00:00Inilatag na ng ASEAN National Organizing Council ang mga aktividad para sa mga pagpupulong na isasagawa ng Pilipinas bilang ASEAN Chair ngayong taon.
00:09Ayon sa ASEAN NOC, aabot sa 650 ang bilang ng mga meeting na isasagawa sa iba't ibang lokasyon sa Luzon, Visayas at Mindanao.
00:17Ilan sa mga mahalagang aktividad na gagawin sa bansa ngayong taon ay ang 40th ASEAN Summit and Related Meetings na gagawin sa Cebu ngayong Mayo,
00:26habang ang 49th ASEAN Summit and Related Summits ay gagawin sa Nobyembre sa Philippine International Convention Center sa Pasay City.
00:34Isasagawa rin ang ASEAN Foreign Minister's Meeting at ang kumemorasyon ng ikalimampung anibersaryo ng pagkakabuo ng Treaty of Amity Cooperation ngayong Hulyo sa PICC sa Pasay City.
00:45Ayon naman kay ASEAN NOC Deputy Director General for Operations for Tired Major General Potensiano Camba,
00:51wala pa silang namumonitor na anumang banta sa seguridad para sa hosting ng bansa sa ASEAN ngayong taon.
00:57May ikpit na rin ang pakipag-unayan ng NOC sa Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines at Department of National Defense
01:04para sa paglalatag ng mga security measures sa pagdating ng mga ASEAN leaders at kanilang delegasyon sa bansa.
Be the first to comment