Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00of Jesus Nazarene.
00:30Devoto dito sa Quiapo, punong-puno ang loob ng simbahan,
00:33pati yung labas ng simbahan dito sa Plaza Miranda at mga kalapit na kali at kalsada.
00:42Ayon sa pinakuling tala ng Manila Police District at Pamunuan ng Minor Basilica
00:47National Shrine of Jesus Nazareno, mahigit 74,000 mga devoto ang nandito sa Quiapo ngayon.
00:52Ang sistema rito, pumipila muna ang mga devoto sa Villa Lobos bago sila papasukin sa Plaza Miranda
00:59at sa Simbahan ng Quiapo bago mag-umpisa ang Hourly Fiesta Masses.
01:04Sa Villa Lobos pa lang, napakahaba na ng pila.
01:07Kaya oras ang hinihintay ng mga devoto bago makapasok sa simbahan.
01:12May mga devotong pinili na lang makinig ng misa sa labas ng simbahan.
01:16May LED screens naman sa palibot ng Quiapo kung saan marami rin mga devoto ang nakikinig sa live stream ng misa.
01:23Ang 69 years old na si Robert Cervando, dumayo pa mula Balagtas, Bulacan at naglakad ng nakayapak.
01:31Pero sa LED screen na lang nakinig ng misa sa Quezon Boulevard Corner, Paterno.
01:36Hindi na kasi siya makalapit sa simbahan dahil sa kapal ng volume ng mga devoto sa Quezon Boulevard.
01:42Ganyan din ang mag-asawang Bernard at Maria Julieta Jimenez mula Teresa Rizal.
01:46Dala ang maliit na replika ng puong Jesus Nazareno.
01:49Sa gilid ng simbahan na lang sila nagsimba at nakinig ng misa dahil nga mahaba yung pila papasok sa Quiapo Church.
01:57Pero kahit napakarami ng tao ay mahigpit ang siguridad na ipinatutupad ng mga otoridad.
02:03Pinaaalis ang mga vendor na nagtitinda sa paligid ng simbahan at sa rutang daraanan ng andas.
02:09Narito ang pahayag ng mga nakausap naming devoto.
02:16Eh, wala tayong magagawa kasi nagpapalis na.
02:20Ganon talaga trabaho nila yan.
02:22Pero kayo ma'am, ano pong nararamdaman po ninyo?
02:24Eh, siyempre ito lang yung pagkakataon namin para kumita kami.
02:28Kasi sobrang higpit na ngayon.
02:30Sana eh, lubakas pa kami ng buong pamilya ko.
02:35At ang dakilang gawa ng Diyos.
02:38Nagpapasalamat lang sa mga biyayang binibigay sa akin.
02:40Dumbating kami rito, mga 7 o'clock in the morning and then nakita namin sa sobrang dami ng tao, kabilaan.
02:48Kaya nag-decide na lang kami na dito na lang kami sa mas malapit na sa pintuan ng simbahan.
02:56Sa aking likuran sa Plaza Mirada ay talagang punong-puno ng mga devoto.
03:00Yan yung mga hindi na nagkasya papasok sa Quiapo Church.
03:03Pero pagkatapos naman po ng kada misa, ay may lumalabas para i-bless.
03:08Hindi lang yung mga nakapasok sa simbahan, kung hindi pati yung mga nandito sa Plaza Miranda
03:13at yung mga nakinig ng misa doon sa mga palibot na kalye at kalsada.
03:18Mahigpit pa rin yung siguridad na ipinatutupad ng mga otoridad.
03:22Marami doon sa mga nakausap namin devoto ay hihintayin na ang pagbabalik ng andas dito sa simbahan ng Quiapo.
03:29Yan ang latest mula rito sa Quiapo, Maynila. Balik sa iyo, Rafa.
03:32Maraming salamat sa iyo, Darlene Kai.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended