Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Extended po hanggang bukas ng alas 10's ng umaga ang pahalik sa replika ng poong Jesus Nazareno sa Quirino Grandstand.
00:07Sa Misa Mayor bago ang traslasyon, ipinunto ang kahalagahan ng pagkukusang bumaba bilang simbolo ng pagmamahal.
00:14Balita ng atid ni James Agustin.
00:21Sama-sama sa panalangin ng libu-libong deboto ng poong Jesus Nazareno na nakiisa sa Misa Mayor sa Quirino Grandstand kaninang hating gabi.
00:29Pinangunahan ng banal na Misa ni Bishop Rofino Sescon Jr. ng Diyosesis ng Balanga, Bataan.
00:35Humalili siya kay Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula na kasalukuyang nasa Roma.
00:39Sa kanyang homily, pinaalala ni Bishop Sescon na gaya ni Jesus Nazareno ay dapat matuto tayong magkukusang bumaba dahil simbolo ito ng pagmamahal.
00:48Sa ating bayan ngayon, may mga ayaw bumaba kahit malina at bistado na.
00:56Ayaw bumaba kahit pahirap na sa bayan.
01:03Ayaw bumaba kahit nagdurusa na ang mga mahihirap.
01:09Ayaw bumaba kahit binabaha na at nasisira na ang bayan.
01:14Ayaw bumaba kahit hindi karapat dapat tumigil na, tama na, maawa na kayo sa taong bayan.
01:28Mahiya namang kayo bumaba na ng kusa, alang-alang sa awa at pag-ibig.
01:38Ang tunay raw na deboto ni Jesus Nazareno ay marunong makinig at sumunod.
01:42Ang namamanata, ang kumakapit at umihila ng lubid, ang mga nagpipingga at pumapasan, ang mga sumasalya at humahalik sa kanyang paanan, ay dapat lalong nakakapakinig sa Diyos.
01:59Sa poong Nazareno, natututunan natin, ang mga bumagsak ay muling makababangon.
02:07Ang mga nagkamali ay maaaring maitama.
02:12Ang mga nawawala ay maaaring maahanap muli.
02:16Kabilang sa mga nakiisa, si Nakrisha at Derick kasama ang apat na taong gulang nilang anak na si EA.
02:22Galing silang kalookan at nag-leave sa trabaho para makadalo sa traslasyon.
02:25Every year namin itong ginagawa, mas napapanatag yung pag-asama naming mag-asawa,
02:31lalong tumatatag yung pag-ano namin, pagsasama.
02:34Since naging kami, six years na din kahong nag-devotion din.
02:39Si Derick susubukan daw ulit na makahawak sa lubid na humahatak sa andas.
02:43Bahagi na raw ito ng kanyang panata.
02:45Importante sa akin ng pag-ahawag sa lubid dahil dito na tutupad ko yung mga hiling ko sa poong Jesus Nazareno.
02:53Apat na dekada ng deboto ang PWD na si Miriam.
02:56Lalo raw lumalim ang kanyang pananampalataya kay Jesus Nazareno
02:59nang maputulan siya ng kamay matapos maaksidente noong 2024.
03:03Nung nadisgracia po ako ay pinalangin ko pala, bigyan pa ko ng isang buhay.
03:08Ito nga po, nabuhay po ako ng ganito.
03:11Kaya po, malakas talaga ang pananari ko sa Diyos.
03:14Lalo sa pangasareno na nabuhay, binigyan ako ng pangalawang buhay.
03:19Hindi rin alintanan ng senior citizen na si Mabel ang dami ng mga tao makita lang ng personalang imahen.
03:25Sa dalawampung taon niyang pamamanata, marami raw hiling na natupad.
03:28Tulad po nung nadisgracia yung anak ko.
03:31Talaga po nga laki ng tulong ng nasareno sa amin.
03:34Kala namin wala lang pag-asa pero na-operaan yung anak ko.
03:38Yung paniniwala po, yung pananampalataya, yung pagmamahal sa Panginoon.
03:44Magkakaiba man ang pinanggalingan at rason ng pamamanata,
03:47pinagbuklod ang mga deboto ng iisang pananampalataya.
03:51Baon nila ang mga himala na ipinagkaloob ng poong Jesus na sareno
03:54at hindi matatawarang pasasalamat sa kanya.
03:56James Agustin, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended