Skip to playerSkip to main content
Panayam kay NCRPO Spokesperson, PMaj. Hazel Asilo ukol sa update sa seguridad at monitoring ng #Traslacion2026

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Update na lang muna tayo sa seguridad at monitoring ng Traslasyon 2026.
00:05Yan ang pag-uusapan natin kasama si Police Major Hazel Asilo,
00:09ang tagapagsalita ng National Capital Region Police Office o NCRPO.
00:13Major Asilo, magandang tanghali po at welcome sa Bagong Pilipinas ngayon.
00:19Yes ma'am, magandang tanghali po.
00:22Major, kumusta po sa kasalukuyan itong Traslasyon 2026
00:26at ilan na po ang nakadeploy na polis ng NCRPO sa Kya po at mga karating lugar.
00:32Sa kasalukuyan po, generally manageable at under control naman po ang sitwasyon natin sa Traslasyon 2026.
00:38Patuloy po yung ating crowd safety operations,
00:41ang ating route security at assistance services sa Kya po at mga karating lugar.
00:46Nasa mahigit 19,000 personnel po ang nakadeploy bilang bahagi po ng ating full deployment plan
00:52sa tulong po ng ating mga kapulisan.
00:54Sa ating po sa NCR is nasa 15,542 po ang ating personnel na nakadeploy.
01:01At ang iba naman po ay nagmula sa iba't ibang ahensyat gaya po ng MMDA,
01:05ng OCD, DOH, ganun din po sa Coast Guard at ang Bureau of Fire.
01:10So Major, ano naman yung kasalukuyang crowd estimate ng NCRPO?
01:15Ano po yung pinakabinabantayan ngayon or yung pinakamaraming lugar sa mga oras na ito?
01:20As of 12 noon po, meron po tayong namonitor na 556,000 na crowd estimate.
01:28At ito po ay kasalukuyan po yung 318,000 po dito ay dito sa area po ng Palangka,
01:35kung saan po nandun ngayon yung ating andat.
01:38So ano yung pangunahing security challenges na minomonitor ninyo ngayon,
01:43traslasyon, kumpara sa mga nakaraang taon?
01:46Sa ngayon po minomonitor natin ay ang crowd density at congestion,
01:50lalo na po sa mga identified natin choke points
01:53or yung mga areas po na merong dadaanan ng prosesyon na maliliis po yung mga kalsada.
01:58Ganun din po yung mga medical emergencies,
02:01dulot po ng pagod, init, at existing health conditions
02:04ng ilang deboto po natin na nag-attend ng prosesyon.
02:06Patuloy po yung ating pagbabantay laban sa petty crimes
02:10at ang pagsatiyak po na may malinaw na daanan para sa emergency response.
02:14Sa ngayon po, wala naman po tayong namomonitor na anumang specific security secret
02:18pero patuloy po yung ating ginagawang monitoring kabilang po sa social media.
02:24Major, doon sa sinabi niyong number ng mga polis na nakadeploy,
02:27anong area yung pinaka-concentrate yung bilang ng mga polis, yung dami nila?
02:32Saan po sila nakafocus ngayon?
02:34Nakafocus po tayo ngayon dito.
02:38Yung pong nadaanan na ng ating prosesyon, ng ating andas,
02:43ay sila po ay nagpo-proceed na po ngayon sa area ng Chiapo Church.
02:46So, nandun po ang bulto ng ating mga personnel na deployed.
02:50So, kung halimbawa nakadaan na dito sa isang area,
02:54yung polis na nandun sa nadaanan ay pwede nang lumipat sa iba pang area,
02:59ganun po ba yung deployment ninyo?
03:01Meron pong naiiwan tayo para i-secure pa rin po yung location
03:04pero karamihan po sa kanila ay nagpo-proceed na po,
03:08nag-leap-thrug na po sa susunod na location kung saan po sila nakailan.
03:11So, Major, may naitala na po bang anumang insidente tulad ng stampede,
03:16nakawan o medical emergencies?
03:18At paano po agad tumutugon ang mga polis sa ganitong sitwasyon?
03:23Sa ngayon po, wala naman po tayong naitalang major
03:26toward incident or medical emergency,
03:29maliban po dun sa isang balita na ipapalita po
03:34na nagkaroon na sawi na isang membro po ng media
03:39at yung mga ilang minor medical concerns naman po
03:43gaya ng pagkahilo, pagod at dehydration
03:45ay agad naman pong natutugunan ng ating medical teams at police assistants.
03:50So, kumusta naman po yung koordinasyon ninyo ng NCRPO sa MMDA,
03:56Manila LGU at iba pang ahensya
03:58para matiyak yung kaayusan, crowd control at mabilis na response ngayong araw?
04:05Maayos naman po at tuloy-tuloy yung ating koordinasyon sa MMDA,
04:09sa local government ng Manila, sa church marshals
04:12at saka sa ating mga medical and rescue units,
04:14ganun din sa ating ibang partner agencies.
04:16Malinaw po na ang ating coordination mechanism
04:19upang matiyak po na maayos yung ating crowd control,
04:22ang traffic management at mabilis na responde po natin sa anumang emergency.
04:27So, Major Asilo, may mga ipinatutupod bang mga no-fly zone,
04:31signal jamming, o may pang security measures
04:33laban sa posibleng banta sa public safety.
04:37May mga areas po tayo na nagkakaroon ng mahina
04:40hanggang sa pagkawala ng signal.
04:42So, mayroon po tayong signal interruption,
04:44lalo po doon sa mga areas na dadaanan at dinaanan po
04:48ng ating profesyon.
04:50Bilang pagsisiguro po, dahil itong ganitong kalaki po na crowd,
04:54is hindi po natin nasisiguro kung sino-sino po yung nandyan sa ating crowd na yan,
05:01kaya po nagkakaroon tayo ng signal interruption.
05:04Meron din po tayong no-fly zone,
05:06at syaka meron lamang po tayong mga drones na in-allow,
05:10yung mga authorized lamang po ng mga drones
05:12ang yunilipad po sa ngayon.
05:14So, paano nyo naman po tinutulungan yung mga nawawala
05:17o nahihiwalay sa kanilang pamilya o grupo ngayong traslasyon?
05:21May help desk po ba o designated areas para sa kanila?
05:25Bawat segment po ay meron po tayong nakatalaga na mga police officers,
05:29meron po tayong mga police assistance desk,
05:31may command post po na maaaring lapitan na mga nawawala
05:34o nahihiwalay po sa kanilang pamilya o grupo.
05:38Ito po mga designated areas ay meron din po tayong mga lost and found,
05:42reporting at reunification.
05:44At sinapayuhan po natin ang publiko na agad pong lumapit sa pinakamalapit na police
05:48para mabilis po silang mabigyan ng tulang.
05:52Dito naman sa hanay ng mga pulisa,
05:54paano naman yung paghanda na ginawa ninyo
05:56para makaagapay dito sa prosesyon?
05:59Kasi sigurado yung iba dyan, kagabi pa naka-duty,
06:02may shifting po ba?
06:03Ilang oras yung kanilang shift para man lang,
06:06at least kasi para hindi mangyari,
06:07dahil sila din naman napapagod
06:08o puyat pa sila o nagugutom.
06:11So, paano po yung preparation naman ng PNP?
06:13Meron naman po tayong shifting na itinapasupad.
06:17So, halimbawa man po,
06:18kung itong area na ito ay wala na po tayong mga casino, mga crowd,
06:23so pwede naman po silang magpahinga.
06:25Although meron po tayong 12 hours na shifting pad na itinapasupad,
06:28at meron po tayong mga reserve force po,
06:33na pwede pong,
06:34meron po tayong mga reserve force na itinapadala
06:37para po ensure na yung mga nak-duty na nang medyo matagal
06:40at syempre kailangan din po nilang mapahinga,
06:42ay mapapalitan naman po.
06:44Okay, para sa mga debotong kasalukuyang na sa prosesyon,
06:47ano po ang karagdagang paalala at mensahe ng NCRPO
06:50para maiwasan ang disgrasya at masigurong ligtas ang lahat?
06:55Para po sa ating mga deboto at sa mga kababayan po natin
06:58na nandyan sa prosesyon o dadalo pa lang po sa prosesyon,
07:02unahin po natin ang kaligtasan,
07:04iwasan po natin ang tulakan at isikan,
07:06lalo na po dyan sa mga areas na magsisikip at mga choke points,
07:10uminom po tayo ng sapat na tubig
07:12at huwag pong ipilit ang sarili kung may nararamdaman silang
07:15hindi maganda sa kanilang mga katawan.
07:18Sundin po ang mga tagubili ng polis at church marshals
07:21at ipinapaalala din po namin na ang kaligtasan ng bawat isa
07:24ay responsibilidad po ng lahat.
07:27Makinig po tayo at sumulod sa mga polis, church marshals at volunteers
07:30at iwasan po ang mga kilis na maaring magdulot ng pangalig sa inyo
07:34o sa inyong mga nakapaligid po.
07:37Sama-sama po natin panatilihin ang kayusan
07:39upang ang pagunita sa mahal na poong Jesus Masareno
07:42ay maging ligtas, payapa at tunay na makahulugan.
07:45Okay, maraming salamat po sa inyong oras,
07:48Police Major Hazel Asilo,
07:50ang tagapagsalita ng NCRPO.
07:52Okay, maraming salamat po.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended