00:00Aarangkada na ang Philippine International Memory Sports Championship
00:04na gaganapin sa La Salle Green Hills, Mandaluyong City sa darating na September 20.
00:09Sa temang Memory Clash, International Battle of the Brightest Minds,
00:14magtatagisan ng galing sa pag-iisip at talas ng memorya
00:18ang mga mind sports athlete,
00:20hindi lamang mula sa Pilipinas, kundi pati na rin sa ilang parte ng Asia.
00:24Sampung disiplina ang paglalabanan,
00:26kabilang ang random words, speed numbers, speed cards,
00:30random images, names and faces, binary numbers at spoken numbers.
00:36Kasama rin ang fictional dates, playing cards at marathon numbers.
00:40Bukas ang kompetisyon para sa mga beginners at seasoned players
00:44mula sa kids, junior at adult divisions.