00:00Pinagpatuloy ng Pilipinas ang magandang takbo nito sa kasalukuyang ginaganap na 2026 Asia-Pacific Men's Lacrosse Championship
00:08matapos talunin kahapon ang Hong Kong sa Wellington, New Zealand.
00:13Pinangunahan ni Jaden Balasata na ang national team sa pagtala ng tatlong goals
00:17na kung saan siya ang nakapagpantay sa score na 4-4,
00:21matapos mapag-iwanan ang Pilipinas sa simula ng laban 0-2.
00:25Tumikada rin si Jaret Dujeno ng isang go-ahead goal na sinundan pa ng dalawang sunod na goals ni Balasatan para siguraduhin ang panalo ng Pilipinas.
00:35Nauna ng tinalo ng Pilipinas kamakailan ang China 20-1 sa kanilang opening match.
00:41Dahil dito kapantay na ng Japan ng Pilipinas sa tuktok ng Pool B na may malinis na 2-0 record
00:47na nakatakdang magharap ngayong araw upang paglabanan ng number 1 spot sa group stage
00:53para sa layuning makuha ng pwesto sa 2027 World Lacrosse Men's Championship.
Be the first to comment