00:00Para sa update sa sitwasyon sa Catanduanes na dinaanan ng baging uwan,
00:05makapalain po natin si Catanduanes Governor Patrick Azanza.
00:08Governor Azanza, magandang umaga po.
00:11Magandang umaga po naman.
00:14Mga, ngamusta lang po kami? Kamusta na ang lagay ng panahon ngayong oras na ito sa inyong lugar?
00:20Sa ngayon po ay ilang oras matapos na halos sakluban kami
00:26ng Super Typhoon Uwan, ngayon po ay medyo maliwanag na at nakikita na ang kabundukan.
00:35Subalit kahapon po ay talaga namang kakaiba ang naging eksperyensya po dito sa Catanduanes.
00:44Alam po ng lahat na daanan talaga kami ng bagyo.
00:48Pero ito pong Super Typhoon Uwan ay kakaiba dahil pinaghalo po yung malakas na ulan,
00:56malakas na hangin at may kasamang storm surge.
01:01Yung amin pong seawall ay nagiba malapit sa Pierre
01:09at halos naging nagnistulang kapartina ng dagat yung dating pasyalan ng mga tao,
01:18ang Imelda Boulevard.
01:20At inilubog din po ang ilang bahagi ng aming mga barangay at munosipyo
01:27sa sentro po ng Virac, ang capital town ng Virac.
01:32Halos lagpas bewang.
01:35Ang iba ay kailangan ng umakyat ng bubong sa may gugon sentro.
01:41At doon din naman sa lugar ng San Miguel,
01:46umabot din po ng bubong ang mga tubig, tubig baha.
01:53Nagkaroon ng mga landslides at flash floods po.
01:57Sa bandang norte kung saan talagang tumama yung Super Typhoon Uwan,
02:05sa Pandan, Viga, Karamuran at sa Baras na apektohan din po,
02:13minalas po na may isang sinawimpalad na doon sa bayan ng Viga,
02:21dahil sa flash floods, mabuting bagay na nakapag-impose po kami
02:28ng forced evacuation.
02:31Opo.
02:32Dahil kung hindi ay sa nakita naming epekto ng storm surge sa coastal areas,
02:41maaaring mas marami pang buhay ang nawala
02:45kung hindi nag-impose ng forced evacuation po the day before.
02:50At malaking bagay din po na nakapag-preposition kami ng mga food packs
02:56dahil agaran kaming magsasagawa ngayon ng distribution mula kahapon hanggang ngayon.
03:04At kausap ko na po si DSWD Secretary Rex Gatzelian
03:10at binagyan niya na ako ng go signal na ubusin na ito
03:14dahil hindi makakasapat po yung 19,000 preposition food packs
03:20dahil halos umaabot ng 90,000 yung naapektuhan po ng super typhoon dito sa Katanduanes.
03:30Opo.
03:30At marami rin pong nangangailangan ng hiero, plywood, mga pako
03:36dahil ang daming totally at partially damaged na houses
03:42dahil sa pagsalanta ng super typhoon.
03:47At nananawagan din kami sa DNR na reviewin yung pag-issue ng environmental clearance
03:55sa ilang mga kumpanya, lalo na yung may nagpapagawa ng mall dito
04:01na malapit doon sa Gugon Centro
04:03na siyang itinuturo na isang malaking dahilan
04:06kung bakit ang pagbaha ay kakaiba sa Gugon Centro po.
04:11So, pasalamat din po kami
04:14dahil palagian yung koordinasyon sa amin ni DILG Secretary John Wick Remulia
04:24at naroon yung assurance na nakamonitor mismo ang Pangulo at ang DILG po
04:30at nakahanda silang magpaabot ng tulong
04:33kagaya ng kanila na pong ginawa noong super typhoon Pipito.
04:40Gayun din po ang DICT.
04:43Salamat kay Secretary Henry Aguda
04:46dahil yung 37 star links na ipadalan niya po sa akin
04:51ay malaking tulong po para sa uninterrupted communication
04:56ng 11 towns ng probinsya.
04:58Nagkaroon ng malawakang brownout po
05:02dahil ang si Selco ay nag-decide na mag-shutdown sa buong probinsya
05:08kung kaya medyo sa kasagsaga ng bagyo ay madilim talaga
05:13at naapektuhan ang mga linya ng kuryente at pati na ang mga internet.
05:22Yan po ang naging sitwasyon.
05:25Ang akin pong advice doon sa mga dadaanan pa lamang po ng super typhoon U1
05:32huwag niyo po itong ipagsawalang bahala
05:35kakaiba po ito para sa aming mga dinadaanan na palagi ng bagyo
05:40kakaiba po itong super typhoon.
05:42Nakitang-kita niyo naman po yung picture
05:45halos kayang sakluban ang buong Pilipinas po.
05:48Kaya po talagang kami na dinaanan ng super typhoon U1
05:54ay medyo naging kakaiba ang aming karanasan
05:58at malaking bagay po ang forced evacuation.
06:03Hindi lamang sa coastal areas
06:04kundi maging doon sa mga landslide prone areas po
06:09maging proactive na po dahil ang buhay pag nawala
06:14ay hindi na mababawi po.
06:16Ay naku, maraming salamat po Katanduanes Governor Patrick Azanza.
06:20Ingat po.
06:21Maraming salamat din po at more power sa inyo
06:24mula dito sa Katanduanes po.
06:28Igan, mauna ka sa mga balita.
06:30Mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube
06:33para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Comments