Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Dapat siya ay tumaas at ako naman ay bumaba.
00:04Yan po ang tema ngayong Nazareno 2026,
00:07simbolo ng pararampalataya at ng debosyon ng mga deboto ng poong Jesus Nazareno.
00:13At ngayong umaga, makakaprayan po natin ang liturgy head
00:16ng Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno na si Brother Adrian Hapa
00:20ukol sa dagdag na detalye para sa traslasyon.
00:24Brother, good morning po.
00:25Magandang umaga po sa iyo at magandang umaga po sa ating mga kadiboto ng mahal na po ngayon sa Nazareno.
00:31Brother Adrian, ito po, sa tingin niyo po, anong oras po makakabalik ang andas dito po sa Kyapo Church?
00:38Estimated time po puro siguro natin ay siguro ay bago mag 11pm mamayang gabi.
00:46Depende na lang po kung ito po ay magkakaroon ng aberya o may masisira sa andas.
00:52Ah, yun lang po ang estimated time of arrival ay mga 11, before 11pm.
00:58Brother Adrian, ito po, sa tingin niyo po, ano po yung pinagkaiba ng daloy ng andas sa mga nakaraang taon in comparison sa ngayong taon po?
01:07Ah, siguro para sa akin yung daloy ng andas o yung daloy ng prosesyon ay halos hindi naman nagkakapareho naman eh.
01:17Yung, kahit yung pag-alis from grandstand going to Kyapo Church, kahit maagang umalis ang andas sa grandstand.
01:25Ah, same pa din naman ang dating niya na 11pm, before 11pm or 12pm.
01:32Ah, depende po yan kasi sa dami at dagsa ng mga deboto at mga sumasalya.
01:38At kung ito man ay magkaroon ng aberya o pagkasira ng gulong o hindi may iwasang pagkaputol ng tali,
01:44yung po yung mga nagiging dahilan ng ating aberya o pagkaantala ng prosesyon.
01:50Brother Adrian, ito po, sa tingin niyo po ba, sapat po yung paghahandang ginawa natin para sa traslasyon ngayong taon?
01:56Ngayon po ay sapat naman po ang paghahanda ng pamunuan ng Kyapo.
02:01Sinigurado po ng pamunuan ng Kyapo na magiging maayos, magiging banal ang prosesyon,
02:08lalong-lalo na po ang mga misa, lalong-lalo na po ang mga, ah, yung safety ng ating mga debotong pupunta po dito sa Kyapo Church.
02:18Brother Adrian, ito last question po na medyo personal to.
02:21Ano po ang inihiling niyo taon-taon sa poong Jesus na Nazareno?
02:24Siguro ang inihiling ko po taon-taon sa poong Jesus na Nazareno bilang isang deboto ay
02:30magkaroon po ako ng lakas ng katawan, ah, humaba pa ang buhay at makapaglingkod pa sa kanya habang buhay.
02:37Yun lamang po.
02:38Brother, thank you so much at congratulations po sa successful traslasyon.
02:42See you po ulit next year, brother.
02:44At muna ang latest mga kapuso mula dito sa Kyapo, Maynila.
02:48Back to studio po muna tayo.
02:50Kapuso, huwag magpapahuli sa latest news and updates.
02:53Mag-iuna ka sa balita at mag-subscribe sa YouTube channel ng GMA Integrated News.
Comments

Recommended