Bula po yan mula sa Quirino Grandstand sa ruta ng traslasyon hanggang dito sa simbahan ng Quiapo
00:35kung saan dagsa at napakarami talaga ng mga debotong nakikinig ng Misa.
00:40Ayon sa initial assessment o observasyon ng pamunuan ng Quiapo Church,
00:45ay mas agresibo yung mga deboto ngayon kung ikukumpara ng mga lumahok sa traslasyon noong mga nakaraang taon.
00:54Sa press briefing kanina na ibinigay ng pamunuan ng Quiapo Church,
00:58sinabi ni Alex Erasga ang incident commander ng traslasyon 2026
01:01at technical advisor na mas sinalubong daw kasi ng mga deboto ang andas.
01:07Dahilan kaya inabot ng higit 6 na oras ang andas mula sa bago lumiko sa Finance Road
01:12hanggang makatawid ng Ayala Bridge na nasa 1 kilometro lang.
01:17Sa ngayon ang nakikita nilang pinakamalaking hamon sa pag-usad ng andas
01:21ay ang mga taong sumasampah sa unahan nito.
01:24Hindi daw talaga mapigilan ng mga deboto na salubungin ang andas ng puon
01:28at sumampa sa unahan nito para makahawak o makapagpahid ng bimpo sa salamin.
01:35Aminado si Police Colonel Emil Tumibay, Deputy District Director for Operations ng Manila Police District
01:41na hindi na napigilan ang mga barrier at ng mga pulis na nagbantay ang mga deboto
01:45sa ilang isinarang kalsada gaya na lang sa Ayala Bridge.
01:49Kung matatandaan nyo, Lala, inabisuhan na yung mga deboto na huwag nang pumunta sa Ayala Bridge
01:55at ilan pang mga isinaradong kalsada para hindi na salubungin yung andas
01:59para mas smooth at tuloy-tuloy yung flow nito.
02:01Pero talagang hindi raw sila napigilan ng mga otoridad.
02:05Kung matatandaan nyo rin, noong nakaraang taon,
02:08nagkagirian sa parting yan ang mga pulis at mga deboto
02:11kaya may ilang pulis at debotong nasugatan.
02:14Ngayon naman, ayon kay Police Colonel Tumibay,
02:17ay walang nasugatan at naiwasan ng tensyon sa pagitan ng mga pulis at mga deboto
02:21dahil hinayaan na lang nilang makadaan ang mga deboto
02:25na siyang sumasalubong naman sa andas.
02:28Paulit-ulit na pakiusap ng mga otoridad at ng Simbahan ng Quiapo
02:32na dapat po huwag sumampa at huwag salubungin ang andas.
02:36Samantala, ayon sa Quiapo Incident Command Post,
02:39nasa tatlong daan na ang pasyente sa kanilang first aid at medical stations
02:43dito sa palibot ng Quiapo.
02:45Pero wala naman daw critical ang kondisyon
02:48at marami sa kanila ay nahilo o nang hina.
02:53Lala base daw sa usad ng prosesyon ngayon,
02:56posible na maging kapareho o baka mas matagalan pa
03:00kung ikukumpara sa traslasyon noong 2025 o nakaraang taon
03:04yung traslasyon ngayon.
03:06Yan ang latest mula rito sa Quiapo. Balik sa iyo, Lala.
03:10Darlene, yung mga kaso more on nahilo
03:12kasi kanina umaga meron mga natusok ng mga steak,
03:16barbecue steak na pinagbabawal naman ng pagbebenta.
03:19So ngayon nawala na yan?
03:21Darlene,
03:28Darlene,
03:34subukan po natin uling ayusin lamang at balikan ang linya ni Darlene Kai.
03:42Siya po ay nakatutok pa rin sa nangyayaring traslasyon
03:46at kanya nga po nga nabanggit na isa sa nagiging hamon
03:51at pahirapan ngayon sa pag-usad ng andas ay yung mga sumasampa.
03:56Nauna ng pinakiusap ng Quiapo Church,
03:59maging ng mga pulis na huwag na pong gawin ng mga deboto.
04:03Ay nyo pong nakikita ngayon ng live video sa Cason Boulevard
04:06at kapansin-pansin na hindi po talaga napipigilan ang mga deboto na sumampa.
04:13Sila po ay talagang umaangat at pinipilit na ipunas ang kanilang mga panyo sa andas.
04:22At ito po ang nagiging sanhi ng pagbagal.
04:25Kaya ang tansya ngayon ng pulisya ay maaari talagang tumagal
04:29at maaaring mas mahaba pa sa nangyaring traslasyon nung isang taon.
04:35Samantala mga kapuso,
Comments